Tinayo ko ang upuan ko at padabog na umupo.
Nagtatampo na talaga ako dito kay kyrra eh.Kaibigan niya ako,pinagtatawanan niya lang ang nangyari sakin?
Ipinatong ko ang ulo ko sa mga braso at tinago ang mukha,yung parang matutulog pero hindi ako tutulog.
May nakalimutan pala ako,humarap ako kay shin
"Hoy,lumipat ka na nga ng mauupuan mo.Naiirita kasi ako sayo!"inis kong sabi sakanya
"Hoy ka rin!Paano kung ayoko?May magagawa ka?"
Aba't!Ang yabang ng lalaking 'to ah!
"Oo.Pasasabugin ko 'yang mukha mo kung hindi ka pa aalis"
"Tumabi ka kay kyrra"dagdag ko pa
"Ayoko nga!Dito ako uupo forever dahil gusto kitang asarin hanggang sa mapikon ka"
Forever?'Di wow!
Meron pang 2 mins na natitira para sa breaktime namin kaya pumunta na muna ako kay kyrra na hindi pa rin nakakarecover sa nangyari kaya ang ginawa ko binatukan ko siya nang malakas dahilan para tumigil siya sa kakatawa.
"Ang sama mo!"-kyrra
"Ikaw ang masama.Anyways,ayaw daw ng unggoy lumipat dito sa tabi mo."
"What?Ano?------
*PAK*
"Wag kang OA.Badtrip nga kasi doon lang daw siya uupo forever at aasarin ako"
"Leche!Iniiwan niyo na lang ako ah~"
"Ikaw kasi,turuan mo mga 'yang bunganga mo na paminsan-minsan break muna sa kakaputak.Balik na ako sa upuan ko"
Tapos na kasi ang time.Nagsipasukan na ri ang mga kaklase namin kasunod si ma'am mithel,yung naghampas samin ng libro.
"Class,tutal hindi pa naman regular class ngayon.Pinapayagan ko kayong gawin ang kahit anong gusto niyo basta 'wag lang gagawa ng kalokohan at ingay dahil ako'y matutulog.Understood?"
Nice one ma'am.
"Yes ma'am!"sabay sabay naming sagot.
Natulog na nga si ma'am at kami naman ay sinisiguradong di gagawa ng ingay.Anyways,yung katabi ko palang unggoy ay umidlip ata kaya laking pasasalamat ko dahil walang mang-aasar sakin.
By the way,gusto niyo po bang malaman kung bakit ako nakitira sa bahay ni shin?Nabanggit po ito sa chapter 3,nagsabi nun si shin na 'Woah!Gumanti lang ako sa ginawa niyo sakin kahapon.Tsaka ikaw kyrra,wala kang karapatan na batuhin ako ng remote control dahil pamamahay ko 'to blah blah blah' yun po.Remember?Ganito po kasi yun,
Flashback
First year dito sa Demethrya.December 29 birthday ko nun,mabuti na lang christmas vacation na namin.Inimbita ko lang si kyrra pero hindi raw siya makakapunta dahil nagbakasyon sila ng mga pamilya niya sa boracay.Si mama naman inimbita ang amiga niya nung highschool sila.Pumunta yung kaibigan ni mama kasama yung anak niya.Na love at first sight nga ako sa anak nito dahil ang gwapo kaso nakakabadtrip dahil ang kulit kulit at malikot at yun ay si.......Shin.
Pinakain namin sila ng hinanda ni mama.Pagkatapos nun kwentuhan mode naman sina mama at tita Shira,yung amiga ni mama samantalang ako naman ay tinotour dito sa loob ng bahay si shin.Last na pinuntahan namin ay yung kwarto ko.
"Gubat ba 'tong kwarto mo?"sabay hawak ng isang ibon na stuff toy.
"Ahaha!Mahilig lang talaga ako sa mga hayop"sabay higa sa kama
"Ba't walang unggoy?"
"Ayoko sa mga unggoy"
"Kamukha mo naman yun ah"tsaka tumawa nang malakas
BINABASA MO ANG
Can't_Bear_With_Him
Teen FictionPROLOGUE Matitiis mo ba ang sama nang ugali ng isang tao?Lalong-lalo pa't nasa iisang bahay lang kayo?Makakaya mo kayang kontrolin ang sarili mo kahit sumusobra na siya sa pagmamaltrato sa'yo dahil baka palalayasin ka sa pamamahay nito?Babalewalain...
