Chapter 6 - Gala with Tisoy

137 6 0
                                        

"Seryoso Alden, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, medyo naiinis na. Kasi naman nababadtrip na nga ako kay Lara eh tapos pabebe pa 'tong kasama ko -_-

"Basta. Malapit na tayo, okay?" nakangiting sagot niya naman.

Hindi familiar 'yung dinadaanan namin (or nalilito lang ako kasi wala talaga akong sense of direction ugh) kaya di ko alam kung saan talaga ako balak dalhin ng lalaking 'to. Diba, ilang years na kong naninirahan sa bayang ito pero wala akong kaalam-alam sa dinadaanan namin. Great.

"Oh, sa subdivision niyo 'to ah! Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya nang matanaw ko ang gate ng subdivision nila.

"Gumagaling ka na sa directions ah!" biro niya naman.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Alam niyang shunga talaga ako sa directions bata pa lang kami kasi palagi akong naliligaw dati. Siya naman 'yung palaging nakakahanap sakin.

Tumawa lang siya nang hindi ako sumagot.

"Ibang way dinaanan natin, Meng. Kasi sarado 'yung alam mong way kaya dito tayo dumaan. Kaya rin mas matagal." sabi niya naman.

"Hindi mo naman sinagot tanong ko eh," sabi ko naman sa kanya.

Ano ba kasing gagawin namin dito?

"Chill ka lang. May kukunin lang ako sa loob."

Pumasok na si Alden sa bahay nila. Mukhang walang tao kasi wala rin 'yung isa nilang sasakyan. Siguro nag-bonding na naman si Nanay at si Tita Maricar.

Habang nag-iintay, tiningnan ko muna ang mga gamit ni Alden sa (parang compartment sa loob ng kotse, sa may passenger seat. Di ko alam tawag ugh alam niyo na 'yun).

Shades, rosary (may nakasabit din sa rearview mirror), Bible.

May nakapa akong chain sa likod ng Bible, and then nakita kong ginawa pala siyang bookmark ni Alden.

Binuksan ko 'yung Bible sa page kung nasaan 'yung chain,

Then I saw a familiar verse, Philippians 1:3

I thank my God every time I remember you.

Then I saw a very familiar pendant.

Binuksan ko 'yung locket na binigay ko kay Alden years ago, bago sila umalis.

Nasa right side 'yung picture niya na ninakaw ko pa sa photo album nila dati. (Wag niyo ko ijudge, 3 copies kasi lahat ng picture sa photo album nila kasi... di ko alam exactly kung bakit.)

Nasa left side naman 'yung picture ko...

WTF!!! BAKIT 'YUN 'YUNG PICTURE KO?!

"Uy Meng! Ano 'yan ha?"

Nagulat ako nang biglang dumating si Alden. Naihagis ko tuloy 'yung locket. -_-

"BAKIT MO PINALITAN PICTURE KO?" naiinis na tanong ko sa kanya.

Mukhang nagets niya naman agad 'yung tanong kaya tumawa agad siya. WTH -_-

"Ang ganda mo kaya diyan Meng!"

Inirapan ko lang siya. 'Yun lang naman 'yung picture ko nung bata na gusto kong ibaon sa lupa! Sobrang pangit ko kaya dun ugh!!!

[a/n: alam niyo na kung anong pic 'yun :p]

"Anong kinuha mo?" tanong ko na lang sa kanya, para maiba na usapan.

"Ah, kumuha lang ako ng jacket, shades at cap. Eto sa'yo oh." sabi niya habang inaabot sa akin 'yung isang jacket, cap at shades.

"San ba talaga tayo pupunta? Baka gusto mo kong i-orient?" tanong ko naman sa kanya.

Tumawa lang siya sa tanong ko. Luh anong nakakatawa dun?

Now That I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon