Chapter 3
Sopia's POV
Andy's House
"Happy birthday Andy"
We all greeted her in chorus, beso-beso at kamustahan. Pansin ko lang ah, parang wala naman ata samen ni isa ang may dalang regalo.
Sabi nga pala ni Andy, birthday and reunion na din namen to siguro lahat kami "REUNION" ang nasa isip at ang ipinunta dito hindi birthday. HAHA
"Hello po Tita, kamusta?" - Joan greeted Andy's mom with a hug.
Si Tita kasi palaging nasa school yan tuwing classes hours. Chikadorang tunay sa ibang nanay na tumatambay sa school namen.
"Oh, nandito na pala kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Andy. Nag-aalala na hindi kayo pumunta." - Tita
"Pwede naman po ba na hindi kami pumunta? Kainan to eh." - Joan
"Oh sige kumain na kayo at kanina pa kayo hinihintay ng pagkain. Mukhang nagutom din kayo sa byahe. Andy anak, asikasuhin mo naman yang mga bisita mo." - Tita
"Guys, kain na kayo. Ipagsasandok ko pa ba kayo?" - Andy
"Kayang-kaya na to. Gusto mo pagbalik mo ubos na tong handa eh. Hahahaha" - Tyrone
Akala ko uso pa ang "ladies first" nakalimutan kong pagkain pala tong pinag-uusapan dito kaya tong mga magagaling na boys umuna na at ayaw man lang kami pasingitin.
Kumain lang kami kasabay ang kwentuhan, syempre papahuli ba naman ang picturan, parang imposible ng mawala yun. Ngayon nga bago kainin ang kahit anong pagkain ipo-post muna sa instagram o tweeter. HAHA
Habang kumakain kami, hindi na mapigilan naalalahanin yung mga kalokohan tuwing recess time, lalo na nung hinainan na kami ng orange juice.
Orange Juice.. Parang ang dami namen alaala at kalokohan basta usapang JUICE. HAHA
"Ty, naalala mo ba ang juice?" - Mark
"Ou pare, ayoko ng ulitin yun! Hahaha" - Tyrone
Gusto niyo bang malaman kung anong meron sa juice na yan? Hm tawanan niyo na lang ah, baka kasi mawirduhan kayo.
Orange juice na hahaluan ng pineapple juice or mango juice.
Grape juice na ihahalo sa coke or pepsi.
Gusto niyo pa ng ibang kalokohan tuwing recess time?
Mga nagliliparang kornik, green peas, happy peanut na itatapon sa ere at sasaluhin ng bibig. Yung pagsigaw kay "ATE" na nasa labas ng school para lang bumili ng palamig na tig-dodos, at gagawin bala para itira sa kaklase.
Yung mga girls na magbabaon ng pongkan, o dalandan para lang sa balat na ginagawang panira.
Mas maloko pa ata ang mga nasa elementary kaysa sa mga nasa highschool eh. Sa sobrang dami ng napagkwentuhan namen sulit na sulit yung kinain namen. Parang naubos na nga ata yung busog namen sa pagtawa eh. Haha
Syempre kung may kainan, meron din inuman. Ayan na naman po kami sa ambagan. Parang nung nagbabayad lang kami sa jeep eh, kanya-kanyang tago ng pera. Naghihintayan kung may maglalabas ng malaking pera, nakakahiya naman kung ipapasagot pa namen kay Andy yung inumin namen medyo madami din naman siyang ibang bisita.
"Oh, heto na ambag ko." - Paul. Naglabas ng 100php.
"Oh eto saken." - Tyrone.
Watda.. Tumatagingting na BENTE PESOS ang nilabas niya. Nabigla kaming lahat eh, sa sobrang pagkabigla wala na lang kaming nagawa kundi tumawa ng malakas. At dahil masyadong natuwa tong ibang lalaki, may naglabas ng sampu, at itong si Tyrone, kinuha. Sukli daw niya. HAHAHA
HUWAW. San makakarating ang BENTE? At ang SAMPU? Kahit nga ata ang lalamunan hindi magkaka-amats eh.
Since may trabaho na din naman si Jeric, siya na ang may pinaka-malaking ambag. 500php ang nialbas, pero syempre kanya na yung sukli. Sinama na lang yung mga ambag namen.
Kaming mga girls, inayos na namen yung lamesa sa labas, habang ang mga boys naman ay bumili na ng inimun namen. Puro pose sa camera ang inatupag namen habang nagkukurutan, naghahampasan at naghaharutan naman ang ibang kasama namen.
--
[ Third person's POV ]
Dumating na din sina Jim, Ralph, at Mean, pati na din ang iba pa nilang mga ka-batch. Everyone's enjoying the party, lahat na ata ng pwedeng gawin ginawa na nila Playing games, videoke, picture-picture, syempre hindi naman nawala ang pag-uusap sa seryosong bagay.
Yung iba kasi sakanila may mga pamilya na, may mala-ANGELITO lang ang peg (batang ama), meron tinalo ang mga nagmamasteral sa pag-aaral dahil hanggang ngayon nag-aaral pa din. Medyo napapadami na din ang tagay ng iba, mahahalata mong madaldal na at makukulit, minsan nga may bigla pang magpapatawa kahit na napaka-seryoso na pinag-uusapan.
Dahil sa napaparami na nga ana naiinom na alak, mapapansin naman ang biglang pagtahimik ni Sopia na tila may iniisip na problema.
"Pia, may problema kaba? Gutso mo pag-usapan naten yan?" - Ralph
Umiling at ngumiti lang si Sopia sa tanong ni Ralph. Mahahalata din naman ang pagtingin at pagtitig ng mga lalaki kay Sopia, sino ba naman ang hindi makakapansin. Sobrang laki ng pinagbago niya nung elementary at ngayon na nagtatrabaho na.
Gumanda, Sexy, iba ang ngiti niya sa tuwing itatapat ang camera sakanya. Yung ngiti na hindi mahahalata na may problema at ngiti na totoo. Lumalabas pa ang dimples niya.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na din si Tyrone sakanila, may emergency daw sa bahay nila kaya mauuna na siyang umuwi. Sopia smiled at Tyrone before she kissed his cheek. Beso-beso lang ok?! Nagpaalam na din si Tyrone sa iba pa nilang kasama.
Sari-saring kwentuhan pa ang naganap, some girls are smoking. Uso na naman yun dba? Smoke while drinking.. Chill chill lang ang peg, habang inuubos nila ang last bottle ng iniinom nila.
At 2:00am naubos na nila ang last bottle, boys na lang naman ang umubos nun. Nagpaalam na din naman sila kay Andy na busy sa pag-aasikaso ng bisita. Ang boys ay may kanya-kanyang toka kung sino ang ihahatid, may mga humiwalay na din dahil out of way.
Natapos naman ang simpleng selebrasyon na nakangiti ang lahat, well except for Sopia na mukhang tinamaan na nga ata ng alak at buong byahe pauwi ay malalim ang iniisip. Pero dahil nga savior ang mga boys at magagaling sa kalokohan, napapangiti din nila ito kahit papano.
-- AN
Pasensya na sa 3rd person POV, nagpapraktis pa lang ako sa pag-gawa nun. :)) Sorry. Basahin ko ulit at ie-edit ko na lang. HAHA =) Comment kayo kung may gusto kayong sabihin. Tatanggapin ko yan =)
- Niki