From: Jin Hyung
Kookie, we went to school first. We tried waking you up but you're still asleep so we decided to head to school first. There's rice and some bibimpap and bread in the dining table. Go eat some. You're gonna be late Jungkook. Be fast.
Tinignan ulit ni Jungkook ang text message na nakuha niya mula kay Jin at sa clock na nasa gilid niya. 7:30 am. Napasabunot nalang siya sa buhok niya. Magkaiba kasi ng schedule sina Jungkook, Jin, Namjoon, Yoongi, Taehyung, Jimin at Hoseok. Maaga pasok nila Jin kaya hinayaan nalang nila si Jungkook na matulog pa kasi 8:30 am pa pasok niya.
"Aiissh!" saad ni Jungkook at bumangon na galing sa pagkakahiga sa kama niya. Lumabas siya sa kwarto niya at bumaba na para kumain bago siya naligo. Nang matapos na siya at ready ng pumasok, umalis na siya sa bahay at ni-lock ang gate at pumunta na sa entrance ng village nila para pumara ng taxi.
Buti nalang din dahil di siya kilala ng taxi driver. Di naman siguro mahilig sa kpop yung taxi driver -__-
Habang papunta na sila sa school, may bigla namang nagbanggaan kaya stuck sila sa traffic. Malapit na sila sa school kaya naman nagpasya si Jungkook na lumakad nalang papunta school.
"Uhh, dito nalang po ako," sabi niya sa taxi driver at bumaba na sa taxi. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Matinding pollution ang sumalubong sakanya kaya tinakpan niya ng panyo ang ilong niya. Nagsimula na siyang lumakad. Habang naglalakad ay napansin niyang may sumusunod sakanya. Huminto siya saglit at tumingin sa likod. May napansin siyang kahina-hinala sa babaeng naka-shades at cap na kunwari'y sinusuri ang malantang bulaklak at parang enjoy na enjoy pa itong tinignan ang bulaklak. Isip ni Jungkook na baka trip lamang ito ng babae kaya naman binalewala na lamang niya ito at nagsimula na ulit lumakad.
Sinusundan pa rin siya nung babae at ang babaeng 'yun ay walang iba kundi si—Annika! Pagkatapos niyang maglasing sa bar ay kinuwento ng manager niya ang kagagahang ginawa niya. Nahiya siya sa pinaggagawa niya kay Jungkook dahil wala talaga siya sa katinuan pag naka inom siya. Mahina kasi alcohol tolerance niya. Sinusundan niya si Jungkook para magsorry and at the same time ay para malaman rin kung saan ito nag-aaral. Ang paalam niya lamang sa manager niya ay may importante siyang gagawin. Naka-disguise naman ito kaya wala namang problema.
Dumadami na ang taong nakasabay maglakad ni Jungkook kaya nahirapan siyang hanapin si Jungkook. Nawala si Jungkook sa paningin niya kaya mas binilisan pa niya ang kanyang paglakad nang may humigit sakanya sa isang sulok at tinakpan ang bibig niya. Sisigaw sana siya pero nagsimula ng magsalita ang nanghigit sakanya.
"Kilala kita eh. Ikaw 'yung babaeng pakipot sa bar!" biglang pahayag ng lalake at nabigla naman siya ng pinaharap siya nito para makita siya ng lalake.
"A-ano? I don't know what you're talking about!" giit ni Annika at nanginging na ang tuhod niya dahil baka saktan siya ng lalake ano mang oras.
"Wag mo akong lokohin! Asan na ngayon yung syota mong pabida huh?" ngumisi naman ito ng nakakaloko dahilan upang manginig pa sa takot si Annika.
Sisigaw na sana ito pero nagulat siya nang may lalakeng humila sakanya papunta sa likod nito at sinabing, "She's with me. I think you got the wrong person. We'll be heading first, Mister. Come on, babe." Natulala naman yung manyak na lalake at pati rin si Annika. Gulat na gulat siya ng malamang niligtas na naman siya ni Jungkook. Hinila siya nito paalis.
"Ay, wait, babe—este Jungkook." Huminto naman si Jungkook at agad na bumitaw galing sa pagkakahawak sa kamay ni Annika. Napanganga naman si Annika ng punasan ni Jungkook ang mga kamay niya sa kanyang panyo.
"Aba! Kung makapunas ka you think may nakakadiring disease ako. FYI, mas malinis pa hands ko compare sayo!" saad naman nito. Tinignan siya ni Jungkook, "Why are you following me, Miss Annika?"
BINABASA MO ANG
Out of Luck (ON HOLD)
FanfictionErra's fave hallyu group is living next door! One step closer on reaching them for Erra! But, wait--there seems to be a problem. Erra's fave among the 7 members dislikes her! What to do? Are all of these happening out of luck? Or is she out of luck...