Sam's POV
Kanina pa naka busangot yung mukha ni bes! Masyadong mainit ang ulo. Ghad! Nakaka stress. Halata namang nagb-blush siya habang nakikipagtalo kay Ice. Inlove na to alam ko. Haayy
Ganto kasi yun, nainlove siya nun 2nd year high school kami. Lagi siyang sinusurprise ng boyfriend nya. At ayun naman ako laging sumasama at taga cheer niya. Sobrang sweet ng boyfriend niya nun sa kanya. Lalapitan pa nga lang siya eh makikita mong kamatis na ang mukha. Ganon kalakas ang tama niya kay Dave. Sobrang nagmamahalan talaga sila nun. Sa totoo lang para nga lang akong extra sa kanila at alalay niya tuwing magkasama sila.
Funny right? Pero may isang bagay ang hindi nakakatawang nangyari sa kanya.
Yun ay ang iniwan at pinagpalit siya ni Dave dun sa cheerleader ng varsity nila. Ugh! Ewan ko kung ano ang meron dun sa babaeng yun?! Mukha namang coloring book sa sobrang kapal ng make-up.
Ah! Alam ko na! Kasi mayaman yung girl na yun. Ha! I got it! Ngayon ko lang narealize yun ah. -.-
Pero one time, hinabol habol siya ni Dave nun. Lagi niyang binabantayan si Steph oras oras. Tuwing papasok kami kala siguro niya di ko siya nakikita nun na nagtatago sa likod ng puno para lang makita niya si Steph.
Tuwing recess, pinadadalhan niya ng pagkain yubg bestfriend ko. Syempre di ko sinasabing siya yun.
Sa uwian naman, lagi niyang kinukuha yung bag ni Steph pero di naman binibigay nito.
At isa pang one time, nakita ni Steph si Dave noon na may kahalikang babae. Simula nun, nagkukulong na siya sa kwarto niya. Pag pinupuntahan ko siya sa bahay nila, laging sinasabi ng mommy niya na nagmumukmok lang siya dun at minsan hindi na kumakain sa loob ng isang araw.
Kaya nagalit ako ng sobra kay Dave sayang naman at nagtagal sila ng 1 year.
Pero 1 month ang nakalipas mula ng puro ganoon lang ang routine niya, nabigla ako noon kasi nakikita ko na siya na masaya at energetic.
At ang last na one time, nakita ko siya sa bar nun kasi yung ate ko ang may-ari nun. May kausap siyang lalaki nun tapos nagtatawanan pa sila. Pumasok sila sa VIP room non. Hinintay ko siyang lumabas pero paglabas niya nagulat ako kasi lasing na lasing siya. Inalalayan ko siya nun maglakad kahit ang bigat bigat niya. Inuwi ko siya sa bahay nila. Buti na lang at marunong akong mag drive nun pero wala pa akong lisensya.
Lagdating ko sa bahay nila. Inihiga ko agad siya sa sofa nila at nakita ako ni tita yung mommy ni Steph. Sinabi ko ang nangyari at nagpasalamat naman sa akin.
Kinausap ko si tita nun at sinabing baka pwedeng ilipat na siya sa ibang school para makapag move on na rin siya. Nag prisinta na ako na ako ang makakasama niya lagi ay di ko siya pababayaan at pinayagan naman siya ni tita kaya kami nasa bagong school ngayon.
Ngayon, natatakot ako na baka mangyari na naman sa kanya yung bangungot niya.
Kung titingnan mo. Ganyan yung nangyari sa kanila ng ex niya. As in ganyan na ganyan.
Sana naka move on na siya dahil binabalik na naman ng tadhana kung ano ang nangyari noon.
~~
Stephanie's POV
Ang weird talaga ng bestfriend ko kanina lang nakangiti kasi inaasar ako pero nakakagulat naman yung expression niya na biglang naging seryoso at tumulo na lang bigla yung luha niya.
"Uy Sam, anong nagyayari sayo? Bakit ka umiiyak?" Tss. Sobrang halata sa kanya na umiiyak siya kasi ang puti niya tulad ko kaya halatang halata mo yung pagkapula ng mata, ilong at mukha niya.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Gangster
RomansaIsang Stephanie Lee na naghihintay lang ulit na mag dumating na lalaking kanyang iibigin at para sa kanya. Lalaking matagal na niya nang hinihintay, darating pa kaya yun o nandyan lang pala sa tabi niya? At isang gangster na ang alam lang ay ang ma...