Chapter 26

2.1K 30 5
                                    

Chapter 26: "Cellphone"

--------------------------

Daniel's POV

Nandito ako ngayon sa gilid at inaaral yung steps namin. Ayos naman na ang lahat. Yung pag arte, sayaw, everything. Pero, may hindi ako maintindihan ngayon. Sobra.

Si Kathryn.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya, pero simula nung Monday, hindi ko na siya malambing. Oo, nagkakausap pa rin naman kami, pero lagi nalang siya nakatutok sa cellphone niya at may katext o kaya tawag.

Hirap pa naman maging SELOSO ng ganito!

Nakatingin lang ako sakanya ngayon, na hawak yung cellphone niya habang nagtetext. Ang malala, nakangiti pa! Ganyan na lang siya lagi.

Ewan ko pero nilapitan ko siya, "Ba, sino yan ha?" I asked.

Napatingin naman siya sakin bigla at nawala na din yung ngiti. Siguro nga kung hindi pa ko nagsalita, hindi niya mapapansin na nasa tabi niya na pala ako.

Bigla na lang niya tinago yung cellphone niya sa likod niya at alanlangin na ngumiti sakin, "A--ah, w-wala! Ano? Start na ba tayo? Tara na!"

yun lang at nagsimula na siyang maglakad.

Lagi siyang ganyan! Sa tuwing lalapit ako sakanya habang may katext siya o kausap sa phone, lagi na lang niya binaba yun tapos tatalikuran agad ako. Minsan iniisip ko kung may tinatago ba siya sakin eh. Pero ayoko namang mag-conclude agad.

Kelangan magpigil ng selos.

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit na ulit sakanya. Nandito nga pala kami sa other side ng beach. Tahimik dito at napakaganda ng paligid kasi tago. Parang nasa garden ka. Dito kami nagpa-practice ng sayaw dahil less people at malawak yung lugar.

Yung iba, sa other side nagpa-practice ng closing dance namin para sa story.

"Konting practice nalang, okay na tayo. Okay! 1 hour break muna. Dito ulit meeting place, alright?! CHOP! CHOP!" sigaw ni Miss Jaz sa lahat.

Nagsimula na kaming maglakad ni Kathryn. Nakatingin lang ako sakanya habang siya naman nakatingin sa cellphone niya. Aaah, ewan!

Pinunasan ko naman yung sa may bandang sentido niya, kasi may pawis siya. Kaya naman napatingin siya sakin. Nginitian niya lang ako, kaya naman nginitian ko lang siya.

Napabuntong hininga nalang ulit ako at nilagay ko yung dalawang kamay ko sa bulsa, "Ba, anong gusto mong kainin?"

"............."

"BA!"

Bigla naman siyang napatingin sakin, "AY BAKLA! OH?! ANO BA YUN?!"

Magical Kind of Love  [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon