Chapter 03

13 0 0
                                    

Chapter 03

**School

"Jisoo!"-tawag saken nung brat kong kaklase na si Jikyeong.

"Wae?"

"Ikaw na ang gumawa nung group project natin. Babayaran ka na lang namin. Tutal nangangailangan ka naman ngayon di ba?"-pang-aasar nya.

Nagtimpi na lang ako at hindi na ako umimik.

"Annyeong. Mamasyal pa kami."-umalis na sya

Pagkaalis nya, biglang lumapit saken si Seulbi.

"Ya! Ang sama talaga ng ugali ng babaeng yun. Kakabwisit eh."-puna agad ni Seulbi.

"Pabayaan mo na lang. Wala namang mararating yung mga ganung gawain eh."-katwiran ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"Teka? Pakinig ko, ikaw daw lahat ang gagawa nung sa group project nyo? Di ba dapat limang self-composed song yun. Iba't iba pang genre. Paano ka gagawa nun agad? Eh next day na submittion nun dahil bakasyon na tayo."-Seulbi.

"Hindi ko alam. Basta gagawa na lang ako para sa grades ko."-sagot ko.

--

Maaga kaming pinauwi ngayon. Bumili ako ng pagkain at saka ako umuwi. May napansin akong scooter sa harapan ng apartment. Pagdating ko sa bahay, napansin kong may sapatos sa may pintuan. Tiningnan ko yung susi ko sa ilalim ng paso. Nawawala. O_O Siguro. May magnanakaw sa loob.

Kinuha ko yung payong na nakasandal sa may pinto at saka ko dahan-dahang binuksan ang pinto. Nagdahan-dahan akong naglakad papasok para mahuli yung magnanakaw. Pakinig kong naggagalawan yung mga gamit sa kusina ng bahay. Agad akong nagpunta sa kusina at saka pinaghahampas yung magnanakaw.

"Magnanakaw! Magnanakaw! Tulungan nyo 'ko!"-sigaw ko habang hinahampas yung magnanakaw.

"AHH!! ANO BA!!? HINDI AKO MAGNANAKAW!"

"Tulungan nyo 'ko! May magnana--"

Natigil ako sa panghahampas at pagsigaw ng takpan nya ang bibig ko. O_O. Hindi pala magnanakaw 'to.

"Ano ba? Nakikiluto lang ako dito."-kalmadong sabi nya.

Si Yoonjae.

Tinanggal ko naman agad yung kamay nya sa bibig ko.

Mahigit isang linggo na simula nung huli ko syang makasama. Nung nanggaling kami sa Busan. Mag-aalas-kwatro na ng madaling araw nang dumating yung bus papuntang Seoul kaya puyat ako nung pumasok ako ng araw na yun.

"Paano ka nakapasok dito? At sinong nagsabing pwede ka dito?"-tanong ko.

"Huwag kang mag-alala. Pumasok lang ako para magluto ng makakain."-sya.

"Tapos ano? Ako pa ang magliligpit ng mga yan ha? Lumabas ka na nga dito!"-utos ko.

"Tatapusin kong lang 'tong pagluluto ko."-sabi nya sabay tikim nung niluluto nyang.. ano yun? "Ahh."-napaso sya dun sa niluluto nya.

"Ang sabi ko, lumabas ka na."-itinulak ko na sya palabas ng bahay.

"T-Teka lang Jisoo!"

Naitulak ko naman sya hanggang sa labas ng bahay. Hawak pa nya yung sandok.

"Ano ba?"

"Bawal ka dito."

"Okay. Kung ayaw mo akong paglutuin sa loob ng bahay mo, isasama na lang kitang kumain sa labas."-sabi nya sabay hanggit sa kamay ko at hinila ako pababa.

Treasure Of My Past [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon