Chapter 6

30 2 0
                                    

Cristie's POV:
Pag gising ko kina umagahan ay ginawa ko na ang aking daily routine ligo kain alis yung lang tapos dadaanan ko si Liezel at ayaw ko nga dapat daanan yung babaeng yun eh hanggang ngayon bwisit pa rin ako sa kanya.

Sigurado akong mang-aasar lang yun sa school lakas pa naman mang-asar.

Pagdaan ko sa kanila ay hindi ko sya pinapansin, tahimik lang kaming naglalakad ayaw ko syang pansinin.

"Cristie uuy Cristie ano problema mo bat ang tahimik mo?"tanong nya.

Pero di ko sya pinapansin nakatingin lang ako ng diretso sa daan.

"Sige pag di mo ko pinansin sasabihin ko kay Reyner na gusto mo sya sige ka"pagdedare nya sa akin pero wala pa rin akong kibo.

"Ah ayaw mo talaga ah gagawin ko talaga yun isa...dalawa...tat—"hindi ko na sya pinatapos sa pagbibilang nya pinutol ko na agad.

"Oo na! Oo na! Ano ba kasi yon ang kulit mo!"bulyaw ko nakakainis kasi eh baka sabihin nya kay Reyner eh.

"Bakit kasi hindi ka namaman sin ano bang problema mo?"tanong nya sa akin.

"Eh kasi eh dapat di na ako umamin sayo baka sabihin mo sa kanya nakakahiya"pagmamaktol ko.

"Hala sya kailan pa nahiya si Cristie at wag ka ngang magmaktol di bagay sayo hahaha mukha kang fetus hahaha"tawa sya ng tawa bwisit ayoko ng pinagtatawanan ako nakakaasar.

Pag dating namin ng school ay pinapansin ko na sya kasi nangako sya sa akin na hindi na ako aasarin at isisikreto lang namin yung confession ko kagabi kay Reyner.

Pagkapasok namin ni Liezel ay dumiretso kami agad sa classroom at pagpasok namin sa room ay napansin kong wala pa si Reyner bakit kaya? Ngayon pa lang yun hindi naging maaga sa pagpasok.

Hala malapit ng mag 6:30 am wala pa rin si Reyner hala baka hindi makakapasok yun may quiz pa naman kami sa Science, science kasi first subject.

Tapos 2 minutes na lang ay bigla syang pumasok sa room na pawis at medyo magulo ang buhok.

Pagkapasok nya ay kasunod na pala nya si maam buti na lang di  sya naunahan ni maam kundi lagot.

Habang nag ququiz kami ay palihim ko syang tinitingnan at ang gwapo nya talaga  kahit gulo ang buhok nya mas lalo syang nagiging hot as in hot.

"Number 15 what is the meaning of amphibians?"tanong ni maam buti na lang alam ko yung sagot sa last question.

(Amphibians means "double-life")

At correct ok na rin yung 12 na score out of 15 items.

Pero si Reyner almost perfect na eh kado nagkamali pa sya sa number 15 sa last number pa talaga sya nagkamali eh ang dali na lang nun di pa nasagot 14lang tuloy sya sayang.

Pagkatapos ng quiz ay hindi na ako nakinig naka tulala na lang ako at di ko na alam kung anong pinagsasabi ng teacher namin.

Tapos namalayan ko na lang na lunch break na pala namin kasi nag bell na.

Nagpunta na sa akin si Liezel at pati si Reyner niyaya nya kaya ayun sabay sabay kami ulit kakain.

Pagdating namin sa canteen ay di ko napansing may balat pala ng saging na nakalapag sa dadaanan ko kaya ayun nadulass ako at buti na lang ay may sumalo sa akin.

Si Reyner pala at di ko alam kung ano na ang nararamdaman ko pero isa lang ang tiyak ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang lalabas na ito sa aking dibdib.

Nung nakatayo na ako ng maayos ay nararamdaman kong nag-iinit ang aking pisngi at wala akong nagawa kundi yumuko na lang nakakahiya kaya baka kung ano pa isipin nun.

Ay ewan parang gusto kong tumalon ng tumalon sa tuwa at gusto ko ring mag tatakbo sa sobrang kilig. Ganun na ba talaga epekto nya sa akin at parang gusto nang maniwala sa fairytale at magpaka tanga na lang. Di ko maintindihan kung anong gusto kong gawin kaya napag desisyunan ko na tumahimik na lang mas mabuti pa yon kesa mag eskandalo ako dito sa canteen.

"Ayos ka lang ba? Sabi ko naman kasi sayo lagi kang mag-ingat"sabi ni Reyner sa akin.

"O..oo ayus lang ako sige kain na tayo"pagkasabi ko nun ay bigla akong napatingin kay Liezel na kanipa hagikhik ng hagikhik nakakainis na ah.

Baka mahalata pa ni Reyner yung confession ko.

Pagkalapag ng mga inorder namin ay agad kaming kumain at parang may lamay at walang nag lalakas loob makipag usap.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Is Fairytale Can Exist In Real Life?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon