CinnakiramonStories©
--
My Hero 5
Mapapansin mo ba
Kaya ang tulad ko?
Kahit nasa sulok lang,
Ng iyong mga mata..
Mahuli mo kaya,
Ang pag-sulyap sayo..
Kahit na hindi naman ako
Ang iyong kaharap
Oh Chinito. <3
Balang araw ay, malalaman mo rin..
Pakanta-kanta pa ko sa harap ng salamin habang panay din ang silip sa labas mula sa bintana ng kwarto ko. Hinihintay ko kasi si Harvey diba nga susunduin nya ko at sabay kami papasok.
Yehey!
“Hmp! Tagal mo naman Harvey.”
Malamang. Maaga pa kaya. 6:20am palang oh. Ang usapan namin ay 6:30am. Ang aga ko nagising, bukod sa excited ay nahihiya din akong paghintayin si Harvey.
Kanina pa ko kinakabahan at hindi mapakali, kanina pa ko patayo-tayo para silipin ang labas.
Okay. Kalma Zoe.
Naupo muna ko sa kama ko at naghintay pa ng ilang minuto.
Maya-maya ay nag-ring ang phone ko.
Calling...
Harvey
OMG WHERE’S THE GREEN BUTTON???
Natataranta akong sinagot ito agad. Nagpalitan na kami ng numbers namin kagabi, kaya may contact na ako sakanya.
“Uh. Hello?”
“Hey. Good morning. Ready kana?”
Dali-dali akong sumilip sa bintana and poof! Ayun na sya. Naka-uniform sya at hawak ang black helmet nya gamit ang left hand, while his phone on his right hand placing it to his ears.
“Ah. Oo. Oo. Wait. Pababa na ako.”
♫ ♫ ♫
At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako’y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh Chinito...
Chinito...
♫ ♫ ♫
Papunta na kami sa school ko, pinagamit nya sakin ang extra helmet na dala nya. Maingat naman sya mag-drive kaya lang minsan nalulula ako sa bilis. Kaya naman hindi ko maiwasang mapahawak sa balikat nya.
“Kapit ka ng mabuti.”
“Saan? Sa bewang?”
“Ha?”
Hindi nya narinig. Buti naman.
Hahaha. Baliw talaga ko.
“Wala wala.” Kumapit nalang ako sa balikat nya.
BINABASA MO ANG
There Goes My Hero
RomanceSuperman Spiderman Batman Ironman o si Shaider man yan, Alam ko wala kang superpowers at di ka lumilipad tulad nila. Pero sino ka? Makikita pa ba kita o nasa tabi lang pala kita? "Ang pinaka malayong pag-ibig ay hindi long-distance relationship, kun...