Prologue

64 5 1
                                    

Why do birds suddenly appear
Everytime you are near?
Just like me.. they long to be
Close to you ~~

Masayang kumakanta si Erra habang nakasalpak sa tainga niya ang earphones at sakay sa kanyang kanyang bike papunta sa Café ng Tita niya.

Si Erra Feliope Choi ay 19 yrs old na. She's taking a course for photography since she wants to be a photographer and her bias group's fansite noona. Naninirahan siya sa isang subdvision. Siya lang mag-isa naninirahan sa isang bahay sa subdivision nila since college na siya. Nagtatrabaho rin siya as a waitress sa may Café ng Tita Dellie niya para na rin may allowances siya dahil yun yung utos ng kanyang magulang para matuto siyang mamuhay mag-isa. Pero nagpapadala rin naman ng pera yung mga magulang niya.

Why do stars fall down from the sky
Everytime you walk by?
Just like me.. they long to be
Close to you ~~

Nagpatuloy lang siyang kumanta hanggang sa nakarating na siya sa Café ng tita niya which is Café La. Hindi pa bumubukas yung cafe kasi maaga pa naman. 7:30 am pa. 10:00am magbubukas yung Cafe. Pinark ni Erra yung bike niya sa may gilid ng Cafe at pumasok na sa Cafe.

"Hi, Tita! Good morning. :)" bati niya sa Tita Dellie niya na sobrang busy sa pag-aasikaso sa Cafe.

"My goodness, Erra! Buti nandito ka na! Kanina pa kita hinihintay! Sobrang busy namin dito. May nagpareserve kasi last night dito sa Cafe. Magbi-birthday daw dito. Hindi agad kita nasabihan na dapat maaga ka rito." mahabang paliwanag ng Tita niya sakanya.

"Ay, sorry rin po. Tinanghali kasi ako ng gising dahil nag-aaral pa ako kagabi." nakangiting saad ni Erra habang naka-peace sign. Tinaasan naman siya ng kilay ng Tita niya at nakapamewang.

"Weh? Isang Erra Feliope Choi nag-aaral?! OMG! Magugunaw na ba ang mundo?" natatawang pahayag ng Tita niya. Napasimangot naman si Erra.

"Tita naman, eh!" sabi ni Erra habang naka-pout.

"If I know nang-i-i-stalk ka na naman sa mga koreanong iyon!" nagblush naman si Erra sa pagkarinig niya ng "koreano"

Hihihihi, isip niya.

"Oh sya. Wag ka nang kiligin dyan. Feel na feel mo, eh. Tulungan mo na kami dito." sinuot na niya yung apron niya na may cute na design ^ - ^

Matapos niyang asikasuhin yung Cafe ay nagpaalam na si Erra na umalis na muna dahil may ihahatid siyang cupcakes. Sumakay siya sa bike niya at bumalik sa subdivision nila. Di naman masyadong malayo yung Cafe sa village na tinitirahan niya. Kumakanta na naman siya. Gustung-gusto niyang kumakanta kaso di naman siya binayayaan ng magandang boses.

Sana magustuhan nila yung ginawa ko. I made it special for them with love . Ehehehe.

Kinikilig si Erra sa iniisip niya. Nakita na niya yung bahay na tinitirahan ng pinakamamahal niyang korean boy group na nagngangalang, BTS o Bangtan Sonyeondan. Sobrang swerte niya at malapit lang yung bahay nila sa bahay na tinitirahan ng BTS. Actually, same subdivision lang sila nakatira. Huminto si Erra sa bahay nila at ngumiti ng malapad. Bumaba siya sa bike niya at nagdoorbell.

Narinig ni Jin ang pagdoorbell ni Erra. Galing sa pagluluto ay lumabas si Jin na naka-pink na apron. Imbes matatawa si Erra sa nakita niya ay nakyu-kyutan siya dito. Alam niya namang paborito ni Jin ang color pink eh.

"Hi, Jin!" kahit na mas matanda si Jin sakanya ay hindi niya ito tinatawag na 'Kuya o Oppa' dahil si Taehyung lang ang tinatawagan niya nito.

"Hi, Erra. Pasok ka." pag-aaya ni Jin. Pumasok naman si Erra dala ang cute na basket na may lamang cupcakes na ginawa niya.

"Umupo ka muna" sabi ni Jin at sinunod naman siya ni Erra. Bumalik si Jin sa pagluluto at inatasan si Namjoon na siya muna ang bahala sa niluluto ni Jin (since tinutulungan rin ni Namjoon si Jin sa pagluluto. Ehehe syempre, gawa ng mag-asawa XD jkjk huehue Namjin ❤) kahit na walang tiwala si Jin kay Namjoon pero kailangan niya munang tawagin si Taehyung dahil may BWISITA este bisita siya.

Pumunta sa taas si Jin at kumatok sa pinto ng kwarto ni Taehyung. Tok tok tok!

"Taehyung." tawag niya rito

"Hyung, bakit?" may pagkahusky na sagot ni Taehyung.

"Nandito si Erra" sabi niya. Kakatok pa sana ulit si Jin kaso binuksan na agad ni Taehyung yung pintuan.

"-_____- ano na namang ginagawa niyan dito?" nagkibit-balikat lang si Jin at sabay silang bumaba.

"HAHAHAHAHA!!" Narinig nilang may nagtatawanan sa baba.

Napansin ni Erra si Taehyung sa pagbaba ng hagdan.

"Babyyy!!!" naka-poker face si Taehyung habang niyayakap siya ni Erra.

Pinabitaw niya sa yakap si Erra, "Erra, ano ba. Sobrang clingy mo ah! Ano bang ginagawa mo dito?! At saka, di na ako bata!!" imbes na mainis si Erra ay kinurot lamang nito ang pisngi ni Taehyung. Nairita na tuloy si Taehyung.

"May ibibigay ako sayo, oppa ^0^" dali-dali namang kinuha ni Erra yung basket at pinaka yung mga cupcakes. Hinilot-hilot ni Taehyung ang sentido niya. Stress na stress eh.

'Tong babaeng 'to!! Nakaka-inis!!

"Kainin niyo lang yan ehehe. Mauuna na ako, oppa. Hehe. Labyuu! Bye guys!" paalam niya at lumabas na. Kinain nila Jin yung cupcakes kaso..

"PWEEE!!!" iniluwa nila yung cupcakes sa harap pa talaga ni Taehyung. Lasang maalat na mapait. Nako, talaga!!

"Di parin nagbabago yung paggawa niya ng cupcakes" sabay na saad nila.


Lalala lalala hmmm~~

Ang ultimate bias ni Erra ay si Taehyung at sa bilyong-bilyon mga fangirls ng Bangtan.. si Erra ang pinakamaswerte.

Bakit? Well.. dito nagsisimula ang kwento ng isang Fangirl.

Out of Luck (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon