Ate Jen <3
CinnakiramonStories©
--
My Hero 4
Ganun na din ang ginawa naming tatlo habang si Belle tinatawagan na yung sundo nya. Sosyal ‘no? Kami commute lang. Nauna na din sya umalis samin dahil may sundo nga sya. Though si Matt may car na naka-tengga lang sa bahay nila, mas gusto pa nya mag-commute. Sabi nga nya, “Para saan pa, ang lapit lapit lang.” Di rin naman sya maarte.
Magdidilim na nung makalabas kami ng mall. Dito kami lumabas sa main, dahil may binili si Matt banda dun. Waa. Ang taas pa naman ng hagdan dito paakyat sa sakayan.
Tumpak! May naisip ako! Mwehehe. *evilsmile*
“Uy, beks? Pasan mo ko!” hinila ko yung t-shirt ni Matt para huminto sya, hahakbang na sana sa hagdan. Habang si Amy di namalayang huminto kami dahil busy sa katetext.
“Huh? Ano ka chiks?” at binigyan ako ng ang-kapal-mo-din-eh-no-look.
“Bilis na! Di naman tayo madalas dumadaan dito eh, kasalanan mo din yan.” ako pa galit. Mwehehe
“O sige sige. Sampa na.” tumalikod lang sya sakin.
“Eh umupo ka. Di ko abot." Malamang. Hiyang-hiya naman ako sa height ko diba?
“Patangkad ka kasi. He-he” bulong nya sabay umupo na sya habang tumatawa.
“Yabang!” Hinampas ko tuloy sya sa likod.
“Aw. He-he.”
“Bumoboses kapa e.” pumasan na rin ako sa likod nya.
“Ok na? Kapit ka ng mabuti.” Tumayo na sya at pasan na ako.
”U-uhm.” Nangiti nalang ako. Madalas naman ako pinapasan ni Matt kahit sa school. Wala lang, pag trip ko lang at trip nya. Di naman ako mabigat kaya di naman sya umaangal. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao. So what? Para lang kaming mag-kapatid ni Matt. Si Amy naman tawa lang ng tawa dahil nakikita nyang hinihingal na si Matt paakyat. Kahit ako natatawa na din. Hihi magkadikit pa ang mga pisngi namin, ang bango naman neto ni Matt. Kinikilig pa ko habang umaakyat kami. Huluu. Erase erase!
“Zoe Ann! Ang bigat mo na! Kain ka lang siguro ng kain nung bakasyon no?” reklamo sakin ni Matt na hinihingal padin. Hawak nya ang kamay ko dahil patawid na kami sa sakayan. Parang anak nya lang? Hehe baby pa talaga ako. Hawak ko din naman sa kamay si Amy sa kaliwa ko, si Matt sa kanan ko, para pag may humarurot na sasakyan, si Matt ang unang masasagasaan. Hahaha
“Masarap kumain e. He-he” nagkwentuhan at nagkulitan lang kami habang naghihintay ng bus, medyo matagal pa naman dumating yun. Ako ang pinaka-malayo ang bahay samin. Si Amy at Matt, malapit lang sa school ang bahay. Pero hinahatid at hinihintay muna nila akong makasakay bago sila umuwi. Bait nila no? Syempre. We’re best of friends.
“Ayan may bus na!” natatanaw ko na kahit malayo. Ikaw ba naman araw-araw sumaky ng bus, di mo makabisado itsura ng sinasakyan mo?
“Ingat kayo. Matt ihatid mo si Amy ha!” lagi kong bilin bago kami maghiwa-hiwalay.
“Yes Ma’am.” Ikaw din, mag-iingat. Text me pag nakauwi kana.” he said with a serious look.
“Wala akong load.” ngumisi lang ako sakanya.
“Edi magpa-load ka.” magsasalita pa sana ako “Message me sa fb nalang, okay?”
“Yes Sir!” at nag-salute pa ko sakanya.
Pinara nya na yung bus, baka lumagpas pa eh. Sya ang taga-harang. Sya ang nakikipag patintero sa mga sasakyan makasakay lang ako.
Nakasakay na ko sa bus pauwi. Salamat naman at wala masyadong pasahero dahil maaga pa at di pa rush hour, nakaupo din ako agad. Kinuha ko agad yung phone ko sa bag at tinext sila Amy.
BINABASA MO ANG
There Goes My Hero
RomanceSuperman Spiderman Batman Ironman o si Shaider man yan, Alam ko wala kang superpowers at di ka lumilipad tulad nila. Pero sino ka? Makikita pa ba kita o nasa tabi lang pala kita? "Ang pinaka malayong pag-ibig ay hindi long-distance relationship, kun...