Chapter 1

144 7 10
                                    

"Ayoko na sa'yo, Rence. Hindi ikaw ang tipo ko sa lalaki." Ayan ang mga salitang pinagduldulan sa akin ni Catie, ang babaeng patay na patay ako. Sinubukan ko lang naman siyang kausapin about our group project, hindi ko naman siya niligawan or something eh.

Pero kahit na. Masakit pa rin na marinig yun mula sa kanya. Simula Grade 7 ay siya na ang gusto ko. Pero IMPOSIBLE raw sabi sa akin ng bestfriend ko na si Wendy.

"Okay lang 'yan, Rence. Hindi mo naman siya nililigawan eh. Assume-era lang 'yun." Kahit naman anong pang-e-encourage niya ay hindi pa rin naman ako gaguwapo. Bukod sa overpopulated na yung mukha ko ng pimples, kapag pinapatay yung ilaw or pupunta kami sa madilim ay ako agad ang hinahanap kase nagiging invisible raw ako, tapos palaging Jose Rizal yung style ng buhok ko. Hindi rin daw ako marunong pumorma. Idagdag mo pa yung nerdy glasses ko. Haayy.

"Tara na, Rence. Break na." Sabi sa akin ni Wendy. Nakatulala na naman kase ako. Iniisip ko pa rin yung pamamahiya sa akin ni Catie. Buong klase kase namin yung nakarinig. Buti nga at hindi ako pinagtawanan.

"Oo, 'eto na." Sabi ko sabay kuha sa bag ko.

"Nakasimangot ka na naman ba dahil diyan kay Catie?" Tanong sa'ken ni Wendy nang mapansin niyang busangot na naman yung mukha ko.

"Sabi ko naman kase sa'yo eh. Pigilan mo na yung sarili mong magkagusto sa kanya para hindi ka na mahirapan pa. Tignan mo nga 'yang pinaggagagawa ng babaeng 'yan. Kung sinu-sinong lalaki ang ine-entertain. Kulang na lang eh maghubad siya sa harap nung mga lalaki dun sa sulok eh." Ganyan lang talaga magsalita iyan si Wendy, direct kung direct, basta masabi niya yung gusto niyang sabihin.

Nakatingin kaming dalawa ngayon kay Catie habang nakikipag-flirt siya dun sa mga lalaki sa gilid.

"Hindi 'yun ganun kadali, Wendy. Lalo pa't three years ko na siyang gusto." Katwiran ko pa.

"Hay nako. Bahala ka kung ayaw mong maniwala,basta ako nagpapayo lang." She said as she sips on her fruit shake.



You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon