My Hero 2

28 4 0
                                    

Konnichiwa! For my first follower. PDALeng  <3

Bago ko kasing account to. Kaya walang laman. :D

Anyway, add nyo nalang ako sa fb para friends tayo or message nyo ko.

Happy Reading! 

CinnakiramonStories©

--

My Hero 2

"Hoy bakla! sabi ko kung natapos mo na yung libro?" sigaw ni Amy sakin na niyugyog pa ako. Nakatulala parin kasi ako..

"Walanjo, kanina pa ko nagsasalita dito.  Wala naman pala akong kausap."

"A-Ah eh sor---" di ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang nagsidatingan na yung iba pa naming classmates.

"Yow. Nandito pala kayo. I missed you guys. Muah muah" nakipag beso-beso pa samin ni Amy. Si Belle, ang kikay, sosyal at mahilig sa chika saamin. Kahit naman ganyan sya eh mabait at hindi matapobre, mapagbigay sya. Kung anong pwede nyang i-share ay ise-share nya saamin kahit medyo maarte. Syempre mayaman eh.

"How's your vacation?" she said while sitting beside Amy.

"Masaya naman kahit papaano. Nag beach lang kami." sagot ni Amy habang kumakain ng donut.

"Really? That's cool." excited na sabi ni Belle na nilapit pa ang mukha nya kay Amy, ako naman nagpipigil na ng tawa. Medyo weird kasi talaga tong babaeng to. "Hey Zoe? Ikaw? Bakit parang matamlay ka ata?"

Umiling lang ako at nag-smile sakanya. "Ayos lang ako noh." tipid kong sagot.

"Ano kaba Belle, hindi pa yan maka-move on sa bakasyon. Ayaw pa kasi nyan pumasok." pang-aasar sakin ni Matt. "Gusto lang kasi nyan sa bahay at mag-kulong." at nginitian pa ko ng nakakaloko.

Si Matt, siya naman ang poging NGSB. Ewan ko, inaasar na nga naming bakla eh dahil hanggang ngayon wala pa syang girlfriend o nililigawan at sya ang lagi naming kasama nila Amy at Belle. Pero di naman sya napipikon at sinasakyan lang nya ang pang-aasar namin sakanya. Maputi, matangkad, basta pogi nga kaso parang paminta. (Pa-Men) Hahaha

"Nako tigilan mo nga ko Matt, pektusan kita dyan eh." sabay irap ko sakanya. Pero totoo naman, medyo tinatamad pa talaga ko pumasok dahil ang daming stories, movies, tv series at koreanovela pa ang gusto kong basahin at tapusin.

"Sus. Kunwari kapa, tignan mo nga yang mata mo, ang lalim na. Eyebags mo ang laki-laki." tumabi pa sakin at sinundot pa yung pisngi ko. "Lagi kang nag-pupuyat sa kpop kpop na yan."

"Kpop? 'Di ako mahilig sa Kpop, sa mga koreanovelas lang." irap ko ulit sakanya. Paano naman kaya nya nalalamang puyat ako lagi?

"Sus. Ganun na din yun. Lagi kaya kitang naabutang online sa fb kahit alas-tres hanggang alas-singko na ng umaga."

Ay kaya pala alam na nagpu-puyat ako.

"So? E bakit ikaw, edi gising kapa din ng oras na yun?"

"Okay lang, di naman palagi at baka gising na ko nun. Hahaha.” natatawa nyang sabi at nakahawak pa sa tyan nito.

"K." nagpangalumbaba nalang ako. "K." pamatay kong sagot pag naaasar ako. Pero di naman talaga ako naaasar dahil mahaba naman ang patience ko. Para tumigil narin tong baklang to.

Kroo. Kroo.

Few seconds of silence.

"Namiss kita."

Napatingin lang ako kay Matt. Nakatingin lang sya sa kamay nyang magkadaop na nakapatong sa mesa at nakita kong ang tipid na ngiti nya kahit naka side-view siya.

There Goes My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon