[KIM]
Ang lahat ay handa na. bulaklak, ang mga pagkain, musikang tutugtugin... matutupad na din ang pinapangarap niyang kasal. Mabilisan ko siyang tinungo sa silid kung saan siya binibihisan, mistulang nag slow mo ang lahat ng makita ko siyang nakangiti sa akin. Ang kanyang mata, ilong at labi... napakaperpekto.
SUNOOOOOOOOG!
Bigla akong nawala sa napakamapayapang mundo sa aking panaginip. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa kusina. Doon ay nakita ko si Emmy na sobrang takot sa pangyayari. Kasabay ng pagtingin niya kay Kara ay nilapitan ko silang dalawa.
"Sinubukan ko lang naman yung nakita ko sa t.v" marahan niyang pagsabi pagkakita sa akin. Nilapitan ko siya, at kinuha ang pot holder sakanya.
"Sa susunod bee, kung may balak kang mag-ala-boy Logro sabihan mo ko ha. Tutulungan naman kita e."
"Eh paano magiging surprise kung sasabihin ko sa iyo?" pagmamaktol na sagot niya.
"Sa susunod kung may balak ka magsunog ng apartment, siguraduhin mong wala ako!" dagdag naman ni Emmy.
"Oo nga naman Kara, kung magkakataon baka ma double toast si Emmy" biglang sabat ni Jol.
Sabay irap ni Emmy.
"Hoy nognog wag mo ko iniirapan ng ganyan baka nakakalimutan mo sa amin ni Kim tong apartment na to!"
"Yun na nga e, ang pinagtataka ko bakit pa pinagtitiisan ni Kim na makasama ka sa napakaliit na kwartong ito? Eh kung tutuusin pwede naman siya sa bahay namin. LIBRE pa!"
"Nagtatanong ka pa, e simple lang naman ang sagot! Hindi ka kasi niya kayang pagtiisan sa bahay niyo kaya kahit libre tinanggihan niya!"
"Eh bee, ano ba niluto mo?" Nilapitan ko siya habang nagaayos ng lamesa.
Binuksan niya ang takip sa gitna ng mesa at dun bumulaga ang isang piraso ng bulaklak, kasunod ang ibang plato na may laman na pagkain.
"Heart-shaped-pancake!" ngiti niya sa akin "Naalala mo nung nilutuan mo ko ng ganyan? Happy 02 bee!"
Natulala na lang ako. heart-shaped pancake, coffee na may smiling face sabay napaupo.
"Eh ano yung nasunog?" mahinahong tanong ko
"Sinubukan ko kasi lasingin yung porkchop na minarinade ko kagabi sa amin." Napakamot pa siya habang sinasabi at tinuturo ang kusina sa pagdadahilan niya. "Tapos biglang lumiyab"
Napangiti si Jol at napailing si Emmy.
"Baka naman kasi red horse yung nilagay mo?" pagbibiro ni Jol.
"Ai hindi naman, San Mig Light lang!" agad niyang pagsakay kay Jol.
"Hindi naman kasi yun yung ..." akmang sasagot si Emm ng tinampal ni Jol yung mukha niya. "Sasagot ka pa e! alam mo yung joke?"
"Sa susunod kasi Kara, wag mo straighten. Shot-shot lang!"
"Jol, paano malalasing yung baboy na niluluto ko kung shot-shot lang?"
Habang nagkwekwentuhan sila, tumikim ako ng pancake. Napatingin sa akin si bee, siya namang paginom ko ng kape nung lumapit siya sa akin.
"Masarap ba? Specialty ko yan para sa mister ko"
"Specialty, kape?" sabi naman ni Emm
Buti na lang... buti na lang hindi ako napaso sa sinabi niya. dahan-dahan kong binaba ang tasa.
Ngumiti siya sa akin at sinabing "Bee, para kang lalaki meron ka pang froth sa labi" pupunasan ko sana kaso "tekaaa... wag mo buburahin. Jol, picturan mo kami!"
Nakaturo siya sa akin, mistulang nagtatanong ang mga kilay niya, nakalabas ang mga ngipin niya sa pagniti; hawak ko yung tasa ng kape.
"Hoy! dora, umalis ka jan sa tabi ni Kim. Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na wag ka magdidikit kay Kim ha?" biglang sabi ni Jol pagkahawak sa phone ni Bee.
"Naiinggit ka lang kasi hindi kita dinidikitan!" giit ni Emm.
"Excuse me? Naawa lang ako sa iyo. dapat nga nagpapasalamat ka pa sa akin e!" pabalang na sabi ni Jol
"Jol, gusto mo ako na lang? kaya ko naman e." Sabi ni Bee tapos kinuha niya yung phone niya.
"Nagmumukha ka kasing anino pag katabi mo si Kim!" tuloy na pag-aaway nila. Pinalo-palo ni Emm si Jol
"Pipicturan ko na lang yung sarili namin ni Bee" gamit yung front cam, inakbayan ko siya habang pinapakita yung kape na bigay niya.
"Bee, turuan mo ako magluto ha. Ilang araw na lang magiging misis na yung bestfriend mo"
Speechless pero ngumiti ako. Kita sa mata niya ang saya, kaba at pagiging inosente. Speechless. Pero syempre hindi naman dapat niya mapansin yun. Kaya ngumiti ako at sinabing "Oo naman, para san ba't may chef kang bestfriend?" sabay akbay at kindat pa sakanya.
"Ikaw kasi eh! Sabi ko sayo sabay tayo mag cuculinary. Inunahan mo ko! iniwan mo ko!" paninisi nanaman niya sa akin.
"Bee, hindi ako nagculinary! HRM yung course ko. Hindi kasi pasok yung height ko sa tourism ["Kara: hindi pasok eh ano ba height mo?" ayaw patalo at paawat sumasabay pa sa akin] kaya nag HRM ako. [may diin na sabi ko] Kaya hindi kita inunahan, hindi kita iniwan!"
"Oh eeeh kahit na!" ayaw patalo niyang sagot.
Pumanhik ako sa kusina para kuhain ang surpresa ko sakanya pero para hindi niya mahalata ay nagpanggap akong pumunta dun para ayusin ang mga hugasin.
"Eh kung ako na lang kasi sana yung papakasalan mo e di walang problema" bulong ko sa hangin.
Sinundan pala niya ako, buti na lang mahina ang pagkakasabi ko.
"Anoooooo?!"
"Wala!" sabay harap sakanya hawak ang isang hairclip.
Kinuha niya iyon saka tinignan ako ng matagal sa mata.
"HOOOY!" sabi ko sakanya na parang isang manok na manunuka. "Ano nginingiti-ngiti mo dyan ha? Baka maihipan ka ng masamang hangin sige ganyan ka na habang buhay" sabay lakad palayo sakanya.
"San nga to libre?" umikot siya ng bahagya paharap sa nakatalikod kong pagkakatayo.
"Ha?" sabi ko ng walang tunog pagharap sakanya.
"Sa gatas o sa hotdog?"
"Hoy, binili ko yan!" may diin pa ang sabi ko.
Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan, parang ngseseduce at ng iintimidate.
Sabay labas sa bulsa ng kaparehang clip na bigay ko.
Nakakatakot pero nakangiti niyang sabi sa akin "Napalunan ko to dun sa grocery dun sa may hinuhulog-hulog na bola. Hindi ko lang maalala kung dahil ba yun sa hotdog na binili ko o dun sa gatas ng pamangkin ko."
Kahit kailan hindi mo siya maloloko.
HERSHEY'S BOOK2
06/26/13
BINABASA MO ANG
⚢HERSHEY'S [SPECIAL EDITION]
General FictionMYSTERY-ROMANCE Are you a HERSHEYS fan? kim-karalovers? Can't get enough of Book1? The most awaited story, My most controversial entry that frequently [readers] questions my identity I am proud to present HERSHEYSBOOK2. Hershey's with a twist. Hersh...