Chapter 2: A Lucky Fangirl?
Shoot. Shoot. Shoot.
"KYAAAAHH!!!" sabay na sigaw nila Erra at Erza pagdating nang pagdating nila sa bahay ni Erra. Tumalon-talon ulit sila dahil sa nangyari.
"Bhes! Ang swerte mo! Sana pala sinamahan kita! Nakuu!! Mahahabol ko sana sila. Ang bagal mo kasing tumako!" saad ni Erza. Huminto si Erra sa pagtalon at binatukan ang kaibigan niya.
"Gaga ka pala! Yun kaya yung pinakamabilis kong pagtakbo! Tapos i-ju-judge mo ako? Aba! Muntikan ko na silang mahawakan noh! Kung di lang sana ako lalampa-lampa at natalisod ng onti sa may hagdanan!"
"Buti inamin mo! Lampa talaga!" bago pa batukan ni Erra si Erza ay tumakbo na ito papunta kusina habang tumatawa.
"Humanda ka sakin!! Che!" umkyat muna ng kwarto si Erra at nagbihis. Pagkatapos nun ay humiga siya sa kama niya at ngumiti habang inaalala yung nangyari kanina sa airport.
'Di talaga ako makapaniwala!! Ang BANGTAN. Nandito na talaga sa Pinas!! Nalalanghap na nila ang polluted air dito sa Pinas!!!! We're now breathing the same air, oppas!!!!! Omg! Kyaaah!! - isip nito at halatang kinikilig sa mga iniisip niya.
"Hoy, Erra!! Halika na nga dito!! Kumain ka na! Sabay na tayo!" sigaw ni Erza mula sa baba. Napasimangot si Erra dahil sa pag-eepal ng kanyang kaibigan sa kanyang pagde-daydream/pag-iisip. Kadalasan talaga ay sa bahay ni Erra si Erza kumakain ng dinner at minsan rin ay nakikitulog na rin. Kulang nalang ay magsama na sila sa bahay kaso di pinayagan ng parents ni Erza si Erza na tumira sa bahay ng kaibigan dahil wala silang tiwala nito lalong-lalo na na sobrang mahiyain ito. Kahit 'di halata.
Nagkwentuhan lang silang magkakaibigan sa mga nangyari sa airport at pareho silang kinikilig at bakas sa mga mukha nila ang saya dahil sa wakas.. Nandito na ang mga iniidolo nila.
After one week..
"BHEESSSS!!!!!" inis na bumangon si Erra galing sa pagkakahiga sa higaan niya dahil sa sigaw ni Erza. Kung makasigaw naman kasi ang kaibigan niya ay parang may nasusunog sa kapitbahay nila. Which is meron talaga 'coz nag-uumapaw ang hotness ng bago nilang kapitbahay!
"Problema mo ha?!" pasigaw na tanong ni Erra sa kaibigan pagbukas niya ng pinto. Agad namang pumasok si Erza.
Masasapak ko na talaga 'tong babaeng 'to! isip niya habang nagtitimpi.
"Chill ka lang dyan, bespren. Alam ko namang gusto mo akong batukan eh. Hehe. May pandesal ka ba dito?" tanong ng kaibigan niya habang naghahanap ng pandesal sa kusina.
"Lumayas ka nga dito! Kainis! Ginising mo ako ng dahil sa pandesal? Bumili ka ng iyo! Ugh!!!" tumawa lamang si Erza sa sinabi ni Erra habang naiinis parin ito sakanya.
"Ang totoo niyan kasi.. May balita ako tungkol sa bangtan hehehehehe" galing sa inis ay napalitan ng kilig ang nararamdaman ni Erra.
"Kyaah! Ano yun?"
"Teka lang, may peanutbutter ka ba?"
"Papatulan na talaga kita!!"
"'To naman nagbibiro lang eh! Hahaha. Ang aga aga, ang sungit sungit mo! Meron ka noh?"
Napasimangot si Erra, "Ang aga aga rin, sinisira mo umaga ko! Para mabuhayan naman ako, magkwento ka na sa mga lalabs ko! Bilis!"
"Sige na nga. Kainis! Eto kasi 'yun, nasagap ko sa twitter na 3 days daw nag-stay sa isang 'secret' hotel ang bangtan at namasyal daw muna sila in 4 days sa Tagaytay! Bongga talaga! Kaso, di pinaalam para daw mag-enjoy naman yung bangtan! At buti naman talaga na walang sasaeng sa Pinas! Haha." kwento ni Erza sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Out of Luck (ON HOLD)
FanficErra's fave hallyu group is living next door! One step closer on reaching them for Erra! But, wait--there seems to be a problem. Erra's fave among the 7 members dislikes her! What to do? Are all of these happening out of luck? Or is she out of luck...