-DAY 5-
[KA]
Hindi ako makatulog. Parang andaming laman ng utak ko. Sino yung kasama ko sa movie? Sino yung mga kasama ko sa flashes ko? Iisa lang kaya yun? Si Kim… Sino kaya yung tinutukoy niya?
You might loose the moon while counting them.
Bakit parang ang lungkot niya?
Pinilit kong matulog pero hindi talaga. Aha! Ako naman ang magsusurpresa sakanila ng breakfast! Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa kusina. Ano bang mayroon dito? Mayroon pa palang macaroni elbow shells dito. Gagawin ko sanang sopas to nung nakaraan. Napaupo ako sa dining, Hmnnnn sopas nanaman kaya? Lagi na lang kasing sopas eh. Tumayo ako tapos kinuha ko yung pitaka ko. Pupunta nga ako kela aleng Nena.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang bibilhin ko. Bukas na kaya sila ng ganito ka-aga? Medyo malayo na din ang nalakad ko sayang naman kung hindi. Habang papalapit ako ay napatalon ako sa tuwa. Buti na lang bukas na sila!
Tinitigan ko yung mga benta niya. Nakakamangha talaga. Bakit kakaiba ang tindahan ni aleng Nena? Parang andun na kasi lahat ng hanapin mo. Nakakahiyang mangutang… buti pa kela aling Bebang. Buti na lang may pera akong naitabi kahit papaano.
Ano kayang bibilhin ko?
Spaghetti sauce, pesto, carbonara, chessy sauce. Alin dun? Spaghetti? Eh hindi naman pang spaghetti yung nandun… pwede din kaya yun sa macaroni? Pesto… Carbonara… tinignan ko yung mga price nila. halaa hindi swak sa budget. Hmn…. Cheesy sauce? Tinignan ko sa likod nito aba may recipe pang kasama. MacNcheese? Ohhh! Ito na lang siguro bibilhin ko.
Nena: Ito lang bibilhin mo. jiha?
Ka: Ahmm… op— *sinama ko na yung juice na nakita ko* ayan okay na po. Ay teka!
Nena: Ano yun?
Ka: May hotdog po ba kayong tinda?
Nena: Anong hotdog?
Ka: Hotdog po. Yung ano… *hindi ba niya alam yun?* kulay pula
Nena: Alam ko. Anong brand ba ang gusto mo? may tender juicy, swift, magnolia, mekeni…etc.
Ka: oohh. Wow. *lahat na nandito na talaga* Ahh yung— magkano po yung pinakamura?
Nena: 12pesos.
Ka: *kung lima kami…* magkano po yung maling?
Nena: 50php
Ka: *makakatipid ako* yun na lang po.
Nena: Sigurado ka bang yun na lang ang bibilhin mo?
Ka: Opo. : )
Pag-abot niya sa akin ng pinamili ko… sa totoo lang iniisip ko di kaya maumay kami sa lulutuin ko? tinignan ko yung recipe na nakasulat sa likod. Medyo kulang-kulang padin ako sa ingredients haha bahala na. Napatigil ako sa paglalakad tapos bumalik kay Aleng Nena.
Ka: Aleng Nena
Nena: Oh may nalimutan ka pa?
Ka: May oven po kayo? *pagbibiro ko sakanya*
Nena: Anong brand?
BINABASA MO ANG
⚢HERSHEY'S [SPECIAL EDITION]
General FictionMYSTERY-ROMANCE Are you a HERSHEYS fan? kim-karalovers? Can't get enough of Book1? The most awaited story, My most controversial entry that frequently [readers] questions my identity I am proud to present HERSHEYSBOOK2. Hershey's with a twist. Hersh...