My Hero 1

67 4 2
                                    

CinnakiramonStories©

--

My Hero 1

“Bilisan mo pre, baka may makakita satin dito!”

“Oo, patapos na. Heh. siguradong sira ang program at mapapahiya ang mga losers mamaya dito sa school.”

“Maling slideshow ba naman ang maipapalabas nila eh HAHAHA.” nagtawanan ang tatlong lalaki na kung di ako nagkakamali ay mga siraulong IT students na balak isabotahe ang program ng mga ka-department nila. College Week kasi at araw ng mga IT students.

Nakasilip at nakikinig lang ako dito sa may pinto ng lab. May pinapakuha kasi sakin ang prof. ko dito. Pero nakita ko tong tatlong walang magawa sa buhay kundi mambully at manira ng buhay ng estudyante kaya huminto at nakinig muna ko sa usapa---

“Pre, may nakasilip sa pinto!” Lumingon yung isang kumag at nakita ako. Hala takbo na Zoe! Tumakbo na ako agad bago pa sila makalabas. Di naman siguro ako namukhaan pero yari ako neto pag nahuli ako. Malamang ako ang pag-tripan ng mga kumag. Halos magkandarapa akong tumatakbo pababa ng hagdan.

Waa. Mama ko.

Saan ako magtatago neto? Takbo lang ako ng takbo hanggang nakita ko ang admin office.

Binuksan ko ang pinto at YES! Hindi nakalock! Busy kasi ang lahat sa college week, lahat ng staff at faculty. Pero bakit di nakalock to?

Gumilid muna ko sa likod ng pinto pero nakita kong salamin nga pala ang bintana, malamang  makita ako ng mga to. Dali-dali akong gumapang nagtago sa ilalim ng lame---

“Hoy bata! Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito. Labas!”

“Ay palaka ka!”

 Napasigaw at nauntog pa sa desk sa gulat ng may lumabas mula sa c.r na isang lalaking naka-hoody at shades at sinigawan ako.

“Aww.” hinimas ko pa ang ulo ko, sakit kaya, solid ang pagkakauntog ko.

Sino naman kaya to? Sinabihan pa ko ng bata. Hello? Nag-aaral kaya ako dito. Hindi sya pamilyar, o baka di ko lang mamukhaan dahil nakatago sa hoody at shades ang mukha nya. Estudyante ba to dito? Baka isumbong ako, hwag naman sana.

Patay na talaga ko neto.

“Ssshhh.”

 “Hwag ka maingay, please please.” pabulong kong sabi at pagmamakaawa ko sakanya na pinagdikit ko pa ang dalawa kong palad hwag nya lang akong ituro, naririnig ko na kasi yung tatlong kumag sa tapat ng office. Hinahanap na ako. Habang sya ay nagpipigil ng tawa. Aba!

“Dito lang tumakbo yun pre eh.”

“Hwag lang syang papahuli.”

Lalong nanlaki ang mga mata ko ng lumakad palabas yung lalaking nakahoody. “Teka tek---“ wala na, I’m dead now.”

Nagdasal nalang ako na huwag akong isumbong ni kuyang naka-hoody habang nakatago padin sa ilalim ng desk. Infairness, kasya ako ha. Maya-maya’y bumukas ulit yung pinto. Napapikit nalang ako habang papalapit ng papalapit yung yabag ng mga paa patungo sakin.

“Lumabas kana dyan, wala na sila.”

Unti-unti ko munang dinilat yung kaliwang mata ko at nakita kong nakasilip si kuyang naka-hoody sa harap ko at parang pinagtatawanan pa ko.

“H-Hindi nga? Wala na talaga?” paninigurado ko.

“Ayaw mo ata eh, teka tatawagin ko.” Akmang tatayo na sya para tawagin ang mga kumag.

There Goes My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon