AHM 1 - One Month

5.7K 59 1
                                    

---------
One Month

DENISE' POV

Umaga.

Nandito ako ngayon sa kitchen, nagluluto para sa umagahan namin.

Kakagising ko lang galing sa pagtulog habang mahimbing naman na natutulog si Hewbert. Mag iisang buwan na din matapos kaming ikasal.

Masaya ako na sa wakas ay naikasal na ko kay Hewbert pero nasasaktan ako sa mga pambabalewala niya. Ni' minsan hindi ko siya nakitang ngumiti hanggang ngayon. Kakausapin nya lang ako kung may iuutos o kailangan siya, yung katiting na pag uusap namin na yon, lagi pa siyang nakasigaw at galit. Nakakalungkot. Pero ayos lang, makukuha ko din ang loob niya. Napangiti ako ng mapait. Kailan kaya?

"Denise! Where's my fucking suit?"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Hewbert. Napalingon ako sakanya habang nakatingin sya ng sobrang sama sakin.


"Huh? A-Anong suit?" Tanong ko. Habang siya naman ay napahilamos sa mukha.


"Damn! Wag mong sabihing hindi mo alam? Hindi ba't sinabi ko sayo nung gabi na plantsahin mo yun?" Nanlilisik ang mata nyang sigaw sakin. Napatakip ako sa bibig ko.

How can I forget?! Inutusan nya kong plantsahin ko yung damit nya para sa work nya ngayon.

Ang tanga ko lang, dahil nakalimutan ko kasi pinabili niya ko ng mga groceries kagabi. Alam kong kung anu-anong sigaw ang makukuha ko sakanya kung sasabihin kong nakalimutan ko, pero handa akong tanggapin yun. Kasalanan ko din naman eh.

"A-Ano kasi, kasi Hewbert nakalimut--" Napayuko ako habang nilalaro ko ang mga daliri ko.

"So, nakalimutan mo nga? Putcha Denise! Eh ano palang gagamitin ko ngayon ha? Shit.. You woman. Napakawalang-kwenta mo. Useless!" Napapikit ako ng madiin dahil halos manginig na ko sa takot nang sumigaw sya ng malakas.

"H-Hewbert.. kung g-gusto mo, plantsahin ko na ngayon?" Nauutal kong sabi habang di makatingin ng diretsyo.

Isang buwan palang kami, tapos ganito na ang mga pinapakita niya. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?

"Dapat lang! Kailangan pagkatapos kong maligo, tapos na yun. Now, move!" Gusto kong matuwa sya sakin kaya ang ginawa ko, dali-dali kong pinatay ang lutuan at kumaripas na ng takbo papunta sa kwarto ko dahil nandun ang suit ng asawa ko.

Masaya akong nagpaplantsa ng damit nya dahil pakiramdam ko, inaalagaan ko sya. Kahit na ganun pa ang ugali nya, kahit na saktan at paiyakin nya ko ng ilang beses, hindi pa din mababago na mahal na mahal ko sya. Yung parang, kahit anong gawin nya, hindi ko pa din siya aayawan.

"Ayan okay na!" Ngumingiti ako habang pinagmamasdan yung plinantsa kong damit. Nakakatuwa lang dahil marunong na din akong magplantsa ng tama at maayos. Dati kasi pag nagpaplantsa ako may part na nasusunog ko.

Biglang bumukas ang pinto ng CR kaya napabitaw ako ng hawak sa suit nya.

Di ko muna siya tinignan. Nakayuko lang ako habang kunwaring inaayos ang damit na plinantsa ko.

"Denise, tapos na ba yung pinapaplantsa ko sayo?"

Napangiti ako. Ang hinahon nya ngayon. Mas gumagwapo pala sya kapag mabait sya. Pero gwapo din naman kahit na sumisigaw at galit. Kahit saan naman ata tignan e.

A Hurtful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon