Chapter 7 - Gala With Tisoy Part 2

145 7 0
                                    

"Meng! Ingat naman uy!" reklamo naman ni Tisoy habang nagddrive ako.

Pagkaandar pa lang ng kotse, nagmadali na agad siya mag-seatbelt. Luh? Hindi naman ako ganun kabilis diba?

Well naorient ko na ba kayo? Kaya kasi ayaw akong pagdrive-in ni Nanay at Tatay kasi sobrang kaskasera ko raw at ang bilis ko pa daw magmaneho! Hindi kaya! I just think that time is gold. Hahaha

Nginisian ko lang siya, tapos tumingin ako sa kanya. Pang-asar lang ba hahaha.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo, uy! Meng!"

Tinawanan ko naman ang reaction niya. Pano kasi, namamawis na ilong niya! Hahaha kabado nga.

Tumingin na ulit ako sa kalsada. Well kahit naman saan ako nakatingin oks lang. Medyo okay naman peripheral vision ko eh. Lol.

"Grabe ka, Tisoy. Tingin mo ba ipapahamak kita?" tanong ko naman sa kanya.

Hindi siya sumagot. Nag-side glance ako sa kanya at napangisi ako sa kanya.
Paano ba naman kasi pulang-pula mukha niya! Hahaha.

"Uy, Tisoy! Bakit namumula ka diyan ha?" biro ko sa kanya habang ginigilid ko ang sasakyan niya.

"H-ha? A-anong namumula?" sagot niya naman.

Luh? Anong problema nito?

Tinigil ko muna ang sasakyan, kinuha ko 'yung phone ko.

"B-bakit ka tumigil?" tanong naman ni Alden.

Napatingin ako sa kanya. Hindi na siya nagb-blush. Nagtataka na lang kung bakit ako tumigil. Mukhang kabado pa rin, hala siya?

Pinakita ko sa kanya 'yung phone ko at ang inopen kong app.

"Kaya ayaw din ako pag-drive-in ni Nanay kasi wala nga diba akong sense of direction, eh may Waze na app naman. May bluetooth ba 'tong car mo?" tanong ko sa kanya.

Medyo familiar pa ko sa daan kanina (kasi syempre kakadaan lang namin dun kanina di naman ako ganun ka.. alam niyo na 'yun) kaya keribels pa. Eh baka naman kung saan kami makarating ni Tisoy. Baka di pa kami makarating sa S.. Secret! :P

"Meron. Gusto mo ako na mag-connect? San ba tayo pupunta?" nakangising tanong niya.

Nginisian ko lang din siya. Ha! Akala niya maiisahan niya ko? Nope. Kaya nga tinigil ko ang kotse eh para ako na mag-connect at maglagay sa Waze ng destination. Para maririnig niya nga 'yung direction, pero di niya alam 'yung destination. Oo, magaling siya sa directions pero sure akong di niya na alam daan papunta dito. Hahaha you're so smart, Maine!

---

"Starbucks?" nagtataka pa ring tanong ni Alden.

Nasa loob na kami ng Starbucks at kanina pa siya nagtataka kung bakit kami nandito. Diba, nakaorder na kami at lahat, nakuha na namin ang order namin pero siya nagtataka pa rin kung bakit dito kami pumunta. Mukhang disappointed siya na dito kami nagpunta lol.

"Don't worry, Tisoy. Stopover lang natin Starbucks." sagot ko naman sa kanya habang iniinom ko 'yung order ko.

Mukhang lumiwanag naman 'yung mukha niya sa sagot ko.

"Talaga? Where are we going then?" ngiting-ngiti niyang tanong. Hindi naman halatang excited siya 'no.

"Chill ka lang Tisoy. Let's go. Matagal-tagal na roadtrip pa 'to." sagot ko naman sa kanya.

"U-uy Meng! Saan mo ko balak dalhin, ha? Gusto mo magpaalam muna tayo kila Tita? Baka akala nun nag-tanan tayo!" sabi niya naman.

"Sus! Bat naman nila iisipin 'yun?"

Now That I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon