---------
Him or Him?Hewbert's POV
"Hewbert, son. Hindi ko akalain na ganoon pala ang ugali ng babaeng yun. A-akala ko pa naman, napakabait nya ..yun pala..." I clenched my fist.
"Ma, stop that." That woman! I will make her life as living hell. Ipaparamdam ko sakanya kung gaano ko sya kinasusuklaman.
Nang dahil sakanya, nawala ang pinakamamahal kong babae. Nang dahil sakanya, nagkanda gulo-gulo ang buhay ko.
"It's better to go home mom. Take a rest. Dad pahinga na po kayo. Ako ng bahala sa babaeng yun" Madiin kong sabi. Nanginginig ako sa galit.
"Okay son, take care." At umalis na sila ni Dad habang ako naman naupo sa kama ko at iniisip kung ano bang nagawa ko sa babaeng yun.
Sa sobrang galit sa nakitang eksena kanina, di ko napigilan at nagdilim ang paningin ko. Nasampal ko sya.
Di ko maaatim na may gumagawa ng ganun sa magulang ko. Iniingatan ko sila dahil sila nalang ang meron ako.
Tama na ang nawala ang isa. Dahil di ko na kakayanin kung pati sila ay mawala din. Wala na kong pakielam kung ano mang mangyare kay Denise, dapat lang sakanya yon. She deserved it.
Nahiga na ko at nagsimulang matulog.
—●
Jamella's POV
"Opo. Sige po. Ako na pong bahala dyan.. Wag po kayong mag-alala.Okay sige, kanina pa kasi naghihintay yung kaibigan ko eh. Lasing na kase kaya kailangan ko na pong bumalik.. Yes.. Bye"
I groaned after I ended the call.
Grabe talaga yung assistant ni boss. Utos ng utos porket wala si boss dun, nanamantala na. Nagfefeeling CEO. Arrrgh! Sarap sabunutan para matuluyan na yung inaalagaan nyang buhok.
Nandito pala ko sa likod ng bar. Hays. Makapasok na nga at baka knock-out na si Denise dahil sa kalasingan. Tsk ewan ko ba dun, di naman nagkwekwento puro mga out of coverage ang mga pinagsasabi, hindi ko ma-reach.
Pagpasok ko ng Bar. Hinanap agad ng mga mata ko si Denise. Damn! Wala na sya dun sa table namin, kahit si kuya gwapo wala din.
OMG! DON'T TELL ME, INUWI NA NUNG LALAKI SI DENISE? O DI KAYA MINANYAK NA! SHIT I NEED TO FIND HER! malalagot ako nito kay boss este sa asawa nya.
"Denise!" Sumigaw ako.
Asan na ba kasi yung babaita na yon? Sabi ng dun lang sya eh.
"Ah kuya waiter! Nakita nyo po ba yung kaibigan ko? Eto po oh." Pinakita ko sakanya yung pic ni Denise sa phone ko.
"Ah yan ba? Parang.. parang nakita ko syang lumabas kanina. Dun banda oh."
"Ah ganun ba. Sige sige! Salamat"
Agad akong umalis at lumabas.
Naghihysterical na ko dito. Di pwedeng mawala si Denise. Nak ng tipaklong naman kasi eh. Sa tigas ng ulo ni Denise talaga di sya susunod sa sinabi ko. At lasing na lasing na yun..
Napatingin ako sa phone ko.. May tumatawag. Agad ko 'tong hinugot at sinagot nang lumitaw ang numero ni Denise.
"Denise! Where the hell are you now? Sabihin mo, nasan ka at pupun—"
BINABASA MO ANG
A Hurtful Marriage
General FictionA Hurtful Marriage Copyright © All rights reserved.