Chapter 4

54 5 0
                                    

"Sa'n naman tayo pupunta ngayon, ha, Wendy?" Sarkastiko kong tanong sa kanya nung makita ko siya sa tagpuan namin. Buti na lang at Sunday ngayon at next week ay walang pasok dahil sa birthday bukas ng principal. Di ba? Ang sosyal kapag birthday ng principal, one week walang pasok.


"Wala tayong pupuntahan ngayon, tatambay lang muna ako dito sa condo mo at ibibigay ko lang sa'yo 'to." Sabay abot sa'ken ng isang naka-karton na 'multivitamins' yung label. Natawa agadako nung makita ko yung hawak niya.


"Eh ikaw naman kase, porke mag-isa ka sa condo mo na 'to at hindi ka naaalagaan ng pamilya mo ay kung anu-ano nang ginagawa mo sa buhay mo. Di na talaga ako magtataka makita kitang nakahiga sa sarili mong kabaong one of these days." Pang-aasar pa niya. Sina mom at dad kase ay masyadong busy para iwanan yung business namin, at saka ako naman ang pumili ng school na 'to kase matagal ko na 'tong pinapangarap. At isa pa, hindi ako mag-isa, may mga maid sa condo ko 'no!


"Tara, pasok!" Sabi ko sa kanya habang ginagabayan siya papasok ng condo ko.


"Kumusta yung contact lenses? Sumasakit ba mata mo?"


"Hinde. Bakit ba kase kailangan na ganun pa yung susuotin ko? Dagdag looks ba 'yun?" Tanong ko.


"Oo naman! Tsaka hindi rin kaya bagay sa'yo yung nerdy glasses mo!" Sabi siya sabay kurot sa pisngi ko. Ganun talaga kami sa isa't-isa, prangkahan to the max.


"Mamayang hapon sa Dela Vera Dental Clinic ang deretso natin, ha. Kukunin na natin yung braces."


"Wendy, natatakot ako. Baka hindi bagay sa'ken yun. Tsaka yung acne solution, naramdaman ko nga na effective, hindi mo ba napansin?" Tanong ko.


"Hinde. Dami mo pa rin kayang pimples... Joke! Napansin ko talaga kanina, kaya lang hinihintay kong sa'yo mismo manggaling para malaman ko kung satisfied ka."


"Bakit ba kase ngayon mo lang 'to pinagamit sa'ken? Dapat dati ko pa 'to ginawa eh."Sabi ko.


"Hey, tsaka tomorrow nga pala, parlor ang pupuntahan natin." Paliwanag niya. Grabe na 'tong makeover niya sa akin. Tao pa ba ako kapag natapos 'to? Tsaka bakit parlor? Di ba pede na barber shop na lang.

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon