Jazzy's POV
"Ano ba panot! Umayos ka nga! Tapakan ko yang selpon mo eh!" iritado kong sabi.
Linggo po ngayon at heto po kami nagre'ready para sa presentation namin BUKAS! Kakainis lang, hindi niya siniseryoso tong practice na'to! Aaminin ko maganda naman talaga ang boses ni Panot, hindi man pang singing contest pero okay na.
"Eto na nga diba? Ilalagay ko na." this time inilagay na niya yung phone niya sa ibabaw ng mesa.
"From the start nga tayo! Kanina pa tayo pa'ulit2 sa kantang to!" hays.
"Okay tabachingching, wag ng magalit. Okay?" Sige pa, pa'cute ka pa! Hmmmp!
Ang napili naming kantahin ay yung "Til' I met you" yung version ng Jadine. Pinag'awayan pa nga to namin eh, kesyo raw hindi bagay sa tinig ng boses ko yung kanta, kaya ayun! Nakatanggap ng isang malutong na sapak! Tsss
"Pag'ikaw nagkamali, wala kang SNACKS!" pagbabanta ko sa kanya!
Pagkatapos naming practisin yung kanta ay dumating naman si Mudra at nagdala ng miryenda.
"Wag nga kayong masyadong ma'pressure, akala mo naman sasali kayo ng singing contest. Presentation niyo lang naman 'yan." Mudra said sarcastically.
"Heh! Kahit na Mudra! Kailangang maayos ang presentation namin bukas! Nakakahiya kaya, diba Drey?" baling ko kay Drey.
"Oo naman Tita, kailangang maayos yung pagkakakanta namin. Alam niyo naman po ang tinig ng anak niyo, baka magkamali."
"NILALAIT MO BA'KO PANOT?!" Grabe siya ha!
"'to naman Jazz oh, di mabiro! Tsss" sabay kuha ng pandesal sa lamesa.
Ewan ko sa'yo Drey! Heto na naman po siya, ano bang meron sa phone niya?!
Inagaw ko sa kanya yung phone niya, "Ano ba Jazz! Ibalik mo nga sakin yan, may ka'text ako!" galit siya? Tsss
"Pabasa ako." sabay tingin sa phone niya na nasa kamay ko.
Binuksan ko yung message niya at heto lang naman po ang lumantad:
Rhea: Kumain ka na babe?
Jane: Goodluck sa practice bae!
Ara: Ingat always Drey, iloveyou!
Jam: Do you need my help baby?
Sheena: Matutuloy ba tayo later baby?
Wow! Heto pala yung kinabi'busyhan niya! Langyang mga chix na'to!
"Andami ata ng MGA babae mo panot?" nagtitimpi lang ako sa selos ko.
Wala naman akong karapatan diba?
"Mga babae ko." at tuluyan na niyang naagaw ang phone niya.
Proud pa talaga siya huh? Kainissss!!! Heto yung kinakatakutan ko eh, yung babalik na naman siya sa pagiging CHIXBOY niya! Ganitong-ganito siya nong Second Year namin eh! Hindi nauubusan ng mga BABAE!
"Ganyan ka ka'proud na pinagsabay-sabay mo sila?" kumuha nalang ako ng pandesal at kinain 'to.
"Sila naman yung habol nang habol sakin Jazz. I alreayd told them that I dont want to enter a RS but they insist." Just WOW!
Okay. Its his life, and I cant do anything about it.
Nagseselos ako. Nasasaktan ako. Text message pa lang yon, pano na kung harapan?
"Okay. Akyat muna ako panot, medyo masakit ulo ko. Pagkatapos mong kumain jan, pwede ka ng umalis. I know that you're tired and your GIRLS are waiting for you to text them back." I said and left him.
![](https://img.wattpad.com/cover/57305543-288-k619353.jpg)
YOU ARE READING
My Bestfriend, My Forever
Teen Fiction"Wala akong karapatang MAGSELOS. Wala akong karapatang MAGALIT. Wala akong karapatang MASAKTAN. At higit sa lahat wala akong KARAPATANG mahalin ka. Isang HAMAK NA BESTFRIEND MO LANG NAMAN AKO DIBA?!" -Jazzy Devlin Mahal na mahal ni Jazzy si Aundrey...