Chapter 6

53 4 0
                                    

One week rin after ng lahat ng ginawang niya sa akin. Nahirapan siya sa pag-aayos ng porma ko. Pero I admit, biglang nag-boost yung confidence ko. Hindi na ako sumisimangot sa tuwing titingin ako sa salamin. Hindi ako nagyayabang ha. Sinasabi ko lang ang totoo.


Yung mga pimples ko, na-massacre yata nung gamot na ibinigay sa akin ni Wendy. Ni isa nga eh ayaw na magsitubo, nakaka-miss nga eh. Napansin ko rin na nagka-laman laman na rin ako. Dati kase ay patpatin ako at nung elementary ako, kasali ako palagi sa mga feeding program ng gobyerno.


Tapos yung braces, totoo nga yung sinabi nung dentista, one day ko lang siyang sinuot pero kitang-kita na naka-align na ang mga ngipin ko. Pantay na pantay talaga sila, as in! Iba na talaga yung physical appearance ko.


Tinuruan na rin ako ng iba kong kaklaseng lalaki na gumamit ng wax. Para mapalitan na raw yung Jose Rizal hair style ko. Medyo nag-light na rin ang tone ng balat ko. Moreno na ko ngayon, hindi tulad ng dati na baluga at ita ang tawag. Tapos yung contact lenses, syempre suot ko pa rin.


At ang pinakaimportante ay alam ko na ngayon ang damit na bagay at hindi bagay sa akin. Mabuti na lang at naging magaling na stylist si Wendy at mabuti rin na madali raw akong hanapan ng mga damit na babagay sa sarili ko.


Feeling ko tuloy, isa akong ahas na nagpalit ng balat. Parang ang bilis. Bukas ay Monday na at may pasok na. Excited akong pumasok bukas kase alam kong may bago sa paningin nila.


Pero syempre, yung goal ko lang naman ang gusto kong matupad. Ang maipamukha kay Catie na hindi lahat ng pangit ay forever nang pangit. Kase may mga pangit na kailangan lang pala ng konting makeover, at ayun na. Tenen! Pwede nang magbago ang anyo mo. Laking pasasalamat ko talaga kay Wendy at naisipan niyang gawin sa akin ang lahat ng 'to.

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon