Chapter 3

57 5 0
                                    

Kinabukasan, nagpunta kami sa isang espesyalista sa mata. Balak niya kaseng mawala yung nerdy glasses ko tapos papalitan na lang ng contact lenses na may grado. Siya naman ang taya eh. 


"Gawin nating color brown yung lenses para attractive tingnan yung mga mata mo!" Suggest niya. Gustuhin ko mang tumanggi ay wala pa rin akong magagawa dahil siya naman ang may alam ng kung anong makakabuti sa akin. Just like what good friends do.


"Ayan! Perfect!" May kasabay pa na palakpak tapos halakhak. Parang laging may sapi!


"Next stop, Dela Vera Dental Clinic!" Iba talaga 'tong si Wendy kung man-trip! Masaya! Na masarap! Na nakakatuwa!


Kung tutuusin ay pwede ko namang gawin 'to sa sarili kong pera eh. Hindi sa pagmamayabang, may-ari ang pamilya ko ng isang napakalaking korporasyon. Masyado lang talaga siyang mayabang.


"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong nung dentista. Nagkatinginan kami ni Wendy sabay tawanan. Actually halakhakan talaga tawag dun sa ginawa namin eh.


"Magpapa-brace po kayo, Sir?"


"Wow, nalaman mo agad? Nakaka-offend ka naman oh." Ang sakit lang talaga na nalaman niya agad yung problema ko kahit na tumawa lang ako. It hurts, you know?


"Okay na po. Nasukatan na namin kayo. At tsaka inform ko lang po kayo, sobrang effective po ng mga braces namin kase isang araw pa lang ng pagsusuot mo nito ay pantay na agad ang ngipin mo. Kaya nga may kamahalan ito eh." Paliwanag nung dentista.


"Okay lang po, kahit magkano man 'yan. Afford ko naman po eh." Pagmamayabang pa ni Bess. 


"Next destination, Wattsons!" Anong gagawin namin 'dun? Tss.


"Super ultra mega effective against pimples." Binabasa niya kase yung nakasulat sa likod nung product na hawak niya. Gamot yun sa pimples. Actually, nag-try na rin ako ng mga gamot mula sa mga drugstores pero ni isa, walang umepekto.


"Di rin naman effective 'yan eh." Bulong ko. Na narinig niya rin pala.


"Wait, Did I hear that right? Anong hindi effective? Huwag kang K.J., effective 'to 'no! Ako gumagamit nito at kaya kong itaya ang pangalan ko dito sa product na 'to!" Sabi niya habang naka-cross-arm.


Paglabas namin ng Wattsons ay ibinigay niya agad sa'ken yung gamot.


"Every night 'to ha. Bago matulog." Paalala niya na parang lola ko kapag pinapaalalahanan akong magdasal bago matulog.


You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon