PROLOGUE

84 4 2
                                    

BESTFRIEND? Yan yung taong palaging nandiyan sa hirap man o ginhawa. Yan yung taong laging kasama mo sa kalokohan o kalungkutan. Siya yung taong laging nagpapasaya sayo. Yung taong hindi kompleto buo mong pagkatao kung wala siya.

Pero paano kung yung taong tinuturing mong BESTFRIEND ay hindi lang bestfriend ang turing mo? Will you take the risks to fight for your feelings or you will just keep this forever?

Palagi naman diba? Mahuhulog talaga yung isa sa bestfriend nya, pero sinubukan mo namang labanan diba? Sinubukan mong limutin ang iyong nararamdaman kasi nga natatakot kang "masira" ang inyong "samahan."

Maraming "what ifs" agad ang papasok sa isip mo. What if masira friendship nyo? What if lumayo siya? What if ayaw na nya akong kasama? What if hindi nya rin kayang suklian yong nararamdaman ko para sa kanya? What if may mahal na pala siyang iba?

Yan yung mga tanong na pilit tumatatak saking isipan. Pero wala eh, nahulog na'ko.  At mahirap ng bumangon pa.

Pero masakit pala no? Yung harap'harapan yung pagmamahalan nila nong "mahal" niya, at ikaw tong si masokista, titig na titig pa kahit sobrang sakit na.

Nakita mo kung paano siya unang umiyak dahil iniwan siya ng unang babaeng minahal niya. Pero hindi nya alam na sa bawat luha na ibinuhos niya ay siyang sakit din ng iyong nadarama.

Sinubukan mong humanap ng iba pero wala talaga. Siya at siya pa rin talaga ang hanap ng puso't isipan mo. Na kahit nasasaktan kana ng patago ay hindi nya pa rin nagawang makita na NAHIHIRAPAN at NASASAKTAN ka. Ganon ba siya kamanhid?

O, hindi ka lang talaga niya mahal at ang turing lang niya sayo ay isang lintik na BESTFRIEND?

"Tigil na, parang awa mo na. Ang sakit na. Tang'na!" sabi mo sa isip mo. Pero ito ang sagot ng puso mo "Sige pa, mahal mo diba? Paano kung mahal ka rin pala niya? Ipadama mo lang sa kanya na karapat'dapat kang mahalin. Kayanin mo pa." tang'ina diba? Ba't magkasalungat sila?!

At ulit, sinubukan kong ipadama sa kanya. Pero wala talaga! May mahal na naman siyang iba. At ako na naman tong si TANGA, lumalaban pa. Mahal ko nga diba? :(

Kakayanin ko pa ba? O titigil na'ko sa katangahang ito?

Dito na magsisimula ang storya ko...

--------------------------------------------------------------------------------------

This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission. 



My Bestfriend, My ForeverWhere stories live. Discover now