Chapter 5

56 4 0
                                    

"Welcome to Sarleng's Parlor!" Sh*t. Nakakahiya talaga siyang kasama. Nahihiya na nga ako kase PARLOR 'to dude, PARLOR!


"Ateng, gusto ko yung haircut na babagay sa kanya ha." Sabi ni Bess dun sa baklang naggugupit at maggugupit din yata sa akin.


"Tara na, Wends, uwi na tayo. Ayoko talaga, promise!" Bulong ko sa kanya habang nakaupo kami sa mahabang silya sa loob ng parlor.


"Sir, kayo na po ang next." Sabi sa'ken nung isang naggugupit. Ilang minuto lang kaming naghintay dun at ako na agad ang next? Hindi pa nga ako ready eh. Lord, kayo na po ang bahala sa pamilya ko.


"Tapos na po, Sir!" Sabi nung parlorista na naggupit sa'ken. Tapos dahan-dahan kong iminulat ang mga mata kong kanina pa nakapikit dahil ayaw kong makita ang panggugupit niya sa akin.


"Waaaaaahhh!" Napasigaw na lang talaga ako sa nakita ko. Ayoko kaseng makita ang kalunos-lunos kong hitsura habang ginugupitan ang Jose Rizal hair style ko.


Ibang-iba na yung buhok ko. Hindi naman nila nilagyan ng dye, pero, bakit hindi ko makilala yung sarili ko? Parang... Parang... Parang mas guwapo at mas refreshed.


"Tara na, bess. Uwi na tayo?" Pang-aasar pa sa akin ni Wendy. Kahit na nakatingin lang siya sa buhok ko at nakapoker face ay alam kong nang-aasar siya! Kitang-kita ko sa mga mata niya na tuwang-tuwa siya sa mga nakikita niya!


"Mabuti nga." Sagot ko sa kanya sabay labas ng parlor without waiting for her. Sa three years namin pagkakaibigan, ngayon ko lang inakala na may kademonyohang taglay pala siya. Yung tipong kahit wala siyang ginagawang masama ay alam mong may kakaibang tumatakbo sa isipan niya. Ganun siya.


"Did you like it?" Tanong niya.


"Hinde." Tuwang-tuwa siya sa dalawang salitang sagot ko na iyon. Bago nga pala kami umuwi ay namili rin kami ng mga bagong damit para sa akin. Syempre ako na yung nagbayad.


You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon