Chapter 25: "Lasagna Quarrel"
-------------------------Kathryn's POV
Umahon na rin kami sa pag swimming. Grabe talaga! Hindi ko alam kung bakit ganun pa yung ginawa ko para mapalangoy lang siya eh. Pero infairness, effective diba? Atleast I help him for the trauma.
I felt something urge in me the time he open ups his situation. Ramdam na ramdam ko kasi yung takot, guilt, pain, and missing. Syempre, kasama na dun ang sadness.
Iniisip ko kasi that time, kung ako ba yung nasa position niyang ganon, hindi ko na rin alam ang gagawin. Ang hirap din kasi ang mawala sa nakasanayan at minamahal mo na.
Like, hmmm... me and swimming. Parang favorite sports ko na 'to since childhood. Parang ang hirap i-sacrifice ang sport mo para sa kaligtasan ng nakakarami diba?Haayy, why life is so complicated. -_____-
Parang iniisip ko palang kasi na papiliin eh, mahirap na. Parang sinasabi kasi na, 'mahal mo o ang kaligtasan ng lahat?' . Ewan ko lang, pero sobrang napapaisip talaga ako. Sumasakit ulo ko, jusko!Napabuntong hininga na lang ako.
"Oh? Anong nangyayare sayo? Anything wrong?" tanong ni Daniel.
Napatingin naman ako sakanya at bahagyang ngumiti, "Wala! Tara, kainin na natin yung lasagna. ^___^"
"Sure!"
Natawa nalang din ako at pumasok na kami sa guesthouse namin. Syempre, nagshower na muna kami at nagpalit. Medyo naramdaman ko nga din ang pagod eh. Ang tagal din kasi naming magkulitan sa dagat.
Napapangiti nalang ako tuwing maalala ko yung kanina. Yung parang tumigil ang oras at kayong dalawa lang ang nakikita niyo sa isa't isa. Yung ang saya niyong dalawa at wala pang problema. Yea, wala PA. Pero sana, wag na muna.
After kong mag ayos, lumabas na ko. Wala pa ring tao sa loob ng guesthouse namin kaya naman solong solo. Pumunta na ko sa may kitchen counter at naghugas lang ng pinggan na paglalagyan namin.
Sakto namang ilalagay ko na sa may mesa yung dalawang plato, lumabas si Daniel mula sa kwarto niya. Inaayos ayos niya pa sa left hand niya yung buhok niya, at hawak naman niya sa kanang kamay niya yung cellphone niya. Dun din siya nakatingin habang papalapit dito.
Napangiti nalang din ako at kinuha na yung lasagna sa ref. Pinatong ko na yun, "Here." I said while putting it on the table.
Napatingin naman siya sakin at ngumiti sabay tumingin dun sa lasagna. Umupo na siya at pinatong yung cellphone niya sa mesa. Napaupo na rin ako sa tapat niyang upuan, "Hmmmm~ first time kong kakain na luto ng iba."
Napasimangot naman ako, "SO, IBA PALA AKO SAYO GANON? Edi wag ka nang kumain!" pagdadabog ko sabay layo sakanya nung lalagyan ng lasagna.
Nanlaki naman yung mata niya sabay bawi nung lalagyan, "Hala! Hindi yun ibig kong sabihin!"
Naningkit naman yung mata ko na nakatingin sakanya, "Heh! Leche ka. Wag kang kumain! Dun ka nalang sa restaurant, kung gusto mo." sabay layo ko ulit nung lalagyan sakanya.
Tumayo na ko dala dala yung lasagna. Nilagay ko ulit yun sa ref at pabasak na sinara yun. Tumingin naman ako sakanya ng masama, "WAG NA WAG MONG GAGALAWIN YAN! May mabawas lang diyan ng isang butil, lagot ka talaga sakin!"
BINABASA MO ANG
Magical Kind of Love [KathNiel]
Romance"Magic can be deceived, but love will make it real." --- Started: May 2013 Completed: Dec 2013