Chapter 17: ONE AND ONLY YOU

269 15 2
                                    

[KA]

Nakita ko siyang umalis na tahimik, dahil ba sa tulog ang mga bata kaya ganun? Nakita ko ang mango cake na hindi ko naubos kanina… tinake out niya pala yun kaya minabuti ko siyang sundan baka kasi nagdamdam siya sa ginawa ko.

Hindi naman ako nagsisi sa ginawa ko. Nakangiti akong bumalik sa bahay.

Kim: Hindi yan safe. Mas gusto ko yung tubig sa inyo.

 

Dahil hinatid niya ako pabalik sa amin. Ang hawak niya sa kamay ko… parang akma sa mga palad ko. ito rin ba yung naramdaman ko noon kaya ako nainvolve sa mga babae? Andami kong gusto itanong sa sarili ko, pero mas higit ang kasiyahang nararamdaman ko… sa tuwing nandyan siya sa tabi ko.

Excited na ako para bukas, gusto ko na siya ulit pang makita.

Kinuha ko ang ballpen at notebook ko para magsulat at magdrawing. Sinimulan ko ang pagpplaplano para sa magiging business namin hanggang sa nakatulog na ako.

-DAY 4-

Maaga kaming nagising ng mga bata, pumunta sila sa tabing dagat para kumuha ng mga shell samantalang ako sinimulan ko na ang paghahati sa mga prutas. Mas maganda siguro kung mayroon kaming blender at crushed ice dito

Kim: Oh, alam kong kakailanganin natin to.

Iniisip ko pa lang ay dumating na agad ito sa harap ko. Napangiti ako pagkakita sakanya. Namiss ko siya.

[KIM]

Nakita ko ang mga ngiti niya, sign ba yun na ako ang dahilan ng yun?

Namiss ko siya.

Ka: Ang aga mo dumating ha.

Kim: Nasaan yung mga bata?

Ka: Ahh, nandyan lang sa tabi-tabi. Nangunguha ng mga shells. Simulan na natin yung paggawa ng shakes.

F R U I T S H A K E 101

Ka: Wala akong alam sa paggawa ng fruit shake kaya magiging experiment lang ang lahat.

Kim: Wag ka mag-alala may dala akong gamot baka sakaling kumulo ang chan natin hehe

Ka: Grabe ka naman!

Una natin itry yung crushed ice tapos may fruit sliced cube sa ilalim tapos lagyan ng gatas at flavoured syrup sa ibabaw.

Kim: Pwede din natin lagyan ng ice cream

Ka: Pwede sa ibabaw, pwede din sa ilalim natin ilagay kasama nung mga fruits

Kim: Tingin ko mas maganda sa ibabaw?

Ka: Ice cream talaga? pwede ding frappe

⚢HERSHEY'S [SPECIAL EDITION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon