"Pst"
Habang naglalakad papunta sa room rinig ko na agad ang sitsit ni kyrra mula sa pinto ng room namin.
"Kamusta ang cheerleader ni insan?"sabay ngisi ni kyrra.
"Langya,nandarayuhan lang ako dun."sabay pasok sa room.Sumunod naman si kyrra sakin at umupo sa upuan ni shin.
"Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong nito.
"Tsismosa mo talaga kyrra,ano?Nagpalipat-lipat lang naman ako ng upuan dun"
"Pfft!..Ay teka,may tsismis ako sayo."sabay lapit pa sakin.
"Ano na naman?"
"May kaklase daw tayong gwapo maliban kay insan..Late nga pumasok."
"Sino naman nagsabi sayo niyan?"
"Si Theres"sabay turo sa babaeng nag-iisa lang sa upuan.
"Ah ok"tipid kong sagot.
"Wala ka talagang kwentang kausap yuika.Hays!Sayang,umuwi agad yung kaklase daw nating gwapo ."pagkatapos tumayo at lumipat sa tabi ni 'theres' daw."
Kita niyo?Iniwan na lang ako bigla.
FASTFORWARD
Nauna akong lumabas sa school nang uwian na.Nyahahaha!Habang naglalakad natapilok ako bigla.Geez~Wag pahalata yuika.Kunwari walang nakakaalam at nakakakita.
Ba't nga ba ako natapilok?Shete!Ang sakit kaya-_-
Nagulat ako nang may sumabay sakin sa paglalakad,
Lingon sa katabi,
Mygas!Kapag minalas ka may swerte agad na dadating.
Ang gwapo ng lalaking kasabay ko sa paglalakad.Hihi
Pansin ko lang taga demethrya din pala siya.Yes!May pag-asang makikita ko siya.
Diretso lang ang tingin niya.Baka naman may pinagdadaanan 'to?Kung di lang sana kami nasa gilid malamang kanina pa 'to nasa gitna ng kalsada at binabanggaan lang ng mga sasakyan.
Umiwas na ako nang tingin,baka mahalata niya akong tinitignan siya.
"Come with me."nabigla ako ng hilahin niya ang braso ko
Shock yung mukha ko dahil first of all,di ko siya kilala at bigla-bigla na lamang siya nanghihila.
"Excuse me kuya,ayokong sumama sayo."saka pumiglas sa pagkakahawak niya.
"Please."lumingon siya sakin at nakita ko ang pagpiplead ng kanyang mga mata.
Jusko!Paano ko ba siya matatanggihan?Tell me how!Chos.!
"Hindi kita kilala."
"I'm Damian Fortelejo"cool na pagkasabi nito.
"So,pwede bang samahan mo ako?"dagdag pa nito
"Ah...eh...Ba't naman ako sasama sayo?"
"Ang dami mong tanong...Look,I'm so sorry dahil bigla bigla na lang kita hinigit kanina.*sigh*It's just that,gusto ko lang makalimutan ang problema ko...Mukha namang ayaw mo akong samahan.Sige,bye"
Bakas sa mukha niya ang lungkot.Tama nga ang sinabi ko kanina.May pinagdadaanan siya.Gusto niyang makalimutan ang problema niya.So...kailangan niya ng taong makakausap at makakapag gaan ng kalooban niya.He really needs me.
Tumakbo ako para maabutan siya.Ang layo na kasi niya.
Nang maabutan ko siya,lumingon siya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/56939878-288-k951254.jpg)
BINABASA MO ANG
Can't_Bear_With_Him
Teen FictionPROLOGUE Matitiis mo ba ang sama nang ugali ng isang tao?Lalong-lalo pa't nasa iisang bahay lang kayo?Makakaya mo kayang kontrolin ang sarili mo kahit sumusobra na siya sa pagmamaltrato sa'yo dahil baka palalayasin ka sa pamamahay nito?Babalewalain...