AHM 5 - Evans

1.5K 24 1
                                        


Dedicated to RunawayCloud :) Thanks sa pag subaybay. Haha.

------
Evans

Denise's POV

"Denise! Jeez, anong nangyari dyan sa pisngi mo? Sino gumawa nyan ha?" Jamella shouted habang tumatakbo palapit sakin. Ganun na ba kalaki yung hiwa at nakita agad ni Jam kahit nasa malayo pa sya?

"Wala 'to Jam. Nadulas lang ako. Teka, ano ba gagawin natin dito at tinawagan mo pa ko?"

Tinawagan nya kasi ako kanina at pinapunta dito. Ang lawak ng building na 'to, kada may dadaan dito napapatingin, at kahit ako din namamangha sa disenyo ng buong building. Halatang sobrang yaman ng may-ari. Napatitig ako sa harap nito 'Evans Corporation'. Hindi ko maintindihan pero parang may naaalala akong Evans..

"Kilala mo may-ari nito?" Bigla kong tanong. May naaalala talaga ko eh.. Hindi ko lang talaga malaman.

Napakamot nalang si Jam sa ulo nya. At medyo ngumiti sakin ng matabang.

"Hmm parang pamilyar nga eh. And guess what? Pinsan pala ni Ashton ang owner nito. Bakit di nya nabanggit satin." Naiiling iling na saad nya.

"Talaga?"

Hindi ko din alam na pinsan pala ni Ashton ang owner nito, dahil wala naman syang sinasabi sakin. Isa din 'to sa pinaka-kilala na kompanya sa buong bansa. Kaya hindi na ko magtataka sa itsura ng building.

At saka walang naman ding problema sakin kung magkikita man kami ni Ashton dito eh. Napag-isipan ko nadin na para saan pa at iiwas ako sakanya gayong wala naman syang nagawang kasalanan sakin. Saka, di ko makakalimutan na tinulungan nya ko dati. Napakabait ni Ashton, at gusto ko din naman syang maging kaibigan.

"Kung ganun, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko. Napakamot ulit sya. At ngumiti ulit sakin. Ano bang meron at parang kanina pa sya nag-aalangang sabihin sakin kung ano man yung gusto nyang sabihin?

May kinuha sya sa bag nya na papel na may nakasulat at pinakita sakin.
Nang mabasa ko kung ano yun. Napatingin ako kay Jam habang nakakunot ang noo.

"Bakit mo pinapakita sakin 'to?" Ngumuso sya sa building na nasa harapan namin.

"Papasok tayo dyan. At wag kang magrereklamo ha? Hindi ako tumatanggap ng 'hindi'. Gets mo Sis?"

"Teka lang. Di mo pa sinasagot ang tanong ko." Pinaningkitan ko sya ng mata habang pinapakita ang papel. Napa irap sya at huminga ng malalim.

"Basta." Yun lang at hinila na nya agad ako papasok.


Jamella's POV

Alam kong maraming nagtataka kung ano ang nakalagay sa papel na ipinakita ko kay Den. Simple lang naman eh.

*Flashback

"La la la~ Yeah." Kumakanta ako habang naglalakad palabas ng bahay namin. Obvious naman diba.

"Miss!" Napakunot ang noo ko at hindi agad lumingon. Baka sabihin pa nun ang feeler ko. Mahirap na.

Patuloy padin ako sa paglakad..
"Miss na naka-blue!"

Napatingin ako sa damit ko. Kaya nilingon ko na si kuyang sumisigaw.

"Ba--kit?" Anak ng tokwa. Ang gwapo naman nito.
Napakurap ako saglit.

"Good day. You know who is she?" May pinakita syang litrato ng isang babae. Kinuha ko 'to at tinitigan.

Si Denise to ah. Nakatayo sya dito habang nakangiti, ito yung pumunta sya sa party, mukha nga syang model dito eh. Teka, bakit may picture 'to ni Denise?

A Hurtful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon