Chapter 7
Sopia's POV
"Ou na. Magkukwento na.."
Grabe ikaw na magkaron ng mga kaibigan na 64gig ang capacity sa chismis, tignan ko lang kung may maitago kapa.
So I have no choice but to continue the unfinished chismis. Haha
[ Flashback ]
"Hmm.. Ty, ano bang status niyo ngayon ni GF?"
"Kami? Ahh .." - Tyrone
"Ok lang kung ayaw mo sabihin, nacurious lang ka--"
"We broke up." - Tyrone
"A-ah.. So-sorry ah? Hm chismosa ko kasi."
"Wala yun, alam mo hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko para lang magtiwala siya. Nagpapaalam ako kapag aalis ako, kapag ayaw niya hindi na ko tumutuloy. Sinasama ko siya sa lahat ng lakad ko, kahit password ng FB ko alam niya, phone ko halos siya na humahawak pero naghihinala pa din. Ang hirap naman ng walang tiwala." - Tyrone
"..."
OMG. I'm speechless. I know trust issues ang madalas pag-awayan ng mga magkarelasyon, kung babae lang to baka nga ginatungan ko pa. Pero hearing it from Tyrone which is a guy, parang ang hirap magreact.
"Tuwing mag-aaway kami palagi na lang niya ko tinatakot na makikipagbreak siya. Palaging 'we need time and space' ang sinasabi, so ako todo lambing at sorry kahit na wala naman akong ginagawa. Pero nung isang araw kasi parang napuno na lang ako so pumayag na ko. Siguro we really need time and space for us to grow up. Tama naman siguro ang desisyon ko." - Tyrone
"Alam mo kung ano sa tingin mo ang tama yun ang gawin mo. Minsan kasi mas nakakabuti ang paghihiwalay para mas maintindihan niyo kung ano yung problema."
"Tama. Tss Bigla naman tayong naging madrama dito. Haha" - Tyrone
"Sorry Ty, magenjoy ka habang free ka. Katulad ko dba?"
"Ok ka na ba talaga? Parang ang bilis mo kasi maka-moved on." - Tyrone
"Immune na ko. I always fall for people I can't have. Useless kung iiyak at magmumukmok lang ako, I have my family and friends by my side so nothing to worry about."
Totoo yan ah? Walang halong kabitteran. Yung alak lang ang mapait dito. Haha
"Alam mo may point ka din eh, so tara na? Makisayaw sakanila?" - Tyrone
"Sure Ty."
I gave him my sweetest smile. Masaya ako kahit papano mukhang gumaan ang pakiramdam ni Tyrone. Kahit papano pala may mga guys din na nalulungkot ng dahil sa LOVE.
**
Tyrone's POV
"Alam mo may point ka din eh, so tara na? Makisayaw sakanila?"
"Sure Ty." - Sopia
Tama si Pia, wala naman maidudulot na maganda kung magmumukmok ako at magpapakalasing. Sa isang relasyon TIWALA ang pinaka importanteng bagay, kung walang tiwala wala din patutunguhang maganda.
Nung makarating kami sa dance floor nagkangitian na lang kaming magkakaibigan. Kanina pa nakikipagsayaw tong mga to sa mga kaibigan ni Pia.
Since party song ang tumutugtog, nakapaikot kami as a group. Parang may groupings lang sa school eh. Hahaha
Inaalalayan namen sila Pia, pano ba naman halatang halata yung mga ibang lalaki na dumadamoves para malapitan sila. They dances gracefully kaya eye catcher talaga lalo na si Pia, kapag nakangiti siya at tumitig sayo.. Hay HEAVEN. Eh?