MAINE'S POV
Maaga akong nagising ngayon. Well dapat lang kasi ngayon
na kami babalik sa Manila. Nakaayos na naman 'yung mga gamit ko so ready to go na ko.
Pagdating ko sa van, ako na lang ang kulang. Nandun na sila lahat pati 'yung manager at agent namin.
Dati, kami ni Mark 'yung magkatabi then sa kabilang side ko si Lara. Oo sanay na 'yung maging third wheel dati eh.
Oh well mukhang baliktad na ata ngayon. Sila na ang magkatabi at pareho silang tulog. Nakasandal pa talaga si Mark kay Lara at ganun din naman si Lara.
Wow naman talaga.
Ayokong isipin na.. ugh. Stop, Maine. Don't even think about it. Hindi 'yan magagawa ni Lara. Baka 'yung gag* mong ex oo, pero si Lara hindi.
Hindi talaga.
Wala na akong ibang choice kung hindi tumabi kay Lara kasi dun na lang naman ang vacant seat.
"Maine, may problema ka ba?" tanong sa akin ni Vin.
"Wala naman, bakit?" tanong ko naman kay Vin.
"Talaga? Iba kasi sabi ng maga mong mata eh." sagot naman ni Vin at pinagpatuloy niya na lang ang paglalaro sa phone niya.
Kinuha ko ang compact mirror sa bag ko para icheck 'yung mukha ko, at oo nga. Magang-maga pa rin ang mata ko.
"Maine. Break na ba kayo ni Mark?" tanong ni Miss Shasha, manager namin.
"Ah---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil umiiyak na naman ako.
"Okay. I don't know why you two broke up but I'm not going to ask it anymore. Basta Maine, please maging casual lang kayo sa isa't isa. Okay lang ang relationship sa bandang ito as long as hindi maaapektuhan ang banda. Pag tinanong sa inyo, just say that you two realized that mas okay kayo pag friends. Is that okay with you, Maine?"
Tumango lang ako kay Miss Shasha dahil hindi pa rin ako makapagsalita.
Hindi na siya nagtanong pa at buti naman ay tulog na lahat ng nasa van (except sa driver, ano ba -_-) kaya di na nila narinig ang pagdadrama ko.
Maya-maya ay nakarecover na ko sa pag-iyak at nakatulog na rin ako
----
Paggising ko ay nasa Manila na kami. Biglang tumawag si Nanay sa phone ko kaya sinagot ko naman agad.
[Hello Meng?]
"Yes po Nay?"
[Uuwi na sila Tita Maricar mo kasama si Alden. Sasama akong sunduin sila sa airport and your Tita Maricar wants to see you. Nasa Manila ka na ba?]
"Yes po Nay. Baba na lang po ko sa condo ko. Dun niyo na lang po ko sunduin."
[Okay]
*toot toot*
Best friend ni Nanay si Tita Maricar, kaya naman naging kaclose ko na rin 'yung anak niyang si Alden.
Pero dati pa 'yun eh, nung bata pa kami. Niloloko pa nga kami lagi ni Tita at Nanay dati eh kasi hindi na talaga kami mapaghiwalay.
Summer before high school, umalis si Alden at si Tita Maricar. At hindi ko na siya ulit nakausap. Ang alam ko nag-uusap pa rin si Nanay at si Tita Maricar eh. Minsan nga pinag-uusap kaming dalawa ni Alden sa Skype, pero wala talaga. Hanggang kaway na lang. Ngayon lang ulit sila babalik after 7 years.
Bumaba na nga ako sa condo at maya-maya dumating na rin si Nanay.
"Meng, ano ba 'yang hitsura mo? Mag-ayos ka nga muna ng mukha mo! Naku baka pag nakita ka ni Alden--"
BINABASA MO ANG
Now That I Have You
Fiksi PenggemarBecause only one person is enough to make your life beautiful.
