Cristie's PoV
KRIIINNNGGG!!!
Ano ba yan bwiset na alarm clock yan.
Pinatay ko na ang alarm clock ko at naligo na.
Kasalukuyan akong naliligo nang may maalala ako na alala ko yung nakita ko kahapon sa park ano kayang pakiramdam ng may boyfriend?
Pero ayokong mag kaboyfriend alam kong masasatan lang ako kaya wag na lang.
Naligo na lang ako at pagkatapos maligo ay nagpunta na ako sa baba para kumain.
SA HAPAG KAINAN
"Good morning ma"bati ko sa aking napakagandang ina.
"Ah good morning din anak,oh anak mag almusal kana baka ma late ka pa sa school"sabi sa akin ni mama habang nagkakape.
"Ah ma si papa po pala nasan bakit hindi natin sya kasabay ngayon kumain?"tanong ko kay mama kasi hindi namin kasabay si papa alam ko kasi 8:00 am pa ang pasok ni papa eh.
"Ah anak pumasok ng maaga ang papa mo kasi tumawag daw ang boss nya may imemeet yata silang mga investors."sagot ni mama sa tanong ko kanina.
"Ah ganon po ba sige po alis na po ako ma tapos na rin naman po akong kumain sige po bye ma"paalam ko kay mama sabay halik sa kanyang pisngi.
Pagkatapos kong humalik kay mama ay lumabas na ako ng bahay at naglakad na papuntang school pero bago ako pumunta sa school dumaan muna ako sa bestfriend kong si Liezel diba nga nasabi ko sa inyo na magkalapit lang kami ng bahay.
Pagdating ko sa tapat ng kanilang bahay ay saktong palabas na rin sya kaya hindu na ako nag effort na kumatok pa.
Nang tuluyan na syang makalabas ay agad naman nya akong nilapitan at nakipagbeso.
"Good morning friend"bati nya sa akin ng ngiting-ngiti. Ano na naman ka ang natira nito parang may saltek na naman eh ngumingiti mag-isa.
"Good morning din friend."bati ko rin sa kanya"ay friend ano na naman ba natira mo bat parang ang saya mo ngayon"tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar.
Bigla naman syang sumimangot hala panira ako ng good mood haha sarreh.
"Grabe ka hindi ba pwedeng masaya lang kasi binigyan ng allowance"ani nya na may malungkot na tinig.
Pagkatapos nyang sabihin yon ay hindi na sya umimik sa buong paglalakad namin.
Pagdating namin sa tapat ng school ay bigla syang tumawa ng malakas.
"Oh bakit ka tumatawa kanina lang halos hindi ka na umimik dyan tapos ngayon bigla ka na lang tatawa na parang baliw"-
"Kasi nakakatawa yung mukha mo kanina napakaseryoso mo kasi eh"ani nya na medyo nagpipigil ng tawa.
"Eh paano hindi ako magiging seryoso eh hindi ka naman umiimik"sabi ko naman sa kanya ng nakangiti na hindi kagaya kanina na medyo may pagkaseryoso.
"Oh bat ka nga pala masaya eh allowance lang naman yung binigay sayo?"pahabol kong tanong.
"Ah kasi sobra sobra yung binigay ni papa kasi mabait daw ako kaya dinagdagan nya yung allowance ko yung 1000 yun yung para sa school tapos yung another 1000 para daw sa kahit anong gusto ko bale 4000 lahat"walang hingahan nyang pagpapaliwanag.
"Oh libre naman dyan meron ka palang pera ngayon eh"pag kumbinsi ko sa kanya.
"Kaya nga ako masaya kasi ako naman yung manlilibre sayo kasi nga dati ikaw lagi ang nanlilibre syempre parang pambawi lang bilang isang kaibigan."nakangiti nyang pagsang ayon.
"Yeahey sabi mo yan ah friend mamaya pagtapos ng mga klase natin"masaya ko ring tugon.
"O sige halika na pasok na tayo"pag aya nya sa akin.
"Sige halika na"pagsang ayon ko naman.
Papasok na sana kami sa gate ng may makabangga sa akin na isang lalaki at nalaglag yung mga libro kong dala.
Pinulot nya ito at ako ay nagsimula na ring pulot tapos nung isa na lang yung nasa lapag hahawakan ko na sana ng magkadikit ang aming mga kamay.
"Ay sorry nga pala eto na yung mga libro mo pasansya na talaga"nakangiti nitong paumanhin.
Oh my ang gwapo nya pero ngayon ko pa lang sya nakita dito sa school.
"Ah transferee ka ba dito kasi ngayon lang kita nakita dito eh"tanong ko sa kanya.
"Ah oo kakalipat lang namin dito galing sa Batangas"sagot nya ng nakangiti at tanaw ko ang kanyang mapupulang labi at maputing ngipin"ah sige mauuna na ako kasi hahanapin ko pa yung section ko sige pasensya na ulit"-
"Sige salamat sa pagpulot"nakangito kong tugon sakanya.
Pagtapos nga aming pag uusap ay tumalikod na sya ay naalala ko hindi ko pala natanong kung ano pangalan nya.
"Ano palang pangalan mo?"tanong ko.
Pero pag angat ko ng ulo wala na sya. Ano bayan wala na sya agad sayang.
"Ah friend ok ka lang? Bakit parang naghahallucinate ka na dyan nakakita ka lang ng gwapo"pag pukaw ni Liezel sa aking atensyon.
"Ah friend wag mo na lang akong pansinin halika na nga lang pasok na tayo baka malate pa tayo strict pa naman si maam"-
"Mabuti pa nga pero aminin kinikilig sya"pang aasar nya.
"Loka halika na nga"ani ko.
Tapos lumakad na kami papasok ng school papunta sa aming classroom magkaklase lang naman kami.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Authors Note:
Sana po suportahan nyo ang first story yun lang po salamat and dont forget to vote and comment<3<3<3thankx.
BINABASA MO ANG
Is Fairytale Can Exist In Real Life?
Teen FictionI hate fairytales kasi sa fairytales pag nakitang gwapo yung lalaki mahal agad ng babae tapos yung lalaki naman mahal na rin agad yung babae. Bat ganon sa mga fairytales no, pero marami paring naniniwala doon. Ito po ay isang storya ng isang babae n...