AHM 7 - The way he did

2.9K 54 16
                                    

Flashbacks po yung naka Italic ;) Pero POV parin yan ni Denise okeh? Enjoy reading!

----
The way he did

"Hiro! Laro naman tayo sa park nito oh." Denise ran towards him with her doll house.

The boy just pouted and ignored her instead. Patuloy lang ito na naglalaro ng kanyang PSP na niregalo pa sakanya nito nung ika-8 taon niyang kaarawan. Sa kasalukuyan ay nasa sampung taon gulang na siya. Habang si Denise naman ay nasa walong taon gulang palang.

"Ayoko niyan. Pambabae naman yan eh, saka ayan mga kalaro mo oh dun ka makipaglaro."

"Eh ayoko sakanila Hiro. Sinisira lang nila mga gamit ko eh. Dali na kasi."

Hindi nito alam ang lihim na pagtingin sakanya ni Denise. Magkaibigan ang kanilang mga magulang kaya't lumaki din silang magkaibigan pero lagi lamang ito sinusungitan ng batang lalaki.

'Napakakulit naman nito.' bulong ng batang lalaki sa isip niya. Lagi kasi siyang iniistorbo at madalas siya na niyaya nito sa kung saan saan.

"Bakit ba ang kulit mo? May ginagawa ako dito. Saka ayaw kitang kalaro kaya dun kana nga."

Nalungkot naman bigla si Denise kaya wala ng nagawa ito kundi umalis. Nakita ni Hiro kung paano tumalikod si Denise, kaya hindi niya maiwasang di makonsensya. Napahinga nalang siya ng malalim bago magsalita. Ayaw man niyang aminin pero 'di nya nagugustuhan pag nalulungkot si Denise.

"Sge na nga. Tara na dito, dalian mo naman maglakad. Tss bagal eh." Labis ang tuwa ni Denise ng pagbigyan siyang makipaglaro dito. Kahit sa murang edad ay di nya ring maiwasang hindi kiligin.

Habang naglalakad sila sa kalsada papuntang park ay hindi batid ng dalawang bata ang paparating na sasakyan. Busy'ng busy si Denise sa pagkalikot ng kanyang doll house nang biglang maaninag ni Hiro ang sasakyan na papalapit sakanila.

"Denise!"

Napatili si Denise at nabitawan nya ang kanyang laruan. Agad namang niyakap ni Hiro si Denise at tinulak ito sa gilid. Pero dahil sa bilis ng pangyayari, ay hindi nakaiwas si Hiro at nabangga siya. Tumakbo agad si Denise kay Hiro na wala ng malay, iyak ito ng iyak.

"Hiro gumising ka!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Panaginip lang pala lahat. Pero teka, sino naman yung Hiro? Hindi ko siya matandaan. Napailing nalang ako at tinignan ang orasan sa side table. Shocks, 3:05 palang pala ng umaga? Napahawak ako sa ulo kong pumipintig sa sakit. Epekto siguro 'to sa kakaiyak kagabi. Ugh, ayoko nalang alalahanin yun. Kaya pinili ko nalang pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Habang kumukuha ako ng tubig sa ref ay may narinig akong kakaibang tunog. Napakunot ang noo ko. Ganito kaaga ay may umuungol? I don't know pero kusang gumalaw yung mga paa ko papunta sa kwarto ni Hewbert.

Kabadong kabado ako sa paghakbang. Pero mas naging kabado ako ng marinig ko ng mas malinaw yung ungol. Napatakip ako sa bibig at pipihitin na sana yung pinto nang may biglang yumakap sakin sa likod. Naudlot yung tili ko ng tinakpan niya yung bibig ko. May magnanakaw!

"Sshh Denise. Wag kang maingay baka mahuli tayo." Bulong sakin nung lalaki na pamilyar ang boses. Pero may ideya na ko kung sino.

"Soul? Anong ginagawa mo dito?"

"Tss. Stupid. Mamaya na ko magpapaliwanag." Inakbayan nya ko at tahimik kaming pumunta sa kwarto ko. Sinara nya yung pinto tapos ni-lock.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa katawan. Ako at si Soul lang ang nandito tapos ni-lock nya pa yung pinto. May balak ba tong pagsamantalahan ako? Oh ghad. Kung alam ko lang na may pagka manyakis pala 'to edi sana sinabi ko na kay Ma-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Hurtful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon