Chapter_5

17 2 0
                                        

"Ang kj mo talaga yuika!Tara na nga shin,samahan mo ako dun sa pinakalikod na upuan"pagkatapos naglakad

Ako naman ay umupo sa 2nd row malapit sa bintana.Mabuti na lang wala pang nakakaupo rito.Masarap kasi kapag malapit sa bintana dahil mahangin-----

"Omaygod!Gumaganda lalo ako kapag rebonded 'tong buhok ko."

At may mga maHANGIN rin na tao sa labas.

Napatingin sakin ang babaeng nagsalita kanina at lumapit sa bintana.Ngumisi ito,

"Hi yuika!What can you say to my rebonded hair?"sambit nito na animo'y pinagyayabang pa ang buhok

"Okay lang"tipid kong sagot

"Okay lang?Ghad,are you kidding me?You should say 'ang ganda'------

"Drop it!Hindi mo na lang sana ako tinanong kung hindi mo naman pala kayang masikmura ang sagot ko."

Stupid enemy!Anyways,siya nga po pala si Jinn,enemy ko since pagtuntong ko dito sa Demethrya.Babaeng nakakairita dahil nasobrahan sa self-confidence,akala niya eh siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at sino ma'y walang makakatalbog sa beauty niya.Ewan ko nga ba kung bakit ako na lang parati ang nakikita nitong si jinn at pinag-iinitan ng ulo eh wala naman akong ginagawang masama sakanya.Sadyang papansin lang talaga siya at hindi niya matanggap na mas maganda ako sakanya.Hep!Nagsasabi lang po ako ng totoo.

Back to reality,

"You know what?!Insecure ka lang sa buhok ko eh"

Wow!Ba't naman ako mag i-insecure sa buhok niya eh mas maganda pa ang buhok ko kesa sakanya atsaka natural hair 'to noh!

Teka,mabuti na lang at may extra pa akong pampakulay ng buhok,yung nakapack sa box.Kinuha ko ito sa loob ng bag at binigay kay jinn sa pamamagitan ng pagpapadaan sa bintana,malaki naman ang butas eh kaya kasya ang isang bagay.

Nagtaka naman siya sa ginawa ko,

"Sayo na 'yan!Atsaka gusto ko lang malaman mo na hindi ako insecure sa buhok mo dahil mas maganda pa 'to kesa sayo.Tignan mo mga 'yang dulo ng buhok mo may mga split ends."sabay hila ng kurtina at sinara.

Ahahaha!Ang galing ko talaga.

Umupo na ako nang maayos at lilingon na sana kina kyrra na nasa likod nang mapansin kong nasa tabi ko na pala itong si shin.Puters!

"Buksan mo nga ang bintana,ang dilim"utos niya

"Ayoko,may alien sa labas"

"Ensakto,magpahuli ka dun tutal wala ka namang silbi na unggoy.Mas mabuti pang sumama ka na lang sakanila"

Umuusok na talaga ang ilong ko at magkabilang tenga dahil sa lalaking 'to!!!!!!!!!Bakit ba ang tigas ng ulo niya?Sabi nang hindi ako unggoy eh,siya yun!

"Ngayon nagmumukha ka ng toro diyan.Anubayan!Paiba-iba na ang pagtatransform mo ah~Nagtataka na ako kung ano na naman sa susunod"dagdag niya pa sabay tawa

Hindi na ako nagdadalawang isip na kagatin ang braso niya nang malakas.

"DAMN IT YUIKA!STOP BITING MY ARM.YOU STUPID DOOOOOOOG!!!!!!!-------

"Ouch!"sabay naming sabi ni shin.Eh pano,may humampas lang naman na tig-iisang libro sa ulo namin.

"Mr. Stevo,nasa labas pa lang ako rinig na rinig ko na 'yang boses mo.Bakla ka ba?Sayang,ang gwapo mo pa naman,"

=_=

"At ikaw naman Ms.Sachi,may lahi ka ba talagang aso?Tignan mo ang braso ni Mr.Stevo may marka na nang ngipin mo atsaka nag-iwan ka pa ng laway.Ang lupit mo!Hay nako!"

Geez,siya siguro ang adviser namin.Nakakahiya,nakita niya pa ang kabalastugang ginawa ko kay shin.

TT_TT

Pumunta na ang guro sa harap at umupo.Umayos naman kami nang upo at ramdam ko talaga ang mga mata ng mga kaklase namin na nakatingin sa direksyon namin.Tinignan ko si shin at ang sama sama nang tingin niya sakin.Kulang na lang patayin niya ako sa mga tingin niya.

"Humanda ka sakin mamaya."banta niya sakin.

Waaaaaaah!!!!Natatakot ako.Bahala na si batman.Paniguradong dead na ako mamaya kay shin nito.

FASTFORWARD
Breaktime

Nasa loob ng cafeteria
Bumili kami ni kyrra nang makakain at maiinom at naghanap ng mauupuan.

"Yuika"

"Oh?"Ano naman kaya itong sasabihin ni kyrra.Ang seryoso masyado eh.

"Panira ka talaga sa mga plano ko"sabay cross arm

"Ano na naman ba ang ginawa ko?"

"Pano,lumipat nang upuan si shin kaya di ako nakapag-ingay kanina"

"Sus.'Wag kang mag-alala palilipatin ko rin yun mamaya sa iyo."mayabang kong saad

"Nice one yuika."

Pagkatapos naming kumain agd kaming bumalik sa room kung saan nadatnan si shin na nakaupo sa tabi ng upuan ko.

Kanina nung nagbell hudyat para mag breaktime nagmamadali 'to kaninang lumabas,naunahan pa nga niya ang adviser namin.Bastos talaga!

Mabuti na lang hindi niya ako inabangan sa labas ng room para gumanti sa ginawa ko sakanya.Pero ngayon,mukhang ngayon ko na talaga matatanggap ang revenge niya para sakin.Parang ayoko na nga umupo sa tabi niya.Ayoko namang tumabi kay kyrra dahil ang ingay ingay ng babaeng 'yun.Hays!

Dahan dahan akong lumapit sa row namin habang nanginginig samantalang naman si kyrra eh diretsong umupo sa upuan niya.Geez,kinakabahan ako.

Habang naglalakad ako,alam kong tinitignan ako nang masama ni shin.Nang makalapit na sa pwesto namin,umiwas na siya nang tingin kaya napahinga ako nang maluwag.Tinuloy-tuloy ko na ang paglakad papunta sa upuan ko at nadaanan ko na rin si shin,Phew!

Uupo na sana ako nang biglang hilahin ni shin palayo ang upuan ko sakin kaya ang ending,

















BLAG

"Aray"

Shit!Ang sama talaga ng unggoy na 'to.

Napaupo ako sa sahig at namimilipit sa sakit ng pwetan ko.Bwisit ka talaga shiiiiiin!!!!!!!Langya,di ko ine-expect na magagawa niya sakin 'to.Sinusubukan kong tumayo pero di ko talaga makaya.

Nakakainis lang kasi,ang magaling kong kaibigan na si kyrra eh tinatawan ako nang bonggang bongga.Hindi man lang ako tinulungan.Samahan mo na rin ang unggoy na kulang na lang maglupasay sa sahig.Leche!Mabuti na lang kami-kami lang na tatlo ang nandito sa room.

"Don't worry panatag na ako,fair na tayo eh.Hahahaha!"shin

Mabilaukan ka sana.Tss!

Pinilit ko nang umupo at sa wakas nagawa ko na rin,yun nga lang masakit pa rin ang pwetan ko.Tinayo ko ang upuan ko at padabog na umupo.

Can't_Bear_With_HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon