Chapter 2 - On the Way

86 1 4
                                    

Dedicated to Elliza. =) Ayan be. Thanks sa mga advice mo about sa watty.

Chapter 2.

Sopia's POV

Saturday, 5pm

I'm so excited to see them, I receive text message from my other classmates na sa park na lang kami magkikita near our old school para sabay-sabay na lang kaming pumunta sa bahay nila Andy. Hindi naman masyadong halata na excited ako nu? 6pm ang usapan pero 5pm pa lang bihis na ko, bakit ba? Walang basagan ng trip ah, ayoko naman kasi ng masabihan ako ng pa-VIP dahil late ako. Syempre kapag maaga din akong makakapunta mas madami akong machichika sakanila, sa sobrang tagal ba naman ng huli ko silang makita eh sigurado ako dun mahaba-habang inuman este kwentuhan to.

Hays, ang tagal naman ng oras, halos paikot-ikot na ko dito sa kwarto. Harap sa salamin, tingin sa outfit, retouch.. pwede na siguro to. Maong faded pants, black sleeveless at brown na jacket lang ang suot ko since alam kong aabutin kami ng gabi sa dami ng pag-uusapan.

6pm.

*toot toot*

Pia, nandito na ko sa park, punta kana nandito na din si Rose.

FROM: JERIC SANTOS

Malapit lang naman sa bahay namen yung park kaya naghintay na muna din ako na may mauna saken. Masyado naman akong halata na excited kung ako pa yung mauuna, hindi naman diba? Hindi naman halatang excited ako? HAHA Konting retouch lang at lagay ng lip gloss and I'm all set. Bumaba na ko para makapagpaalam kayna Mama, ayoko naman na bigla na lang akong umalis ng walang palaam.

"Mama, alis na po ako. Nandun na daw po sina Rose sa park."

"Sige Iha, ikamusta mo ko sakanila"

"Yes Ma, sige tuloy na po ako. Magtetext na lang po ako kung gagabihin ako."

Before leaving the house, kumiss muna ako kay Mama, only girl ako kaya hindi naman maiiwasan na over-protective sila saken. Pinayagan naman ako ni Mama since kilalang kilala niya ang mga kasama ko, teacher kasi si Mama at naging studyante niya kami nung nasa grade 4 kami. Siguro itatanong niyo kung anong feeling ng maging teacher mo ang sarili mong Mama. Nung una akala ko nga madali eh, pero kapag nasa classroom na kami isa siyang teacher at isa akong studyante kaya pantay-pantay lang din kami sa mata niya. yan din ang dahilan kung bakit nakatapos ako ng elementary ng matino, syempre lalakasan mo pa ba ang loob mong magloko kung wala pang isang oras malalaman na ng magulang mo ang ginawa mo? HAHA I bet kahit sino sa inyo, magtitino talaga.

Sa sobrang dami kong naiisip hindi ko naman namalayan na nandito na pala ako sa park, nasan na ba sila? Hindi ko makita ..

Tingin .. Tingin ..

"Sopia, OH MY GOD Sopia ikaw naba yan? Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!" - Rose.

Kaylangan ba nakasigaw? Sa sobrang lakas ng sigaw niya, I'm sure lahat ng tao dito sa park kilala na ko. Haha Rose is one of close friends nung nasa elementary pa ko. Same din naman kami ng school nung high school pero I think nung 3rd year lumipat na siya, hindi naman kami naging magclassmate nung highschool kaya parang nawala din yung closeness namen.

"Rose, kamusta? Long time no see ah? Ang tangkad mo!"

"Eto, may anak na ko. HAHA Ikaw? Yung pa din ba boyfriend mo? Balita ko babaero yun ah? Infairness hindi kapa din nagbabago, you still have your long black hair." - Rose.

"Naku, hayaan mo na yun. Actually cool off kami ngayon, nahuli ko kasi na may babae na naman. Kaya nga eto ako ngayon magsasaya ko."

Hays. Hindi ko expected na mababanggit niya pa si Carl, nakalimutan ko din na nakikita niya pala kaming magkasama. Sana yung buhok ko na lang ang napansin niya, since elementary kasi hindi pa ko nagpaikli, ngayon lang yata ako natuto magkulot o magtali ng buhok eh.

