Ch.3: Fools

33 3 0
                                    

Chapter 3: Fools

"OH MY GOD!!!" sigaw ni Jin.

"Ah! S-sorry po! Waah!" tinakpan ni Erra ang mukha niya dahil nahihiya siya. Na-meet niya yung bangtan sa isang awkward situation.

"Who are you?" tanong ni Jin na gulat parin.

"Waah! I'm so sorry! I'm just here to give you this cupcakes--bye!" dahil sa nahihiya na talaga si Erra ay kumaripas siya ng takbo at nadapa sa may sala at kitang kita naman yun ng bangtan kaya sobrang pula na niya nu'n.



"Ano ka ba naman! Ang tange! Ang lampa! Sa lahat talaga huh!! Sa bangtan ka pa nagpapahiya! Jusko!" naikwento na rin ni Erra sa kaibigan ang nangyare kaya't ito si Erza ngayon, pinapagalitan si Erra dahil ang tanga niya raw.

"Grabe ka naman. Kung makalait sa katangahan ko! >3<" nagpout naman si Erra kunwari nasasaktan sa pinagsasabi ng kaibigan. Nandiri naman si Erza at sinapak lang ng unan si Erra. Nandito kasi sila sa salas at nagkukuwento si Erra about nga dun sa bangtan and sa super duper nakakahiyang pagkikita nila.

"Aba! Tange ka naman talaga eh! Putulin ko yang nguso mo eh! Hayst! Alam mo, napakaswerte mo pero napakatanga naman. Grabe naman bhes. Nai-istress na bangs ko sayo!" napaayos naman ng bangs si Erza habang si Erra ay pulang pula pa rin dahil di niya makalimutan yung pagkikita niya, for the 2nd time, sa bangtan kahit napakaewan niya. Lalong lalo na nung nagka-chance siya na makita ng super duper hot Taehyung.

Ahh~~~.. Shucks. Ang hot niya talaga! Hehehehe.

- present day/ d-day -


"Oh? Kamusta?" tanong ng tita ni Erra sakanya pagdating ng pagdating niya sa cafe. Ngingiti ngiti naman si Erra sa tita niya habang umling iling na parang baliw at pumasok na sa may kitchen.


"Loko to ah. Hoy, Erra, kinakausap kita!" napabalik naman sa gawi niya si Erra at bumalik sa tita niya para magkwento.

~

"Why do you hate her so much?" natatawang sabi ni Namjoon kay Taehyung habang nag-aayos silang lahat for their mini concert + fan meeting sa MOA in a few hours. Marunong ng kaunti yung bangtan mag-tagalog but sometimes nag-e-english sila. Matagal na 'tong pinaghandaan ng Hallyu Management about kpop groups in different countries and syempre, pinagpractice ang ilang kpop idols how to speak english or the language talaga na ginagamit sa country na bibisitahin nila.

"She saw what she shouldn't be seeing, hyung! She-- she's just--ugh!!" natawa naman si Namjoon sa reaction ni Taetae. Alam kasi niya na pagnamention ng iba yung babaeng kinaiinisan niya awtomatikong namumula siya sa inis. Nung bagong lipat lang sila at nakita na agad siya ni Erra ay nahihiya siya nito dahil nakita niya ang di dapat makita sakanya pero kalaunan ay mas nairita pa siya rito dahil sa makulit at nalaman niyang fan rin pala siya ng grupo nila. A weird and crazy one.

"You're being too hard on her, Tae. Hahaha! She loves you so much!" nagpipigil pa rin ng tawa si Namjoon habang tinapik tapik ang braso ni Taehyung.

"Yeah, Whatever. Tss." nairita si Taehyung kaya pumunta siya sa taas at humiga muna sa higaan niya.

"Hey, you know, manager's gonna be here any minute from now.. Taehyung!" sigaw ni Jin habang inaayos ang necktie ni Namjoon (oy Namjin <3).

"Alright, hyung!"

"And we'll be having a so-called gig in a famous bar or something tonight so get ready and bring some clothes so we can change immediately." sabi ni Jin at pinagpagan yung polo ni Namjoon habang busy si Namjoon sa cellphone niya at nagse-selfie.

Out of Luck (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon