MAINE'S POV
"Paano ba kita mapapasaya?" tanong sakin ni Alden.
Nandito kami ngayon sa music room. Kami pa lang 'yung tao dito kaya eto ako, pinaglalaruan lang naman ang drums. Napabuntong-hininga na lang ako sa tanong niya.
Paano nga ba?
"Simpleng bagay lang. Like itong pagddrums, masaya ako dito. Pag kasama ko family ko, masaya ako. Pag kasama ko best friend ko, pag kasama ko si--"
Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko. Pag kasama ko si Mark. Kaso wala na eh. Iniwan niya na ako.
"Wala bang makakapagpasaya sa'yo na kaya kong ibigay? Tao kasi sinasabi mo. Mukhang mahihirapan ako sa project natin. Haha" sagot niya naman sakin.
"Hindi ko alam. Pagkain lang naman masaya na ko eh. Haha"
"'Yung pangmatagalang happiness naman. Pag binusog kita magugutom ka lang ulit eh." natatawang sagot ni Alden.
Ako lang ba or.. masarap pakinggan tawa niya?
"Okay. Sige. Gusto kong magmove on."
Mukhang nagulat si Alden sa sinabi ko. Well ako rin naman nagulat sa sinabi ko. Bakit ko kasi sinabi 'yun? Sana sinabi ko na lang sa kanyang ako na bahala sa Comm project niya, magagandang feedbacks na lang isasagot ko sa mga tanong ni ma'am.
"Sus. 'Yun lang pala eh" sagot naman ni Alden.
Napatingin ako sa kanya. Napasimangot ako sa sagot niya.
"Anong 'yun lang? Mahirap kaya!"
"Madali lang 'yan, kung gugustuhin mo." nakangiting sagot niya naman.
"Palibhasa kasi gwapo ka. Siguro pag nagbreak kayo ng girlfriend mo, may kapalit ka agad. Kaya hindi na mahirap sa'yo magmove on." biro ko naman sa kanya.
"Uy grabe 'tong si Meng, mapanghusga!"
"Biro lang! 'Tong si Tisoy defensive eh!"
"Pero seryoso, hindi ko naman kailangang magmove on."
Napatingin ako sa sagot niya sa akin. Nakatingin siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Di ko gets eh.
"Huh?"
"Kasi... wala pa naman akong nagiging girlfriend." sagot niya at nag-iwas siya ng tingin.
Hindi ko alam pero natawa ako sa sagot niya.
Alden Richards?! WALANG GIRLFRIEND?! NGSB?! SIKAT NA MODEL, WALANG GF?!
"Grabe ka Meng, wag mo kong tawanan. Hinihintay ko lang kasi ang tamang panahon." sagot niya naman, nakatingin na ulit siya sakin.
"Sorry naman! Hindi lang ako makapaniwala. Hindi ka naman siguro bakla diba?" tanong ko naman sa kanya.
"Hindi ako bakla! Gusto mo bang patunayan ko pa 'yan sa'yo?" at nilapit niya pa ang mukha niya sakin.
Lumayo ako sa kanya at umiling-iling. Tumawa naman siya.
"Okay. Di ka na bakla. Pero siguro naman may type ka diba?" tanong ko naman sa kanya.
Nakatingin lang siya sakin pero hindi niya sinasagot ang tanong ko.
"Uy, Tisoy!"
"Oo naman. Kaso hindi pwede eh." sagot niya naman at nag-iwas ulit siya ng tingin. Nacurious naman ako sa sagot niya.
"Bakit naman hindi pwede?" tanong ko naman.
"Masyado pa kasing magulo ngayon eh. At hindi pa rin siya handa."
BINABASA MO ANG
Now That I Have You
FanfictionBecause only one person is enough to make your life beautiful.