"Nasan na yung iba? Akala ko nandito na si Jeric, nagtext na eh."

"Ou, nandito na sila may bibilhin lang daw. Oh, ayan na pala sila eh." sabay turo dun sa grupo na paparating samen. Ang mga classmates kong magugulo dati. MY GOD, finally nakita ko na din sila.

"Uy Pia, kamusta?" - Paul. Isa siya sa magugulo nung grade 6, favorite ng adviser namen na banggitin ang pangalan niya pero kahit na magulo yan matalino din yan.

"Pia, long time no see ah? Nakikita kita madalas sa street niyo eh, ang suplada mo." - Jeric. Classmate namen siya nung grade5 pero nagtransfer din siya nung grade6 kami. Buti nga nakakasama pa siya sa mga ganitong event eh.

"Anong suplada ah? Baka naman hindi lang kita napapansin. Haha Hi Joan, kamusta? Parang hindi tayo tumangkad ah?" HAHA :D Si Joan seatmate ko siya dati, medyo iyakin to eh. Lagi namen inaaway yung katabi namen lalaki.

Mukhang masaya to ah, nakita ko pa lang yung mga mukha nila hindi ko na mapigilan matawa. Naaalala ko kasi dati palaging nagagalit yung adviser namen sa sobrang gulo, ingay, at kukulit nitong mga to. Habang naghihintay sa iba pa namen classmates kanya-kanyang kwentuhan ng mga kalokohan. Tawanan dito, kwentuhan dun, asaran sa mga dating crush. Yung iba kasi samen sa iisang school lang nag-aral nung highschool at college kaya medyo close talaga sila. Pero ako since iba yung pinasukan ko ng highschool medyo hindi ganun kadami yung mapapagkwentuhan namen. Dumating na din yung iba namen kasama, sina Kaye, Kyle, Joshua.. teka may dadating paba? halos mag-iisang oras na kaming tawa ng tawa dito ah? 

"Nasan na yung iba? May dadating pa ba? 7pm na oh, baka masabihan pa tayong late ni Andy." - Rose

"Ou, si Ty na lang hinihintay naten. Sina Jim at Ralph kasi didiretso na lang sa bahay nila Andy. - Paul

"Sinong Ty? I mean, naalala ko yung pangalan niya pero yung itsura hindi." Matanda lang ang peg ko? Hindi makaalala. Haha

"Si Tyrone, ayun oh. Patawid na siya."- Paul

"Ah, naalala ko na. Si Tyrone John Lopez" Sino ba naman makakalimot dyan eh galit na galit lagi yung adviser namen sakanya eh. HAHA =)

"Oh, ayan kumpleto na tayo. tara na itetext ko na lang sina Jim na sumunod. Itetext ko na din si Andy na papunta na tayo.- paul

Nagjeep na lang kami papunta, syempre mas masaya ang sama-sama. Pagsakay pa lang namen sa kanya-kanyang turuan na kung sino ang manlilibre, eto kasing mga lalaki na to mga nagkukuripot, pero in the end sila din naman naglabas ng pamasahe. Kung kuripot ang boys, mas kuripot ang girls nu! Aba, may mga work na sila eh. Haha :D

Grabe ang ingay, parang pag-aari na namen tong jeep eh. Pati nga ibang pasahero natatawa sa mga pinag-uusapan namen. Hays, this is it. ang kainan slash kwentuhan slash inuman slash reunion slash ... Ano pa nga ba? Ako na masaya, sa sobrang saya nakakalimutan kong may pinagdadaanan pa pala ko. Eh? Drama lang? Hindi nu.

Basta whatever happens, promise ko sa sarili ko na ieenjoy ko tong gabi na to. Kakalimutan ko muna ang problema ko. WALANG KOKONTRA. MASAYA AKO! Kaya mo to Sopia! Aja

-- AN 

Anong masasabi niyo? Sinong excited sa mangyayari sa reunion? Haha Feel free to sa comment kung may gusto kayong sabihin. 

VOTE WISELY! Eh? Eleksyon lang? HAHA =) Sana magustuhan niyo. :))

- Niki

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon