Chapter 19

265 14 12
                                    

 

[KA]

My one and only, one and only … you.

Nagtago ako sa loob ng kwarto habang iniisip kung saan ko nga ba huling narinig yang kantang yan?

“Ka!” biglang tawag sa akin ni Kim mula sa likod ko.

Ka: nagulat ako sa iyo walang ya ka!

Kim: Sorry.

May kasama pang ngiti yung sorry niya kaya mas lalong nakakagaan iyon. Shet, bakit ganoon? Dati ang boring ng character ko pero nung nakilala ko si Kim, bakit pakiramdam ko lumandi ako ng bahagya?

Kim: Ahh nga pala, ito yung contract na kailangan mong pirmahan.

Binigyan niya ako ng ballpen, hindi ko na masyado binasa yung nakasulat dun… mas nakatitig ako sa space kung saan ilalagay ko yung pirma ko. Karizza Dy ano kayang itsura ng pirma ko noon?

Ka: Teka, paano natin itatago yung identity ko kung sa contract eh totoong pangalan ko yung ilalagay ko?

Kim: Ka, hindi mo pwede i-fake yung pirma mo. Gusto mo ma-napoles?

Ka: Ha? Nabaranggay na nga ako nung nakaraan, ipapapulis mo pa ako.

Kim: Tss. Seryoso? Joke kaya yun.

Ka: Aiihh. Paano naging joke yun?

Kim: Ka, hindi mo ba kilala si Napoles?

Umiling lang ako sa pag sagot.

Kim: Sa bagay, wala nga pala kayong t.v Ahh alam ko na!

Lumabas siya sa kwarto tapos may kinuha siya sa bag niya. tsaka tinawag yung mga bata.

Kim: Manonood tayo. Active yung subscription ng cable sa laptop ko pero meron din akong mga movies dyan. Pili kayo anong gusto niyo?

Rex: Woooow! Mag horror tayo!

Paula: ho-horror?

Rex: Wag mo sabihing natatakot ka?

Maica: Game!

Habang nanood kami, hindi ko alam kung bakit… parang hindi yung movie yung nakikita ng mga mata ko. wag mo sabihing flashbacks nanaman to. Ang landi naman ng mga flashbacks ko…

[KIM]

Napatingin ako sakanya, tutok na tutok siya sa pagpapanood. Gusto ko sana siyang yakapin kaso nakayakap sa akin ang mga bata.

[KA]

May kayakap ako tapos… oh my… kahalikan?

“Booooooo” dahil siguro sa pagtutok ko sa pinapanood ko, este flashback na di ko malaman kung flash ba talaga yun eh naging magugulatin ako. tawa ng tawa sila Rex sa naging reaction ko.

Matapos nung movie, pinatulog ko na sila.

⚢HERSHEY'S [SPECIAL EDITION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon