Ang dami pa naming napagkwentuhan ni Alden. Magtatanong pa sana ako about sa first love niya kaso iniiba niya agad topic. Ngayon papunta na kami sa...
SkyRanch! Hahaha
"SkyRanch?!" tanong ni Alden, nagpipigil pa ng tawa ang loko.
Hmp! Najudge na agad SkyRanch, di pa nga nakakapasok!
"Oo. Bakit?" tanong ko sa kanya, tinaasan ko siya ng kilay tapos tiningnan ko siya nang masama.
"Woah, chill, Maine! 'To naman. Nagulat lang talaga ko na dito mo ko dinala." sagot niya naman.
"Pag ikaw nag-enjoy dito..." sagot ko naman sa kanya habang inaayos 'yung pagkakapark ng sasakyan.
"Sorry na kasi! I know how much you love theme parks since we were kids." sabi niya naman.
"Ang saya kaya!" sagot ko sa kanya.
"Wala naman akong sinabing hindi fun. Defensive ka ah." sabi niya, at dumila pa ang loko. Tapos nagtatakbo siya papunta sa entrance. Luh?
Hindi ko siya sinundan. Akala niya ah. Pabebe eh hahaha.
Nafeel niya yatang hindi ako sumunod kaya lumingon siya, nakasimangot.
"Bakit hindi mo ko sinusundan?" lukot ang mukha niyang tanong.
"Ayaw mo yata eh!" nakasimangot ko namang sagot. Kunyari naiinis. Kunyari lang naman :P
Naglakad siya pabalik, ngiting-ngiti na. Luh? Hinawakan niya pa 'yung balikat ko.
"Anong ayaw? Gusto ko nga eh! Kahit saan mo naman ako dalhin okay lang sakin basta kasama kita masaya na ko!"
"...basta kasama kita masaya na ko!"
"...basta kasama kita masaya na ko!"
"...basta kasama kita masaya na ko!"
"Ehhh oo na! Masaya ka na pag kasama mo ko! Kailangan paulit-ulit?"
"Huh? Ano Meng? Wala naman akong inuulit ah?" ngiting-ngiting tanong ni Alden.
AY SHOCKS, NASABI KO BA 'YON? SA SARILI KO LANG DAPAT 'YUN EH! ANO BA, MENG?!
Naglakad na ko palayo sa kanya, hiyang-hiya. Shocks pulang-pula na siguro ako ngayon. Okay lang 'yan, Meng! Hindi 'to dapat awkward! Normal lang 'yan, duh? Akala mo lang inulit niya, diba? DIBA? DIBAAAA MAAAAINEEE!!
"Uy Meng! Wait lang!"
Tinatawag niya pa ko pero ako tuloy lang sa paglalakad, mas binilisan ko pa nga eh. Hanggang sa makarating na ko sa may bilihan ng ticket.
"2ticketsporideallyoucan" mabilis nthoua sabi ko sa cashier.
Sheeeez ano ba 'yan, Meng?
"Ah Ma'am sorry po, ano po ulit 'yun?"
"2 tickets, Miss. Ride-all-you-can" sabi ni Alden.
Lumiwanag 'yung mukha ni Ateng cashier nang makita niya si Alden. Ngiting-ngiti pa si ate gurl. Hala siya?
"Eh ekey pe ser el hehe neys te met ye pe" ano raw??????
Napalingon naman ako sa kanya. Ngiting-ngiti rin siya sa babae. Inirapan ko lang siya. Meng, what's your problem? Bakit ba ang moody mo ngayon? Kanina kunyari lang na badtrip ka kay Alden, bakit ngayon parang totoong badtrip na? AY EWAN!
Since mas malapit ako sa cashier, kinuha ko na 'yung isang ticket tapos pumasok na agad ako sa loob.
Pero ang tagal ni Alden, hindi pa rin siya sumusunod!
BINABASA MO ANG
Now That I Have You
FanfictionBecause only one person is enough to make your life beautiful.
