MAINE'S POV
"Maine, pumili ka sa amin! Ako, oh 'yang manloloko mong ex na 'yan?!"
Hindi ko na kaya. Bakit kasi kailangan ko pang mamili? Mahal kita, Alden, pero hindi mo naiintindihan. Kailangan ako ni Mark.
"I'm so sorry, Alden."
Nakita ko ang pagkagulat, galit, at kalungkutan sa mga mata ni Alden. Hindi ko na kaya. Lalo lang akong masasaktan. Kaya tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palayo.
"M-meng, please! S-saan ba ako nagkulang? Please! K-kung may nagawa man akong kasalanan, I'm so s-sorry! Wag m-mo lang akong iwan Meng!"
Umiiyak na siya. Hindi ko na kayang magtagal pa at marinig lang ang iyak niya. Baka lalong hindi ko makayanang iwan siya.
"I'm so sorry, Alden. Balang-araw maiintindihan mo---"
"MENGGAAAAAAAY!!!! BUMANGON KA NA IHA!!! MAYA-MAYA PARATING NA SI ALDEN!!!"
Nagising ako sa ingay ni Nanay. Napatingin ako sa bedside table ko at ohmygosh! 6:30 na! 7:00 ang 1st class ko!!!
Nakakaloka naman 'yung panaginip ko! Ano ba 'yun? Naging kami ni Alden? Pinapapili niya ako sa kanila ni Mark? Si Mark pa rin 'yung pinili ko?
"Nay, bat po ngayon niyo lang ako ginising?" tanong ko kay Nanay.
"Maligo ka na, magmadali ka! Hinanda ko na ang damit mo. Kukupad-kupad kang kumilos na bata ka! Bilisan mo na!"
*ding dong*
"Ay nakooo!! Sandali hijooo!!"
At nagpapanic na bumaba si Nanay para pagbuksan si.. Sumilip ako sa labas para makita kung sino 'yung nag-doorbell. Si Alden na nga 'yung dumating!!
Naligo na agad ako, after 5 minutes, ayos na ako. Hindi naman ako masyadong nagmemake up eh. Scratch that. Hindi talaga ako nagmemake up pag sa school.
Bumaba na ako at naabutan kong kausap ni Alden si Nanay.
"Good morning, aba may bisita pala tayo!" bati naman ni Tatay.
Patay. Hindi pa nga pala alam ni Tatay ni wala na kami ni Mark!
Oh well. Ayaw niya rin naman kay Mark. Well wala naman siyang gusto para sa akin. Super strict kasi si Tatay eh, as in.
"Good morning po, Tito" bati naman ni Alden at nagmano siya kay Tatay.
"Oh, Meng, iba yata sundo mo ngayon?" tanong naman sakin ni Tatay nang makita niya ako. Napatingin tuloy sa akin si Alden at si Nanay.
Sinamaan naman ng tingin ni Nanay si Tatay. Mukha namang naintindihan ni Tatay kaya kumain na lang siya.
Kumuha na lang ako ng sandwich at nagpaalam na rin ako sa kanila.
Sumakay na ako sa sasakyan ni Alden. Pang-mayaman talaga ang sasakyan niya. Biruin niyo, Subaru XV!!
"'Yan lang ang breakfast mo?" tanong sa akin ni Alden.
"Ah, oo. Ganito lang naman talaga breakfast ko." sagot ko naman sa kanya.
"Sus kaya pala ganyan ka kapayat eh. Drive-thru muna tayo. Saan mo ba gusto?" tanong niya naman sa akin.
"Hala, baka malate tayo? Anong oras ba 1st class mo?"
"7:00. Okay lang. Malapit lang naman Princeton U eh and may madadaanan tayong McDo. Okay lang sa'yong Mcdo?"
"Okay lang." sagot ko naman sa kanya. Nagugutom na rin kasi ako eh.
And I lied when I said na ganun lang talaga breakfast ko. Nahihiya lang akong magpabili sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/56844507-288-k313772.jpg)
BINABASA MO ANG
Now That I Have You
FanfictionBecause only one person is enough to make your life beautiful.