AHM 2 - Stranger

3.2K 45 4
                                    

-----------

Stranger


DENISE' POV

Time check: 05:30pm

"We're ready. Opo sige po.. Ingat kayo. Bye," He hanged up. At humarap sya sakin.

Tumawag kasi ang mommy nya sakanya, at hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila.

"Ready youself. Padating na daw sila." Naiirita nyang sabi ng may parang napansin siyang iba sakin. I looked at the mirror. Wala namang kakaiba pero bakit ganyan sya makatingin? Parang naiirita sya sa ayos ko ngayon.

"God Denise! Can't you atleast put some make up on your face? You look so plain, you almost look like a maid! Tch. Hindi mo ba napapansin yun?"

Tagos sa buto ko ang sinabi nya. Totoo naman na hindi ako naglagay ng make up dahil hindi ko naman hilig maglagay ng kung anu-ano sa mukha ko. I just want to appear simple not plain.

Ganun na ba talaga ang tingin nya sakin? Asawa nya ko pero pakiramdam ko pag tumabi nga ako sa kanya magmumukang maid ang itsura ko. Hindi naman ako fashionista. Hindi ako magaling pagdating sa fashion pero hindi naman ako baduy.

"S-sorry Hewbert. M-maglalagay nalang ako." Nakayuko kong sabi. Ayokong makita ko sa mga mata nya ang lahat ng galit nya sakin.

"Tsk. You must Denise! Hindi lang basta basta ang mga dadating. Kundi ang mga magulang natin! Kaya ayusin mo yang sarili mo. Wag mo ko ipapahiya, always remember that!"

Naglakad na sya palayo at binalibag ng malakas ang pinto.

Pagkatapos nun. Saka lang ako napaiyak.

Nagiging iyakin na talaga ako. And I hate it. Wala atang araw na hindi ako umiyak e. Ang sakit niya magsalita. Lagi nalang siyang ganito. Ano bang kinagagalit nya sakin? Bakit ba ganun nya ko tratuhin? Napatakip nalang ako sa mukha ko.

'Denise ayos lang yan. Mahal mo naman eh' Sabi ng loob ko.

Yun nga. Mahal ko sya kaya hindi ko magawang magalit sakanya. Hanggang kailan ko kaya panghahawakan ang salitang 'mahal ko sya' kung ako lang pala ang nagmamahal saming dalawa.

I stopped thinking. Ayoko magmukang mahina. Pipilitin kong ngumiti kahit na nasasaktan na ako. Kaya naman pinunasan ko agad ang mga luha na bumabagsak sa mga mata ko. At nag-umpisa na kong mag-ayos. Ayokong ipahiya si Hewbert kaya kailangan maayos at elegante akong tignan.

——●

It's 05:58. Im still here in my room.  At todo na ang kaba na naiipon sa dibdib ko. Yung feeling na halos hindi ka na makahinga dahil na-oocupy na ng hangin ang dibdib mo. Ganun ang sitwasyon ko ngayon. Sabi kasi ni Hewbert kanina na around 6:00 daw dadating ang pamilya para pagsaluhan ang kasal, dahil nga sa wakas naikasal narin kami.

Maya maya lang ay may narinig na kong kumatok.

"DENISE! WALA KA BANG BALAK BUKSAN YUNG PINTO?!" Sigaw ni Hewbert sa baba.

Busy siguro sya sa paper works nya. Lately kasi puro papeles ang hawak nya, nakita ko ding maraming papers ang nakalagay sa table nya. Kawawa naman ang asawa ko, masyado nang na-iistress sa mga papers works na yan.

"Oo pababa na ko Hewbert! M-may ginawa lang ako saglit" Sigaw ko din sakanya.

Bumaba na ko sa sala para buksan ang pintuan. Inayos ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim.

A Hurtful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon