Chapter_1

58 3 0
                                    

Yuika pov

"Yuika,gising na!"sabay yugyog.Tinaboy ko ang kamay nang yumuyugyog sakin.

"Kung sino ka man.Huwag mo akong guluhin."banta ko.

Minsan na nga lang makaranas ng sarap sa pagtulog,manggugulo pa.At mabuti naman dahil di na ako kinulit ng taong 'to.








"What the!"Napabangon ako dahil sa lamig ng tubig na ibinuhos sakin.Brrr!!Shit to the max!Sinong gumawa sakin nitooooo?????

"Tigas kasi ng ulo mo."Sabay hagis ng tabo sa ulo ko.Ouch!!Ang sama talaga niya.Lumabas siya na parang walang nangyari habang nakapamulsa.

"Kainis talaga ang lalaking yun."sabay himas sa parte ng ulo na tinamaan.Bigla namang pumasok si Kyrra,bestfriend ko.

"Hoy,ba't ka nandito?"

Ano naman kaya ang pakay nitong si kyrra?

"Goodmorning sleepyhead!Ganda naman ng pagbati mo sakin.Anyways,ang aga mo ata naligo ah?Yan kasi di pa gumising."Sambit nito habang nakangisi pa sabay tabi sakin sa kama.

"Psh!Alis dyan,maliligo ako ULIT.Tsaka ikaw naman umalis ka na lang dito kung aasarin mo lang ako."

Tumabi naman siya para padaanin ako.Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa pinto tsaka pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong maligo lumabas agad ako ng banyo.Wala na rin si kyrra,ibig sabihin pumunta lang siya dito para asarin ako.Tss!Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ang lalaking nagbuhos sakin ng malamig na tubig.Kumakain siya ng sandwich habang nakahawak sa baso na may kape.Nang mapansin niya ako,bigla siyang tumayo at kinagat ang sandwich sabay bitbit ng baso pagkatapos ay binanggaan muna ako bago tuluyang umalis ng kusina.Aish!Sarap niya talagang sipain,ang laki talaga ng galit niya sakin eh.

Nagtimpla ako ng kape at gumawa ng tuna sandwich na para lang talaga sakin tsaka nagsimulang kainin ito.Habang busy sa pagkain nabigla ako nang pumasok si kyrra na sa pagkakahinala ko ay umuwi na siya.

"Ay grabe siya oh~Di man lang ako inimbita sa pag-almusal."

Inubos ko muna ang tuna sandwich bago magsalita,
"Heh!Akala ko ba umuwi ka na?"

"Hindi ako pumunta dito para asarin ka noh~Srsly yuika,nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon?"

"Ano ako makakalimutin?Sabado ngayon kyrra."

"Eh anong meron sa sabado?Yung napag-usapan natin kahapon sa telepono?"

"Ah...yun ba?Nagbago na ang isip ko.Ipostponed na lang ulit dahil badtrip ako ngayon."

"Na naman?Kung puro na lang postponed wag na lang natin ituloy ang paggala."

"Okay,deal."

"Iiiiiiiih!!!Yuika naman eh.Sa monday na ang pasukan pero di pa rin tayo nakapaggala.Wag mong hayaan na makain ka nang pagkabadtrip mo.We should enjoy!"masiglang sambit nito

"Hmmm...pag-iisipan ko muna"

Napasimangot siya sa sagot ko.

"Okay.Puntahan mo lang ako sa sala kapag nakapagdesisyon ka na.I hope na pumayag ka"pagkatapos ay pumanhik

Hays!Tama nga naman si kyrra,wag na wag akong papayag na lamunin ng badtrip ko na gawa ni Shin.Kainis talaga 'yang lalaking yan eh.Parati na lang ako binibwisit.

Matapos kong ubusin ang kape pinuntahan ko si kyrra na nasa sala kasama si shin.Actually magkasama lang sila sa panonood pero hindi sila magkatabi sa upuan.Ang layo nga nila sa isa't-isa.

"Hoy kyrra,pumapayag na ako"

"Talaga?Yes!Sabi na eh,effective talaga ang sinabi ko sayo."

"Oo na!"tumabi ako sa kanya.

Badterp,basketball na naman ang panonoorin namin?Kainis naman oh~Binulungan ko si kyrra,
"Gusto mo ba 'yang pinapanood natin?"tanong ko

"Honestly,hindi yuika.No choice naman tayo kasi nasa kanya ang remote control"

"Gagawa ako ng paraan"

"Pano?"

"Basta.Cheer mo ako"

"Wag na!Magalit pa yan sakin"Takot yata 'to kay shin eh.

Tumayo ako sa harap ni shin kaya nagtaka naman siya.

"Alis!"

"Ayoko"pagkatapos inagaw sakanya ang remote control pero inilayo niya ito sakin.Hindi ako titigil hangga't di niya ibinibigay sakin ito.Patuloy pa rin ako sa pag-agaw pero sadyang ang kulit niya at ayaw rin magpaawat.

"Kyrra,tulungan mo ako dito"

"Ha?Ah...eh...kaya mo na yan"

Thank you talaga kyrra,I appreciate your effort.Tss!

"Yuika,ano ba ang kailangan mo?"Sigaw sakin ni shin.

" 'Yang remote control.Akina yan.Parati na lang basketball ang pinapanood mo sa---"

"Oh ayan!Kainin mo nang buo."binigay nga niya sakin ang remote pero padabog naman.Ang bastos!

Napangiti naman kami ni kyrra dahil nasamin na ito.Wahaha!Ililipat ko na sana sa ibang channel nang,












"BROWN-OUT????"sigaw namin ni kyrra.

"Ahahahaha!!!!!Nice one.Hahahaha!!!"tawa nang tawa si shin habang tinuturo kami.Sarap putulan ng kamay.

"Yuika,bigay mo sakin ang remote"Nagtaka naman ako sa sinabi ni kyrra pero binigay ko naman ito sakanya.Hinawakan niya ako sa braso sabay,










O_O Ah...hinagis niya lang naman kasi ang remote sa mukha ni shin.Ayun sapul!Hahaha!Tumakbo si kyrra kasama ako palabas ng bahay.

"What the hell!Bumalik kayo dito!!!!"rinig naming sigaw ni shin.

"Gagantihan ko kayo,ang sakit nang ginawa niyo sakin!"dagdag niya pa.

Nang makalayo kami ni kyrra sa bahay,binitawan niya na rin ang braso ko.

"Hahahahahahahahahaha!!!!"tawa lang kami nang tawa dito sa gilid ng kalsada.Pinagtitinginan nga kami ng mga tao.

"Okay yun ah~Galing mo talaga magpatama kyrra"

"Ahaha!Ako pa.Tara sa mall!"Sabay hila sakin

"Wait,ngayon na?"

"Oo.Gusto mo bang makasama si shin buong maghapon doon na brownout tapos binabadtrip ka pa?"

"Malamang hindi.Ano kasi...nakapambahay lang ako noh~"

"Okay lang yan.Ako rin kaya,tignan mo oh~Hahaha!"tiningnan ko nga ang suot ni kyrra at ngayon lang napagtanto na nakapambahay lang pala siya.

"Ohwell,yae na nga at tayo'y gumala na"

Naghintay kami ng masasakyan at mabuti na lang may paparating agad.Huminto ito sa tapat namin kaya pumasok na kami ni kyrra.Siya daw magbabayad ng pamasahe namin,hahaha!

Can't_Bear_With_HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon