Jazzy's POV
Nasasaktan ako na kinikilig. Nasasaktan dahil yung paraan ng PAGTITIG ni Dery kay Ashly ay nakakainggit. Kinikilig dahil don sa kanta. Andon nako eh, akala ko "Masayang-masaya si Drey, dahil nagtagumpay kami sa pagkanta, walang sabit." Akala ko lang pala, tsk.
The way he stare and smiled at me, dmn! Why so cute Drey? (Tumigil ka sa kakaasa jan Jazzy) Heh!
Pagkatapos nong presentation ay nagyaya si Drey na sabay raw kaming kakain sa canteen, at ako tong si super exzoyyyteeed. Na akala ko kami lang dalawa, hindi pala. May Joshua at Ashly pang epal na sasama! Tsk
"Anong gusto mo Jazz?" tanong sakin ni Drey.
Hindi pinapansin ni Drey si Ashly pero base on his reaction, ayaw niyang makausap nor makita ito. Alam niyo naman siguro bat sumama si Ashly diba? Dahil sasama si Joshua! Mahal niya diba?! Tsk. At ewan ko ba kung bat nandito yang asungot na'yan kainis, moment na sana namin to eh! Kainis!
"Yun pa rin Drey, wag na wag mong kalimutan yong sandwich na may nutella kundi may sapak kang matatanggap!" *snob
"Yun pa ba? Haha okay-okay." sabay alis papuntang tindahan.
Naiwan kaming tatlo, ako, Joshua, at Ashly. Anong akala nila ililibre sila ni Drey? Tsk
"Hindi pa ba kaayo bibili?" tanong ko sa dalawa.
"Joshua, hindi mo ba akong tatanungin anong gusto ko?" masaya/malanding sabi ni Ashly. Tsk
Tumawa si Joshua, parang abnormal lang. Heh
"Bakit, ikaw naman ang sumama ah. Hindi kita niyaya." BULLS EYE! HAHA
"Ehhh, sige na. May pera ako pero ikaw nalang ang bumili." Sabay kuha ng pera sa bag niya.
Napa "Tsk" si Asungot, "Wag na, ako na. Ano bang gusto mong kainin?"
"Kahit ano na lang, tutal ikaw naman ang bibili." *sweet smiles.
"Ahh, okay."
So kami nalang dalawa? Hmmmm, ayaw ko siyang kausapin. Una, ayaw ko sa kanya. Sinaktan niya si Drey, at ako ang mas nasasaktan. Pangalawa, parang iba pa rin ang titig ni Drey sa kanya. Kaya ayaw ko sa kanya, NAGSESELOS AKO!!!
"So Jazzy, hanggang ngayon ba naman ba hindi mo pa rin nasasabi kay Drey na CRUSH ay mali pala, na MAHAL mo siya?" *Evil smile.
"Anong mahal? Mahal ang BIGAS kamo. San mo naman nakuha yan, aber?"
Tumawa lang si Ashly, may topak ba'tong babaeng ito? Tsk
"Deny pa more, the way you stare at him earlier. Huli cam!" blahblahblah.
And then?
"Anong pakialam mo? Hindi mo naman siya gusto diba? At ikaw, bat mo pinagtutulakan ang sarili mo sa taong HINDI KA GUSTO?"
"Wala ka ng paki don. Hindi ka rin naman gusto ni Drey ah? Truthslap" sabay smirk niya.
Natamaan ako don ah, tama naman siya. Ba't masakit? Masakit dahil alam ng ibang tao na MAHAL ko siya pero Drey didnt noticed it? Masakit dahil TOTOO namang hindi ako MAHAL ni Drey? :(
"Ang seryoso ata ng pinag-uusapan niyo ah." Don lang ako nabalik sa aking sarili nong umupo sa tabi ko si Drey na may dalang pagkain.
"Thankyou." sabi ko kay Drey.
Hindi ako sumabay sa usapan nila. Nawalan ako ng gana eh. Kainis yung Ashly na'yon!!!
"Joshua, sasabay ulit ako sayo ah?" rinig kong sabi ni Ashly kay Joshua.
"Wala ba kayong kotse Ashly? Meron naman ah? At tsaka may gagawin ako mamaya." sagot ni Joshua.
"Pls? (puppy eyes)"
"We'll see."
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Drey, heto na naman po tayo. Why so bitter panot? Tsk
"Nice performance pare! At ikaw Jazzy, ngayon ko lang nalaman na maganda rin pala boses mo?" loko-loko to ah!
Umirap ako sabay sabi ng "Makapanglait ka, akala mo ang ganda-ganda ng boses mo ah. Shut up Asungot!" tatayo na sana ako pero hinila ako paupo ni Drey.
"Ayan ka na naman Jazz, ang init ng ulo mo." mahinahong sabi ni Drey sakin.
"Kasi yang kaibigan mo eh! Kala mo sinong gwapo at maganda ang boses, hindi naman! Tsk." ihateyou.
"Crush mo nga ako eh hahahahaah." pabirong sabi ni Joshua.
"WHAAAAT?!" sigaw ko.
"Tumigil nga kayong dalawa, at wag kang sumigaw Ashly!" sabi ni Drey, oh nandito pa pala siya? Akala ko wala eh heh.
"Selos ka lang eh hahaha." mahina kong sabi.
"Ano Jazzy?!" ayan na, galit na si bruha haha.
"Nevermind. Uwi na'ko Drey. Sama ka?" sabay tayo ko.
Tapos na rin naman akong kumain, gusto ko na lang matulog sa bahay!
"Hmm, mamaya pa ako uuwi eh. Pakisabi nalang kay Tita na nangungumusta si Mama sa kanya." sabi ni Drey.
"Kdot."
Pauwi na ako ng may humintong sasakyan sa harapan ko. Sino na naman kaya 'to? Wala naman akong atraso ah.
"Jazzy." ahhh si Bruha pala.
"Anong sadya mo?" cool kong tanong.
Ang lungkot ng mukha ni Bruha, anyare kaya dito? Hmmm, naawa tuloy ako.
"Gusto mo rin ba siya?"
Sino? Sa pagkaka-alala ko isang tao lang mahal ko ah, at yon ay si Drey. Anong problema ng bruhang 'to?
"Sino?"
"Wag ka ng mag'maang-maangan Jazzy, isang tanong isang sagot. Do you like him?"
Eh bupols pala tong babaeng to eh! Sinong tinutukoy niya?!
"Si Joshua ba ang tinutukoy mo?!" kainis ah
Nagulat siya sa sinabi ko, may multo ba? Kunting kalabit nalang sa babaeng to baka iiyak na'to. Kawawa naman
"Siya nga, gusto mo rin ba siya? I thaught you loved Aundrey?"
Asan na yung matapang na Ashly? Asan na yung bruhang Ashly? Parang hindi siya ito ah? Matapang na tigre to maamong pusa? Posible pala 'yon? -.-
"Kung iyan ang ikinapuputok ng butse mo diyan pwes makinig ka! HINDI KO SIYA GUSTO! MAY IBA AKONG GUSTO AT ALAM KONG ALAM MO KUNG SINO SIYA. Kaya pls, umalis ka na sa harapan ko. Uuwi na ako. Ang arte-arte mo, iiyakan mo yung taong hindi ka gusto? Sayang ang ganda mo bes!"
There!Nag'burst out na'ko. Kainis kasi eh. Selos ng selos, WALA NAMAN SA LUGAR. (Pareho lang kayo.) Shadap author!
"Masakit kasi Jazzy. Alam kong naranasan mo na rin to. Mahal ko siya pero hindi niya kayang suklian yung pagmamahal ko sa kanya." matamlay niyang sabi.
"Tsk. Yan kasi, may taong nagmamahal sayo sinaktan mo, at mahal mo yung taong hindi ka man lang gusto?" maldita mode on na'to. Kailangan masabihan tong babae na'to! Para naman maramdaman din niya yung nararamdaman ko.
"Kung sinagot ko ba siya hindi ka ba IIYAK? Masasaktan? Magagalit? Matapang lang ako sa harap ng maraming tao, pero believe me or not. Natatakot lang din naman akong masaktan." sabay sakay sa kotse niya at umalis.
WOW. Ang impaktang si Ashly marunong matakot masaktan? Well, tayo namang lahat diba? Natatakot masaktan. Tsk
BAT KAYA GANYAN TAYONG MGA TAO NO? MAHAL NATIN ANG TAONG HINDI KAYANG SUKLIAN ANG PAGMAMAHAL NATIN. BINABALEWALA NATIN ANG TAONG WALANG IBANG GINAWA KUNDI MAHALIN TAYO. *SIGH
![](https://img.wattpad.com/cover/57305543-288-k619353.jpg)
YOU ARE READING
My Bestfriend, My Forever
Teen Fiction"Wala akong karapatang MAGSELOS. Wala akong karapatang MAGALIT. Wala akong karapatang MASAKTAN. At higit sa lahat wala akong KARAPATANG mahalin ka. Isang HAMAK NA BESTFRIEND MO LANG NAMAN AKO DIBA?!" -Jazzy Devlin Mahal na mahal ni Jazzy si Aundrey...