-----
A GuyDenise's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari samin dalawa ni Hewbert. Isang linggo na din nya akong di pinapansin, o kinakausap, kakausapin nya lang ako pag may itatanong ako at kung may kailangan sya. Di naman dapat ipagtaka pa yun eh, kasi alam ko naman na galit na galit sya sakin at sanay na naman din ako.
At halos isang linggo ko nading hindi kinakausap si Ashton, minsan na syang nagpunta sa Bar kung saan nandun din ako. Sinubukan kong iwasan sya dahil ayoko munang makita sya, ayoko munang magkausap kami, dahil nadin dun sa sinabi ni Hewbert sakin.
Yung nangyari samin ni Mom and Dad dahil dun sa parents ni Hewbert; na walang ginawa kundi magsalita ng kasinungalingan. Hindi din nagtagal at pinatawad agad nila ako at sinabing wag na daw sanang maulit yung ganon.
Hindi ko na dinepensahan ang sarili ko na hindi totoo ang mga paratang sakin ng mga magulang ni Hewbert dahil alam kong hindi din ako paniniwalaan.
"Denise iha, ang aga mo ata ngayon? May pupuntahan ka ba?" Agad na sumalubong sakin si Manang Rita na naka-apron pagbaba ko ng hagdan.
At oo may kasambahay na kami, marami kasing gawain at hindi ko yun kaya ng ako lang mag isa, isang rason na din dun yung laging umaalis si Hewbert sa bahay gawa ng trabaho, kaya naiiwan akong mag-isa dito.
"Ah opo, kailangan ko po kasing i-meet yung talent nila Dad and Mom para sa Star Records."
Napatango nalang si Manang sabay ngumiti.
Aantayin ko pa yung assistant ni Dad para ihatid ako sa talent nila. Hindi ko kase alam kung saan ang lugar na pupuntahan. Biglaan lang din ang pag-aasign sakin ni Dad. At ipinaliwanag nya naman ang mga gagawin ko.
"Sige sige iha. Oh, yung asawa mo? Bakit di pa yun bumabangon? Hindi ba't may trabaho yun ngayon?"
"Im here Manang. " Napatingin ako sa may hagdan kung saan may nagsalita. Si Hewbert, habang inaayos ang neck tie nya na hindi man lang nya maayos. Napatitig ako don.
Agad na nagsalubong ang tingin namin habang pababa sya papuntang mesa, iniwas ko agad ang aking tingin.
"Naku, at buti nalang sabay kayong bumaba. Hala't kumain na kayo rito." Pag-aanyaya samin ni Manang.
Pumunta sya, kung saan medyo malapit ako sakanya.
Di ko napigilan at inayos kong ang neck tie na kanina ay parang kinusot sa pagkakalagay.
Hinawi nya agad ang kamay ko. At tinignan ng masama at malamig.
Hindi ko nalang pinansin yun at umupo na ko. Balak ko sanang ayain si Hewbert pero...
"Ah, sa labas nalang po ako kakain. It's getting late. Sige po manang," Malamig nyang sabi. Napansin ko ang tingin nya sakin habang nakayuko ako. Saka sya lumabas nang hindi man lang ako kinausap.
Naramdaman ko nalang na nabasa ang damit ko dahil sa patak ng luha.
Eto nanaman. Umiiyak na naman ako. Kung nandito lang siguro si Mom, mababatukan na ko nun. At sasabihing wag ko daw pag aksayahan ng luha ang taong hindi naman nararapat.
Bahagya kong hinawi ng aking kamay ang aking luha, saka ko pinagpatuloy ang pagkain ng tahimik.
"Denise, nak. Anong bang nangyayari sa inyo ng batang 'yon? Pwede mong sabihin sakin kung anong problema, at makikinig ako."
Napatigil ako sa pagkain saka ko niyakap si manang.
"Masyado ko na po bang pinagsisiksikan ang sarili ko kay Hewbert? Kasi manang kahit alam kong wala ng pag-asang mahalin nya ko, eto minamahal ko pa din sya." Hinagod-hagod ni manang ang likod ko habang patuloy padin ako sa pag-iyak.

BINABASA MO ANG
A Hurtful Marriage
Ficción GeneralA Hurtful Marriage Copyright © All rights reserved.