CinnakiramonStories©
--
My Hero 6
“Ano bang problema nyan?”
“Bakit di nagsasalita yan?”
“Is he deaf, mute or what?”
“Ewan ko ba dyan.” -.-
Napansin nila Amy at Belle na kanina pa tahimik at hindi umiimik si Matt. Hanggang ngayon kasi di parin ako kinakausap ni Matt simula kaninang umaga. Ewan ko kung galit ba siya o nag-iinarte lang. Di ako sanay ng ganyan sya kaya naman kinulit ko na.
“Uy uy, kausapin mo naman ako.” Starting to poke him.
“Yuhoo. Matty Matts.”
Dedma ah.Tanggalin ko nga yung nakapasak na earphone sa tenga nya!
“Ano ba?!” inis na singhal nya sakin.
Psh. Ang sunget. Ako na nga nakikipag-bati eh.
Nandito kami sa UST (Under the Sampaloc Tree) ang madalas tambayan namin, palipas ng oras at naghihintay para sa last subject. Nakaupo kami sa damuhan habang si Matt nakasandal sa puno at pumikit ulit matapos nyang ibalik sa tenga nya ang hinablot kong earphone.
“Hala. Galit ka talaga? Sorry na nga eh.”
Lord, give me patience.
“Di ako galit.”
“Eh ano? Nagpapakipot?” sinigawan ko siya para marinig nya. “Bakla ka talaga eh no.” sigaw ko ulit sakanya.
Pero joke lang, bulong lang, baka marinig eh.
“Di ako nagpapakipot. Di rin ako bakla.” Nakapikit parin nyang sabi.
Eh? Ang lakas ng pandinig. Araw-araw nanununuli to. Hahaha
Natahimik nalang ako at di na sumagot pa. Naaasar na din kasi ako eh. Napaka-arte. Siya na nga tong sinusuyo eh! Bwisit.
“Hmp! Leshe! Amy, Belle. Alis muna ako!” bulong ko sakanila.
Patayo na sana ako ng biglang hinigit ni Matt yung kamay ko. Grabe, narinig parin nya yun?
“O magwo-walk-out ka nanaman?”
“Tse! Bitawan mo nga ko!”
“Ikaw naman ngayon ang mag-iinarte?” sabay tawa.
Napaupo ako sa pag-kakahila nya sakin, kaya naman magkatabi na kami. Oo, ako naman ang mag-iinarte. Hmp.
“Anong nakakatawa?” pagtataray ko.
“Ikaw. Nakakatawa kasi mukha mo. HAHAHA.”
“O. Talaga?” di parin nya ako binibitawan.
“Oo. Kala mo di ko naririnig pinagsasasabi mo ah.”
“Edi ikaw na walang tutuli.”
“Psh. Here.” Nilagay naman nya yung earphone nya sa left ear ko. Hinihintay kong may mag-play na music pero wala.
“Ano to? Bakit walang tumutugtog?”
“Malamang! Hindi naka-play!” pinakita naman nya sakin ang phone nya at naka-pause nga ito. Ibig sabihin, kaya nya pala naririnig kasi wala naman syang pinapakinggan na music.
“Tch. Oh!” tinanggal ko naman ang earphone sa tenga ko at binalibag to sakanya.
“Hahaha. Halika nga dito.” Bigla naman nya akong inakbayan ng pagkahigpit-higpit kaya naman nakasubsob na ko sa dibdib nya.
BINABASA MO ANG
There Goes My Hero
Storie d'amoreSuperman Spiderman Batman Ironman o si Shaider man yan, Alam ko wala kang superpowers at di ka lumilipad tulad nila. Pero sino ka? Makikita pa ba kita o nasa tabi lang pala kita? "Ang pinaka malayong pag-ibig ay hindi long-distance relationship, kun...