Mall
"Rykka,wala akong dalang pera"Pagpasok na pagpasok namin dito sa mall yan agad ang sabi ko kay rykka.Eh pano biglaan ang paghila niya sakin palabas ng bahay kaya di na ako nakapagdala ng pera.
"No problem.Tokken lang din ang dala ko dito atsaka ang pamasahe natin mamaya.Hehehe"
Toinks!
"Ba't yan lang ang dinala mo?"
"Wow yuika ha~Dapat mo nga akong pasalamatan kasi nilibre kita ng pamasahe tsaka nagdala pa ako ng maraming tokkens para satin tapos ikaw pa ang magrereklamo dyan?Grabe ka na ah~"
"Okay okay,sarreh na!Tara na dun sa Timezone"hinila ko na siya bago pa siya makipaggyera sakin.
Timezone
"Uy,anuba yuika!Ang daya mo naman eh.Kinukuha mo ang bola ko dito."reklamo ni kyrra habang nakakunot ang noo.Hahaha!"Edi kumuha ka rin dito"aakma na sana siyang kumuha ng bola sakin pero hinarang ko siya agad.
"Yuikaaaaaa!!!!Akala ko ba pwede akong kumuha rin ng bola diyan sayo?"
"Ahahaha!Asa!Bleh"
Inis na inis na ang mukha niya nang dahil sakin.Hahaha!By the way naglalaro kami ng basketball dito sa loob ng timezone.
"Ohyeah!Panalo ako.Wahaha"masayang tugon ni kyrra.Sumimangot naman ako sakanya.Ang daya naman kasi,talo talaga siya sa una kaso naghulog ng tokken para madagdagan ang oras at score niya eh ako wala nang maihuhulog dahil siya ang may hawak nung mga tokkens.Tsk!
"Oh,wag kang sumimangot diyan.Dun naman tayo sa mga stufftoy."
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang machine kung saan may maraming stufftoy na kailangan mong kunin with the help of button at nagcocontrol nito.Sana...sana...makuha ko ang-----
"Huy,ayaw mong maglaro?"
"Syempre maglalaro"
"Eh kanina ko pa binibigay 'tong tokken sayo,di mo ko pinapansin."
"Ay!Sarreh ulit.Akina*sabay kuha ng tokken*Ikaw mauna kyrra."
"I know I know.Hahaha"
Pinanood ko muna siya at toinks...hulog ang teddy bear.Nagtry ulit siya pero palaging minamalas.
"Oh,kaya pa?"asar ko.Nang humarap siya sakin,parang nalugi ang mukha niya.Wahaha!!
"Kawawa ka naman kyrra.Ako nga."
Naghulog ako ng tokken at aakma na sanang hawakan ang control nang pinigilan ako ni kyrra.
"Panira ka naman eh."
" Isang tokken lang dyan sa stufftoy yuika ha?Kaya galingan mo"
"Ang daya mo"
Tinawanan niya lang ako.Psh!
Ayun na nga,hinawakan ko ang control at tinarget ang cute na lion katabi nung monkey tapos itinaas at pinindot ang button,
"Here you come little-----"
O_O What the!!Akala ko yung cute na lion ang makukuha ko,ba't...ba't...
"Ahahahaha!!!!Target mo pala 'yang unggoy na 'yan?"
"The hell to the monkey!Waaaah!!!"
Akala ko ang mahuhulog eh yung cute na lion,yun pala itong unggoy na 'to.Grabe ang effort na ginawa ko para lang makuha ang lion eh iba lang din pala ang lalabas.Badterp!Ayoko pa naman sa mga unggoy.Geez!

BINABASA MO ANG
Can't_Bear_With_Him
Novela JuvenilPROLOGUE Matitiis mo ba ang sama nang ugali ng isang tao?Lalong-lalo pa't nasa iisang bahay lang kayo?Makakaya mo kayang kontrolin ang sarili mo kahit sumusobra na siya sa pagmamaltrato sa'yo dahil baka palalayasin ka sa pamamahay nito?Babalewalain...