Chapter 2

74 5 1
                                    

"Rence!" Napalingon agad ako kase alam ko na si Wendy 'yun.


"May bad news ako sa'yo!" Hay nako. Kakasimula pa lang ng araw bad news agad? Nakakainis naman 'tong si Wendy eh.


"What is it, Wendy?" Sabi ko habang sinasara yung locker ko. Hinihingal-hingal pa siya.


"You won't believe this! Si Catie, may boyfriend na namang bago!" Haaay. Ano namang bago? Every week naman ay may bago siyang nagiging boyfriend, pero bago matapos ang linggo ay nagbe-break din naman. Ako rin naman ang nasasaktan. Huhuhu.


"Hayaan mo siya." Sabi ko kahit na deep inside ay nasasaktan ako. 


"Seryoso ka? Di ka nagagalit? Lilibre na lang kita snacks, ano gusto mo?" Mayabang ka ha. Sige, ako pipili.


"Kahit ano?" Sabi ko habang naka-grin. Tumango siya.


"Pringles lang tsaka mogu mogu. Hehehe!" Hindi na naangal yun si Wendy kase galante talaga siya.


After nung conversation namin na 'yun, dumaan na kami sa canteen para bumili ng pringles tsaka ng mogu mogu. In our way back, nakasalubong namin sina Catie tsaka yung bago niyang boyfriend habang magkaakbay. Umiwas na lang ako ng tingin para hindi niya ako mapansin. Ayy. Hindi niya nga pala ako mapapansin. Masakit pero hindi na gaano kase may pagkain naman eh.


"You know what, may naisip ako na sure akong makakatulong sa'yo." Sabi niya sa akin habang naka-smirk with matching taas-baba ng kilay.


"At ano na naman ito, bess?"


"Bibigyan kita ng total makeover!" Nung sinabi niya 'yun ay agad akong nag-react.


"Ano ako, babae para bigyan mo ng makeover? No way! Sure din naman ako na pagtitripan mo na naman ako!" Reklamo ko.


"Hindi ah. 'Eto yung makeover na guy version!" Nung marinig ko 'yun ay hindi na ako nakapagsalita. Parang feeling ko tama yung sinasabi niya. Parang may light bulb na biglang umilaw sa utak ko...


Ito na ang tamang panahon para sa aking pahihiganti sa mga mapang-api! Ayy. Mali pala, kay Catie lang pala at sa kalandiang taglay niya. Buhuwahahaha!

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon