Chapter 5: Truth or Dare

53 3 0
                                    

Stephanie's POV

Hayy, kanina pa umiikot ang bite at tinitingnan ko lang ito at buti naman ay di pa tumatapat sa akin. Ang swerte ko talaga sa mga ganyang bagay.

Pero nagulat ako ng biglang tumapat sa akin ang bote at si Ice pa ang magtatanong dahil sa kanya tumapat ang pwitan ng bote. Urghh! Kaninis naman sa lahat ng magtatanong siya pa ang natapat sa akin!!

"Soooo, truth or---"

"DAREE!!!" sinigawan ko siya at di na pinatapos sa sasabihin niya.

"Woah! Chill lang. Okay, so dare ang pinili mo kaya inuutusan kita na halikan ako sa pisngi"

WHAT?! NABABALIW NA ATA ITONG LALAKI NA TO AT PURO KALOKOHAN LANG ANG NASA UTAK NIYA!!!

"Ano bang ayos yan at umuusok na ang ilong mo?" Bwisit tong Sam na to. Bestfriend ko ba to o pinanganak lang to para ipahiya ako?

"Wala" walang gana kong sagot.

"Oh gagawin mo ba o hindi? Bawal ang kj! Pag di mo ginawa ako ang hahalik sayo sa lips ba gus---"

"OO NA GAGAWIN NA NGA OH!!"

Nilapitan ko na siya at in...

3...

2...

1...

*tsup!*

"Yiiieee!" Sabay-sabay nilang sigaw.
Kinikilig ako deep inside pero syempre poker face lang ako outside. Buti na lang at magaling akong magtago ng feelings. Dapat kasi may pakipot portion na nalalaman ang isang babae.

"Uy bes! Bagay talaga kayo!" Tong babaeng to gusto kong sakalin hindi dahil sa naiinis ako pero dahil sa kinikilig ako.

Inirapan ko na lang siya at tumayo. Ang galing ko talaga magpanggap.

"Uhm? Guys, cr lang ako." Palusot ko sa kanila.

Naglalakad na ako papuntang cr sana kaso pesteng paa to at dinadala ako sa field. Buti na lang at walang masyadong tao. Walang laman ang bleachers ngayon kaya umupo ako. Manonood na lang ako ng game ng volleyball. Nakakainis naman tong mga babae na to! May gym naman sana dito pa sila naglalaro.

Teka nga! Bakit ba inaaway ko yung sarili ko eh sila naman yung naglalaro hindi ako.

Hayyy, naalala ko na naman yung mga panahon na magkasama kami ni Dave, lagi kaming sabay na nanonood ng mga games sa school. Minsan nags-skip pa kami ng class para lang masolo namin ang isang araw. Ang sweet niya sa akin, minsan nun hinawi niya lang yung buhok ko tapos may hawak na siyang rose. Ang galing niya pagdating sa magic, alam niya nga pati yung mga favorite foods ko eh.

Lagi niya akong binibigyan ng roses at chocolates, kaya nung mga panahon na yun malaman pa ako eh. Nung mga panahon na nandun si Dave sa tabi ko di siya nawawala kasi kahit may sakit ako dinadalaw pa niya ako sa bahay tapos dinadalan pa niya ng wine sila mommy at daddy tapos hihintayin niya muna akong makatulog sa tabi niya tapos tsaka lang siya makikiinom kila mommy, ang sarap sa feeling nun.

Nakakamiss tuloy siya

"Ok ka lang ba?"

"Ay tae ng kalabaw!"

Nakakagulat naman tong si Ice, umalis lang ako namiss na agad ako.

Wag kang assuming Steph!

"Here"

Huh? Bakit panyo?
Hinigyan ko na lang siya ng 'anong-gagawin-ko-dito?' Look

"You're crying."

My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon