MBMF 3

46 4 0
                                    

Aundrey's POV

Maaga akong nagising para puntahan ang bahay nila Jazz, parati naman eh. Tulog mantika kasi yun, kaya nasanay na ginigising ni Tita.

May dala na naman akong bulaklak para kay Ann. Ewan ko nga kay Ann bakit hindi niya tinatanggap yung bulaklak, gwapo naman ako ah. Sabi nga ng Mama ko, maraming babae raw ang hahabol sa'kin. Namana ko raw kasi yung kagwapohan ko sa Papa ko. *pogi pose

"Tita, gising na po ba si Jazz?" tanong ko kay Tita sabay upo sa sofa nila Jazz

"Teka lang Aundrey, gigisingin ko. Baka nagpuyat na naman yun kagabi. Palagi namang late yung magigising diba? Nakung bata talaga yon." sabi ni Tita sabay akyat papuntang kwarto ni Jazz.

Ano kayang gagawin ko para mapa'OO ko si Ann? Nong una kasi nagagandahan lang ako sa kanya, marami naman talagang nagkakagusto sa kanya. Maganda kasi si Ann, tapos matalino pa. Di ko talaga magawang mawala siya sa isipan ko. Nong grade 6 kasi schoolmate namin ni Jazz si Ann tapos palaging loner lang yon. Ewan ko nga ba kung bakit andaming friends na ni Ann ngayon.

"Oh panot, may dala ka na namang bulaklak? Nagsasayang ka lang talaga ng pera. Tsk" bungad ni Jazz sakin habang pababa siya.

Ba't ba ang bitter ng babae na'to pag si Ann ang pinag'uusapan? Iisipin ko na talang nagseselos to kay Ann eh.

"Maghintay ka lang Jazz, mapapa'oo ko si  Ann ngayon. Alam kong gusto rin ako non! Ako pa?!" sabi ko kay Jazz.

"Bahala ka nga. Basta sinabihan na kita. Wala kang mapapala ron. Dahil kung gusto ka niya hindi na niya tatanggihan yung araw-araw ng bulaklak na binibigay mo. Pero wala diba?  Walang epek yung suyo chuchu mo." sabi ni Jazz sabay kain ng sandwich na may nutella na gawa ni Tita. Antakaw talaga.

"Bahala ka nga Jazz, basta ako sure ako na sasagutin ako ni Ann mamaya. Diba alam mo naman na matagal ko na siyang gusto? Simula nong grade 6 palang tayo crush ko na siya." sabi ko sabay balik tanaw sa mga alaala dati.

Kung saan parati kong sinnusundan si Ann ng palihim papuntang library, mahilig kasi sa libro si Ann. At yung mga tawa niya, parati ko lang nakikita. At sabi ko sa isip ko na "pagdating ng araw, ako rin ang magiging dahilan ng mga tawang iyan." tinamaan na nga yata ako.

Nagpaalam na kami kay Tita at sabay kaming naglakad ni Jazz patungong skwelahan.

Agad na hinanap ko si Ann para maibigay tong bulaklak na dala ko, at yon nandon siya sa labas ng room namin. Siguro hinihintay nya yung kaibigan niya.

"Ann, flowers for you." sabay bigay ko sa kanya at palihim na nagdadasal na sana tanggapin na niya ito.

Tinanggap niya, YES! "Aundrey, hindi ka pa ba nagsasawang bigyan ako ng bulaklak araw-araw?" cold na sabi ni Ann sakin.

"Hinding-hindi ako magsasawang bigyan ka ng bulaklak araw-araw Ann, alam mo naman diba kung bakit binibigyan kita ng bulaklak? Kasi gusto kita, at sana gusto mo rin ako." maligayang sabi ko kay Ann.

"Pwes ako NAGSASAWA na!!! Alam mo namang hindi kita GUSTO diba? Sinabihan na kita noon pa na MAY IBA AKONG GUSTO?! Pero patuloy mo pa rin akong binibigyan ng bulaklak! Ayan tuloy lumayo si Jay! Tigilan mo na nga ako Aundrey! Hinding-hindi kita magugustuhan!" sabi nya sabay bigay ng ulit ng bulaklak sakin.

Parang may karayom na tumusok sa dibdib ko, this is my first time na mapahiya sa maraming tao. Pinahiya ako ng taong gusto ko. Pinahiya ako ng babaeng unang minahal ko.

Nagsimula akong maglakad habang bitbit ko pa rin yung bulaklak. Hindi ko alam pero nakakabakla mang sabihin, nasaktan ako sa mga sinabi niya.

My Bestfriend, My ForeverWhere stories live. Discover now